NBSB 19~

26 2 0
                                    

“I’m feeling sexy and free! wooh! Like glitter's raining on me! yohoo!" Sumampa ako sa bench at sumayaw sayaw habang kumakanta parin.

“Ooh, ooh, ooh, ooh, We can do this all night, Damn this love is skin tight!” Nag head bang ako at tumalon pababa ng bench.

Ang saya! ^__^  Halata naman siguro diba?

Nakuha ko pa ngang kumanta kanta, tumayo sa may bench at mag head bang!

Di nyo ba man lang itatanong kung bakit Masaya ako?! O sya! Alam ko namang di naman kayo sasagot!

Alam nyo namang mabait ako kaya sasabihin ko na. Chos! Sadyang Masaya lang ako kaya ko nasasabi yan ^0^

Eto na nga! Sasabihin ko na!

Masaya ako dahil……………………

Walang unggoy na umaaligid sa akin ngayon! *0* O diba! Ang saya kaya non!

“Hayy! Nakakapagod. Pero infairness ang saya talaga.” Umupo ako sa may bench.

Oy! Oy! Teka! Baka sabihin nyo basta basta nalang akong kumanta Kanta ng ganon kahit saan saan lang ah! Ginawa ko yon ditto lang sa may rooftop! Tutal ako lang naman mag isa dito.

Tama. Nandito ako sa may rooftop. Dito ako dinala ng mga paa ko kanina nung pagkatapos ng 2 subjects ko.  At syempre dito na non ako nagwala nung narinig ko kanina mula sa mga tsismosa kong mga ka school mate na hanggang friday daw  na hindi papasok ang unggoy na yon dahil nagpapraktis sila ng soccer para sa nalalapit na competition sa west. Akalain mong soccer player pala silang mag babarkada.

Pero, yiee! Ang saya nun diba? Kaya ayan! Nagcecelebrate ako kahit akong mag isa lang. May klasi pa kasi si Ley, si Rick naman masyado na syang nagiging busy simula nung sabado hanggang ngayon. Madalang nalang rin syang umuwi sa bahay naming tatlo, halos umuuwi sya sa kanila. di naman namin sya matanungan dahil hindi kami makatyempo.

“Hmm! Ang sarap! *munch* *munch*!”

Anyway! Dinala ko pa nga dito sa rooftop yung mga pagkain na binili ko kanina sa cafeteria, para dito na kainin eh. Diba kapag nag cecelebrate dapat may handaan? Kaya charan! May pagkain ako na nilalamon ngayon.

*Bugsh!* *Plak!*

“Ha?! Sino yan!” Tumayo ako. Tinignan ko ng mabuti ang mga nakatambak na mga bagay sa gilid ng rooftop kung saan ko narinig ang ingay kanina.

“Sino sabi yan! May tao ba dyan?!” Kinuha ko ang book ko na nasa bench. Wag kayong mag alala hindi ko pampapalo ‘to. Kung tutuusin pantatakip ko ‘to ng mukha kung sakaling may tao man don.

Nakakahiya kasi! >/< Baka may nakakita pala sa akin na nagwawala ipagkalat pa nung taong yon. Waah! Nakakahiya talaga. Sana pusa lang yung nandon!

Lumapit ako ng konti sa pinanggalingan ng ingay.

“A-aray ko po.” Nanlaki ang mata ko ng may Makita akong taong gumagapang papalabas sa mga gamit na nakatambak.

Itatakip ko na sana ang libro sa mukha ko at handa ng tumakbo, kaso nanlaki ang mga mata ko ng tumayo na ito at makita ang mukha ng taong gumagapang.

“N-nerd?! Bakit—Anong? Anong ginagawa mo dito?!”

Tanda nyo ba yung nerd kahapon? Yung nanghihiram ng upuan kay nggoy pagkatapos ako ang nagbigay? Sya yun! Sya yung freshman na Nerd na yun!

“A-h. Eh. Kasi—Kasi ate. Wala po! Wala! Baba na po ako! Sorry sa abala ate!” Balak nya na sanang tumakbo pababa kaso hinila ko sya papaupo sa bench.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NBSB (no boylet since born)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon