The next day...
Katherine's POV
O_____________-
-_____________O
Second day of shool namin ngayon. Actually kagigising ko nga lang eh. At infairnness to me kasi may gana akong pumasok ngayon. At yun ay dahil kay JACOB
Ang totoo nga niyan eh hirap na hirap akong matulog kagabi. At yun ay dahil na naman kay JACOB
Kaya nga ginagahan talaga ako ngayong araw eh
Actually, 5:30 pa lang ng umaga. Nanibago nga ako kasi ang aga kong nagising. Usually kasi mga 6:15-6:30 ako gumigising. 7:30 naman kasi nagsstart yung klase namin eh. At usually late pa yung unang subect teacher namin
Wala nga akong maisip na gawin eh. Kanina pa ako paikot ikot dito sa kama ko. Psh!
*ting!
Alam ko na! Ipagluluto ko ng almusal kapatid ko at Papa ko ^____^
So agad na akong tumayo at pumunta sa cr para maghilamos tas nagpunta sa harap ng salamin para itali yung buhok ko. Mas comfortable kasi ako pag ganito eh. Kahit nga minsan nasasabihan na akong tomboy. Wapakels naman ako sa kanila. Maganda pa rin ako!
Bumaba na ako sa kusina para simulan yung bright idea ko
Kumuha ako sa ref ng mga hotdogs, eggs ttsaka konting bacon
Sinimulan ko na yung pagluluto ko. Hindi naman ako takot eh. Sanay na ako magluto lagi dito sa bahay pag may bisita or kung ano man
After 15 minutes, tapos na rin ako!
Chineck ko muna yung oras. At tamang tama, 6:00 pa lang naman kaya maliligo na muna ako
Nilagay ko muna sa mesa yung mga niluto ko tsaka tinakpan saka dumiretso na ako sa kwarto para kunin yung towel ko at pumunta ng cr para maligo, syempre XD
After 15 minutes, tapos na akong maligo. Nagbihis naman na akong pang school uniform ko saka dumiretso sa kusina
Kalalabas lang nila Papa at Rover dun sa kwarto
Nag greet naman ako agad sa kanila
"Good morning Papa! Good Morning kapatid kong sungit."
Sinabi ko yun habang nakangiti, syempre good mood nga eh
"Good Morning din anak. Ikaw ba nagluto nito?"
"Opo, pa."
Syempre nakangiti pa rin ako :)
"Salamat anak, osya sige maupo na kayo at kumain na."
Yung kapatid ko naman, haaay ang aga aga ang sungit! Alam ko ang dahilan nyan. Kasi ayaw nya sa maiingay. Makarinig lang ng konting ingay yan mula sa akin nagsusungit na at ako naman ang sisigawan nya pabalik
Pero ngayon di nya magawa kasi nandyan si Papa. Hahaha takot kay papa yan eh
Binelatan ko naman sya at nag "Loser-sign"
Inirapan lang ako at umupo na sya. Aba't di man lang nag good morning? O thank you man lang yung batang yun? Tsssk
Kumain na lang kami ng tahimik. Binilisan ko nga ng pagkain eh. Gusto ko kasi na makapagayos muna kahit konti para pag nakita ako ni Jacob, magandahan sya sakin
Katatapos ko lang magayos, konting face powder lang naman at lipgloss eh. Tsaka konting suklay ng buhok
Ready na akong pumasok!
BINABASA MO ANG
Changes When I Met You
Ficção AdolescenteSabi nila, ang pagbabago, mahirap yan. Pero kung para sa taong mahal mo ang mga pagbabagong gagawin mo, handa ka bang mag sacrifice ng mga bagay-bagay na nakasanayan mo ng gawin?