Katherine's POV
Ang bilis ng araw. July na ngayon at marami nang nagyari. Medyo close ko na rin ng konti si Jacob. Katext ko siya minsan at sabay kaming kumain ng lunch kasama ang kaibigan niya at mga kaibigan ko. At ang hindi ko lang talaga maintindihan is kung bakit ang talim lagi ng tingin sakin ni Benjamin. Eh okay naman yung pakikitungo sakin nila Matthew, Stephen at Zach. Malapit na rin pala ang birthday ko. 2 weeks na lang at tatanda na naman ako. Psh!
Monday ngayon so may flag ceremony kami. Andito na ako sa court. Kung saan ginaganap yung flag ceremony. Kasama ko na mga friends ko at napansin ko na parang hindi okay sila Janina at Patrisha. Ano kayang meron? Matanong nga mamaya.
Nagsimula naman na ang flag ceremony. At sa kalagitnaan nun, nagulat na lang kami nung biglang nagsalita si Ma'am Castro. Yung principal namin.
"Good Morning students from this university!" Sabi ni ma'am samin. Pero parang malungkot sya? Haaay. Ano bang nagyayari?
"Good morning Ma'am!" Masigla naming sagot sa kanya.
"Students, I have a special announcement. So listen carefully please." Pagkasabi niya yan, natahimik kaming lahat. Para kasing nasesense namin na may bad news eh.
"You're having a new principal. And that principal is the new owner of this school." Nabigla kaming lahat sa sinabi niya. Pero sino naman kaya yun?
"Let me introduce to you, Mr. John Phoenix." Sabay na nagpalakpakan lahat ng estudyante. Yung ibang babae nagtitilian kasi may itsura din yung bagong principal. Well, kung titignan mo nga naman sya parang nasa 20's pa lang. Ang bata ng itsura. Well, wala pa rin naman yan binatbat kay Jacob Fuentes ko!
Bakit sayo ba? Ay, oo nga no? Di naman pala sya sakin pero kung makapagsalita ako parang akin lang sya. Haaay.
Nagsimula ng magsalita yung bagong principal. Oww. Englishero? Wow naman. Nosebleed kami dun ah.
Ang dami dami nyang sinasabi. Kesyo mapapalitan daw yung name ng university at masusunod sa apelyido nya. Kaya Phoenix University na tuloy ang pangalan ng school namin ngayon. Kesyo may bago daw rules and regulations. Ang daming satsat. Wala naman ng nakikinig sa kanya eh.
Pero nagulat na lang kami nung in'announce na may MR. AND MS. PHOENIX UNIVERSITY?! MR. AND MS. MATH SCIENCE? Seriously? Eh wala naman ganun dati dito ah. Simpleng pamumuhay lang meron kami dito noon. Kung may mga programs man, konti lang.
In'announce din kung kelan yung mga event na yun. At next month na yung isa! Yung Mr. & Ms. Phoenix University.
After ng mga announcements nya, tumuloy na kami sa room. May natitira pa namang 15 minutes sa klase namin kay Ma'am Aznar kaya pinagusapan na din namin dun kung sino ang ilalaban namin para sa pageant next month.
At nung tinatanong na kami kung sino ang may gustong sumali sa pageant, walang may gusto. As in wala. Hindi kasi kami masyadong nasanay sa exposure kaya mababa lang ang self confidence namin.
So napagdesisyunan na lang ni Ma'am naming ang bunutan. Isang pair lang pala bawat section so ayun halos lahat nga kami kinakabahan. Sasabihin nalang daw mamaya ni Ma'am yung nabunot nya mamayang hapon. Values time. Since sya naman yung adviser namin.
---
Lunchtime
Nandito na kami sa canteen. Ang tahimik ng atmosphere. Grabe lang. Ngayon lang kami naging ganito katahimik. Di ako sanay. Kaya naman nagsimula na akong magsalita.
"Ang tahimik natin ah." Sabi ko sa kanila at napatingin naman sila sa akin.
Bigla naman nang nagsalita si Janina.
BINABASA MO ANG
Changes When I Met You
Genç KurguSabi nila, ang pagbabago, mahirap yan. Pero kung para sa taong mahal mo ang mga pagbabagong gagawin mo, handa ka bang mag sacrifice ng mga bagay-bagay na nakasanayan mo ng gawin?