NBSB 18~

15 0 0
                                    

JEN'S POV

Monday na naman. Panibagong araw na naman.

Gigising ng maaga, babayahe papuntang school, makikipagchikahan sa mga magugulo kong bestfriends at classmates, magtuturo ang teacher, may quiz at projects na ipagagawa, kakain pag break at lunch time, and blah blah blah.

Ganyan lang naman ang ikot ng college life ko……DATI.

Oo! Dati dahil kung hindi lang dumagdag ang unggoy na yon sa buhay ko. Edi sana ganon parin ang cycle ng college life ko. Pero hindi eh. Ganito na:

Papasok ng maaga sa schoo para makaiwas sa mga chismosa kong mga school mates, Pagkadating sa school kailangang mag pretend, kapag makikita ang unggoy na yon hindi maiwasang hindi magbangayan at higit sa lahat kapag naabutan kang naglalakad sa hallway ng mga school mates mo o di kaya kapag nalate o nakita ka nila hindi pwedeng hindi ka pagbulungan.

Tulad nalang ngayon.

“Balita ko nagka LQ yata sila ni prince nung last Friday.”

“Yeah! You’re right. Pero ang nakapagtataka nga daw dun may kasama rin daw na girl si prince. At ang nakakabigla pa don! Sinaktan daw nung girl si Prince dahil sa girl na yan!”

“OMG! Witch talaga sya! Dinadamay nya pa si prince sa kagagahan nya.”

“And guess what? Hindi man lang nya ipinagtanggol si Prince! OMG lang diba? Ang lakas ng loob!”

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig ko.

Ako? Hindi sya ipinagtanggol? The heck! Ako pa talaga ang napasama!

Napabuntong hininga nalang ako bago ko tinuloy ang paglalakad.

Habang naglalakad ako hindi parin mawawala ang bulungan. Ang ikinatuwa ko lang kahit PAPAANO eh yung may mga nasa side ko parin para ipagtanggol ako pero halos lahat ng mga naririnig ko puro negative.

Nakapasok naman ako sa room ng matiwasay. Pagkaupo ko sa upuan kung saan ako naka lugar saktong dumating ang teacher. Nagumpisa na kong makinig ng mag umpisa naring mag discuss ang adviser namin tutal hindi ko kaklasi sila Ley at Rick sa subject na ‘to.

Buti pa dito sa room wala akong naririnig na pinag uusapan ako.

Nang matapos na ang time namin sa subject na homeroom inaayos ko na agad ang gamit ko para puntahan si Ley dahil Break time narin, halos pareho lang naman kami ng schedule. Yun nga lang si Rick may klase pa sya.

Pero bago ako makalabas ng room. Hindi ko alam pero hinahanap ng mata ko si unggoy na ngayon ko lang napansin na hindi pala sya nakapasok.

“Bakit kaya hindi sya nakapasok?” I shook my head para alisin ang nasa isip ko at lumabas na ng room.

NBSB (no boylet since born)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon