Chapter 10: The Start Of The Battle

320 12 2
                                    

Coline's POV

Eto na yun. Yung araw na pinakahihintay ng lahat. Ang Mr. And Ms. Phoenix University. Lahat ng students hinintay ang araw na to. Kaya naman prepared lahat.

Andito ako sa private room ng mga contestants. Specifically, sa room nila Katherine and Benjamin. Kasalukuyan silang inaayusang dalawa ngayon. 

Ako naman eto, tigaayos ng mga gamit at damit nila! In short, alalay, katulong at kung ano ano pa. Hahaha. Well, ginusto ko to eh. Kaya pinanindigan ko na. 

Yung mga iba kong friends na sila Sharlene at Ranelie nasa loob ng room namin. Syempre nagpeprepare din yung mga yun para sa ipangchicheer nila kay Katherine. Si Sharlene ang bahala sa mga banners at si Ranelie naman ang bahala sa mga cheer na sasabihin mamaya.

Tapos na ako sa pagaayos ng mga damit nila Katherine. Grabe lang. Kasi ang gaganda ng mga damit nya. At ibinili pa yun ni Benjamin sa kanya huh! Nasira kasi yang damit ni Katherine eh. Kaya no choice, binilhan na ni Benjamin. Hahaha.

Pinuntahan ko si Katherine dun sa may pwesto nya. Nakatalikod sya sa akin. Tapos na ata syang make up'an. Nakabihis naman na sya ng dress. Color yellow yung dress niya.With silver stiletto. Naka curl yung buhok nyang pagkahaba haba. Ang ganda ng buhok nya. Ang ganda din nung dress niya. Backless pa. Fit na fit yung dress sa kanya. Kitang kita tuloy yung shape ng katawan nya. Akalain nyo yun? May tinatago din palang kasexyhan tong babaeng to. Hahaha.

Naramdaman naman nya sigurong palapit ako sa kanya kaya humarap sya sakin. At pagharap nya, WOW! AS IN WOW! Si Katherine ba talaga ito? Ang ganda ganda niya! Ngumiti sya sakin tapos nagsalita.

"Uy! Hahaha. Uhmm, okay lang ba itong suot ko?" Sabi nya tapos umikot sya para ipakita sakin yung outfit nya. Ako naman mesmerized pa din dahil sa kanya.

"Oo. Ang ganda mo nga eh." Sabi ko tas nginitian sya. Yayakapin na sana nya ako pero agad ko naman sinabi na "Joke lang.". At eto na naman sya, pinagpapalo at pinagsasabunutan ako. Hay. Kahit kailan talaga sadista to. Pero sanay naman na kami. Haha.

"Hahaha. Pero seryoso, ang ganda mo ngayon Katherine. Galingan mo mamaya huh? Goodluck." Sabi ko sa kanya with matching smile. 

"Thanks." Sabi nya rin sabay ngiti. 

After two minutes, tinawag na silang mga candidates para pumunta sa backstage. Naiwan naman ako dito sa room. Pero lumabas din ako afterwards. 

Nahanap ko namanagad sila Sharlene at Ranelie. Umupo ako sa tabi nila. Tinignan ko yungg mga banners na ginawa ni Sharlene. Ang gaganda! The best talaga to pagdating sa arts. 

After pa ng ilang minutes, lumabas na yung mga candidates. #7 si Katherine. Grabe yung mga hiyawan ng mga kaklase namin. Mukhang naturuan talaga netong mga to. Well, dahil na rin kay Ranelie. Astig nga eh! Kami kasi yung pinakamaingay na section sa lahat. :D

Hindi na ako nakisali sa pagiingay nila. Nanood na lang ako. Grabe talaga. Kung lalaki lang ako, pagkatapos na pagkatapos ng pageant liligawan ko itong si Katherine eh. ANG GANDA NIYA! SHE'S SO GORGEOUS AND PERFECT!

This time naman ipapakita kung paano magproject yung mga candidates at magpapakilala. Si Katherine na yung nagproproject ngayon. Ganito ba talaga sya kahanda? Ang galing galing nya eh. Tatlong pose yung gagawin ng bawat candidate. Yung last pose nya na nakapagpahiyaw na naman sa mga kaklase ko is nung tinaas nya yung dalawa nyang kamay tas pinatong nya yun sa ulo niya and take note, naka fierce pa sya nun ah! Tapos lumapit na sya sa mic. Magpapakilala na sya.

"Katherine Delos Reyes. 15 years of existence. From 3rd year section B!" She said with full confidence at muling sumigaw yung mga kaklase ko namin at sinabi na "We Love You Katherine!". Well, kung titignan mo nga naman, parang prepared na prepared siya sa araw na ito. Bumalik na sya sa pwesto nya at nagpose ulit. Napatingin sya sa amin tapos ngumiti. Sh*t. Ang ganda nya! Waaaah!

Changes When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon