Chapter 4: On Her Way Home

356 9 0
                                    

Katherine's POV

Natapos ang buong maghapon na si Jacob lang ang iniisip ko

Nung nakita ko nga siya na nasa field kanina, hindi ko napigilang ngumiti

Ang saya saya ko pag nakikita ko siya

Yung makita syang ngumiti 

Yung makita syang tumawa

Yung makita syang masaya

Pero .....

Biglang lumungkot yung expression nung mukha niya kanina

Nung makita nyang lumapit si Jeanne kay Stephen

Parang may something sa mga mata niya na ang lungkot lungkot niya

Bakit? Hanggang ngayon ba si Jeanne pa rin? Gusto pa rin ba nya si Jeanne hanggang ngayon? Kahit niloko lang sya neto? 

Kailan ba ako mapapansin ni Jacob? 

Pag kagaya ko na ba manamit si Jeanne? Pag kasing ganda ko na ba siya? Pag magkasing yaman ko na? Pag ako na yung campus princess dito?

Haaaay. Imposible naman kasi yun

Sa itsura kong ito, imposibleng magkagusto sakin si Jacob o kaya isa man lang sa mga kagrupo niya

Ang tipo kasi nilang babae yung katulad ni Jeanne, yung kayang kaya nila ipagmalaki sa iba

Samantalang ako? Siguro bilang isang schoolmate ikakahiya na nila

Kasi iba ako sa kanila eh

Ibang iba ako

Naaalala ko pa nga noon eh, first year high school pa lang kami, at magkakasection pa kami noon nila Jacob pati yung mga kagrupo niya at si Jeanne, ng makitako si Benjamin sa isang mall

Flashack

Andito ako sa mall ngayon para bumili ng mga gagamitin sa projects namin

On the way na ako sa National Book Store, kumpleto na kasi doon, kaya para hindi hassle, doon na ako dumiretso

Pumipili na ako ng mga designs na gagamitin ko para sa Arts Project namin, tapos nakalimutan ko pala yung tawag dun sa isang material na gagamitin  namin

Hindi ko na alam gagawin ko. Haaay. Bakit ba kasi ang tanga tanga mo Kath? Ugggghhhh

Teka? Si Benjamin ba yun? Tama ba yung nakita ko?

Oo. Tama! Kaklase ko naman to eh kaya buti na lang may mapagtatanungan ako

Nilapitan ko sya saka ako nagsalita, "Hi Benjamin! Pwede bang magtanong? A-ah anu k-kasi, nakalimutan ko yung tawag dun sa isang material na gagamitin sa pro-"

"Well, I don't care." Hindi na niya ako pinatapos saka naglakad na siya palayo

Narinig ko naman yung usapan nila nung isang babae, and I think mama niya yun

"Who's that son?" Sabi nung mama inya

"I don't know her." Yun yung huling sinabi ni Benjamin na narinig ko kasi umalis na ako sa place na yun

Sa sobrang kahihiyan

End of Flashback

"Kath! Kailan mo balak tumayo dyan at lumabas ng room para umuwi? Ha?" Sabi sakin si Ranelie

Psh di pa ko tapos mag imagine umepal na naman tong mga to -________-

"Labas ka na! Nasa field na si Jacob oh!" Sabi naman ni Patrisha

Changes When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon