NBSB 17~

16 1 0
                                    

My heads under water

But I’m breathing fine

You’re crazy

And I’m out of my mind

Kung sa tingin nyo nag sesenti ako dahil sa naririnig este nababasa nyong kanta ngayon, pwes. Mali kayo ng akala.

Ako? Ang isang Jenice Chandrea Castro? Magsesenti? Ano kayo, nahihibang?

Ok pa sana kung itong si Ley ang mag senti eh. Dahil hanggang ngayon halatang halata na Heart broken pa ang bakla. Simula rin nung nagkwento sya sa amin kahapon eh dapat lang talaga syang mag senti dahil nalaman nalang namin na umalis na ng bansa si AL kaya sobrang iyak sya kahapon. Buti na nga lang hindi na sya nagkukulong ngayon eh.

Atsaka bakit naman ako mag sesenti ng dahil lang sa nabasa ko kahapon? NBSB yata ako. At kahit kailan sa tanang buhay ko ni hindi ko pa nakuhang mag senti. Tapos ng dahil sa Arcel na yon mag sesen—

Teka nga! Bakit napasok sa usapan yung unggoy na yon?!

Pagkatapos ano pang senti senti ang sinasabi ko?

“Ugh! Erase Erase!” umiling iling ako at pinagpupukpok ko ang ulo ko gamit ang kamay ko.

 

Cause all of me

Loves all of you

Love your curves and all your edges

All your perfect imperfections

“Girl. Nyare? Anong ginagawa mo?” Napatigil naman ako sa ginagawa ko at tumigin sa kaliwang gawi ko kung nasaan nakaupo si Ley.

“Ha?”

 “ Confirm Girl! Lutang ang bakla.” Napabaling naman ako sa may gawing kanan ko kung saan nagsalita rin si Rick habang nakakabesa at pumipilantik pa ang mga daliri.  “Atsaka, anong erase erase pinagsasabi mo dyan? Gusto mong mapakinggan ang kanta nila Baby James Reid ko na No Erase? Aba matinde. Myx ang pinapanood natin at hindi tayo nagpapatugtog ng Cd na may pagpipilian.” Pinaikot nya pa ang mga Eye Balls nya.

NBSB (no boylet since born)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon