Katherine's POV
Kagigising ko lang.Masakit pa ulo ko. Tsk. Infairness ha, lumamig dito sa kwarto ko. Masarap matulog ulit! Nagkumot ako.
Teka? Bakit puting kumot na yung andito? Eh pink naman yung kumot ko ah. Tss. Tsaka bakit parang white na yung paint dito sa kwarto ko? Tsaka white lahat ng--
O_______O
Asan ako?! Hindi ito yung kwarto ko! Tsaka bakit ako napunta dito?!
Ang huling naaalala ko is yung nahimatay ako kasi napasobra sa wine. Eh di ko naman alam kung sino ang nagdala sa akin dito.
Naka'hospital gown pa ako. Geez. Nahimatay lang naman ah. Ang OA naman nung nagdala sakin dito.
Tumayo ako. Lalabas na ako ng hospital na to. Kinuha ko yung phone at wallet ko na nasa table lang.
Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto. Pagtingin ko, yung nilalang na ayaw kong makita pa. Tss. Bakit naman andito yan?
"What the fck Kath? Kaya mo na ba? Tss." Sabi ni Jacob na ngayon nasa harapan ko na.
"Malaki na ko. Alam ko na ginagawa ko." Cold na sabi ko sa kanya.
"Magpahinga ka muna. Alam kong masakit pa ulo mo." Sabi nya sa akin with a convincing tone.
"Sa bahay na lang ako magpapahinga. Uuwi na ako." Sabi ko at naglakad na ko palayo. Bubuksan ko na sana yung pinto nang marining ko siyang magsalita ulit.
"You can't." Ngumiti sya. Oh gosh that smile! It kills me. >.< At pinakita nya sa akin yung car keys ko.
Ay. Oo nga pala. Bakit ako aalis ng wala yun? Tsk.
"Akin na yan." Lumapit ako sa kanya. Pero parang hangin lang ako na dinededma niya at ayaw ibigay sa akin yung susi ko.
"Ano ba? Akin na yan sabi eh!" Sinigawan ko siya. Halata naman na ikinagulat niya yun.
Inabot niya sa akin yung susi. Habang inaabot niya yun, parang natatawa sya na ewan. Sasapakin ko na to eh. Tsk. Kinuha ko na yung susi ko at naglakad na palabas. Nung bubuksan ko na yung pintuan, agad na naman sya nagsalita.
"Goodluck na pauwi ha. Sana alam mo yung daan." Tumingin ako sa kanya. Nakaupo na sya dun sa couch. At nakangisi ang loko.
"Malamang alam ko yung daan! Malapit lang naman siguro bahay naman dito." Sabi ko sa kanya.
"Are you sure?" Sabi niya ng may nakakalokong ngiti.
"Of course I am!"
"Tsk. Mukhang di mo pa alam." Sabi niya ulit ng may nakakalokong ngiti. Aba aba, nakakainis na to ah!
Kahit mahal ko tong lalaking to, naiinis pa din ako sa kanya. Lalo na at ngayon parang wala naman nangyari. I mean, parang wala sa kanya yung nasaktan nya ako nung buong foundation week.
"Okay. So ano ang dapat kong malaman Mr. Jacob Rafael Scott Fuentes? Hm?" Sabi ko sa kanya na medyo mataray yung tono.
"Nandito ka sa Baguio Ms. Katherine Alexis Cruz Delos Reyes. Specifically, on our private clinic." He said in a very playful tone.
Wait. What? Nasa Baguio ako? Ngayon? As in? Kaya ba nilamig ako kaninang paggising ko? WHat the! Baka nagaalala sa akin si Ate Freza!
"Paano mo ako nadala dito?!" Nilapitan ko siya sa kinauupuan niya.
BINABASA MO ANG
Changes When I Met You
أدب المراهقينSabi nila, ang pagbabago, mahirap yan. Pero kung para sa taong mahal mo ang mga pagbabagong gagawin mo, handa ka bang mag sacrifice ng mga bagay-bagay na nakasanayan mo ng gawin?