PROLOGUE
"Saan Ang Totoong Daan?" yan ang sinasambit ng mga taong hindi alam ang daan o nililigaw...
maagang nagising at nag-ayos sila sam, angie, lea, cris, mateo at jake. dahil may napag-usapan sila na gusto muna nilang mag-bonding mag-kakaibigan, sa capiz, kahit isang linggo lang.
"ayusin niyo ang mga gamit niyo at isasakay na natin sa kotse yan" paalala ni mateo. siya kasi ang nakakatanda sa anim kaya parang kuya kung umasta. naisakay na lahat ng gamit at ready to go na silang lahat. "mukhang excited ka ata lea, ah?" pabulong ni cris, na may gusto dito. "hindi naman masyado natatakot lang ako kasi may kwento-kwento ang mga taga-capiz, na may mga naninirahan daw na kakaibang nilalang sa lugar nila, siguro mga aswang, multo, lamang lupa o kahit ano pa yan basta kakaiba daw talaga, nanliligaw daw ito ng mga taong dayo lang sa lugar na iyon, at isa pa kapag nailigaw kana daw nito ay hindi kana makakabalik pa, at kung makabalik ka man kaluluwa nalang. kwento ni lea. na naniniwala sa mga kuro-kuro. bumanat naman itong si mateo. "alam niyo hindi totoo iyang pinagsasasabi niyo, kwento lang iyon para walang maka-agaw sa magagandang tanawin at likas na yaman nila. kaya kailangan sa sususnod ayoko nang makakarinig ng mga kwento tungkol sa mga ganyan". agad tumahimik ang kaninang ingay sapagkat dali-daling pumreno ang sinasakyan nila, nang may muntikang masagasaan si mateo na itim na pusa at may pulang mga mata. "totoo ba yang sinasabi mo na may pusang itim ka na muntikan masagasaan?" tanong ni jake. na agad naman bumaba at tiningnan kung mayroon nga, ngunit wala naman siyang nakita. "baka guni-guni mo lang iyon, siguro dapat ka na munang magpahinga pagod lang yan, ako na muna ang magmamaneho" sambit ni jake. sumingit si lea, "teka ! di ba kapag may nakasalubong daw na pusang itim may posibilidad na may mangyaring masama?". "yan nanaman tayo lea eh! tapos na tayo jan! at pwede ba wag kang masyadong magpapaniwala sa mga kwento-kwento, wala namang naitutulong iyan eh! puro ka kasi satsat, wala namang kwenta!". galit na pagkakasabi ni mateo. "ooh! tama na yan! sige na ako na bahala jan pre! magpahinga ka na muna". ani jake. "sige! ipapaubaya ko na lang sa iyo itong pagmamaneho". hingal na sagot ni mateo. alas nuebe na nang gabi at mangilan-ngilang oras na lang nasa capiz na sila. tulog na din ang lahat tanging si jake lang ang gising dahil sa siya ay nagmamaneho... makaraan ang dalawang oras ito na ang pinakahihintay ng lahat, ang makarating sa capiz. "GISING, UY! GISING, andito na tayo". sigaw ni jake, na siyang ikinagulat naman ng mga kasama. bumaba at isa-isang kinuha ang kani-kanilang bagahe. lumingon-lingon si mateo at sinuwerte ay may nakita siyang bahay malapit sa kinatatayuan nila ngunit ang bahay ay nababalutan ng makakapal na damo at mukhang abandonado na ito. agad namang dinala nila ang mga gamit sa loob. kung susuriin mga 50 years na atang abandonado ito, dahil sa maalingasaw na amoy, madilim, puno ng alikabok. "uy! guys! tignan niyo may mga pagkain na nakatago sa aparador na ito, biyaya ata siguro ng diyos ito sa atin". ikinagulat nilang lahat ang nakita dahil kung tutuusin wala naman talagang matitirang pagkain sa abandonadong bahay tulad nun, kaya nagtaka sila. "di ba abandonado na to? bakit may pagkain pa din? baka, kaya sinadyang ibigay?". pagtatanong ni sam na halatang may pagtataka na mababakas sa kanyang mukha. walang sumagot sa tanong niya, dahil ang iba ay bagsak na sa sobrang pagod. "siguro dito nalang muna tayo pansamantalang matulog ngayong gabi at bukas nalang ako maghahanap ng maganda-gandang malilipatan". banggit ni mateo. nakaramdam ng gutom itong si cris, kaya naman naghanap siya ng makakain, hanggang sa bumalik sa kanyang isip ang nakita nilang pagkain na nakatago sa aparador, agad siyang pumunta sa kinalalagyan at agad niyang kinuha ang kahon na puno ng pagkain, may prutas, tinapay at tsokolateng tunaw na nakalagay sa supot ng yelo. kukuha na sana siya ng makakain ng biglang may sumigaw ng pagkalakas-lakas, ang mga tulog kanina ay nagsigisingan upang tignan kung anong nangyari, si angie pala ang sumigaw! agad siyang nilapitan ng iba. "angie! angie! ok ka lng ba? anong nangyari?". kabadong tanong ni jake sa karelasyon. "binangungot ako ! binangungot! ako jake! isang masamang panaginip" umiiyak na pagkakasabi ni angie. "ano ang napanaginipan mo?" tanong ni mateo, na nasa gilid niya at nakaupo. "isang masamang panaginip, nasa isang bahay daw tayo, sobrang dilim, walang katao-tao, nauna akong pumasok, pagkatapos nun bigla kayong nawala hinanap ko kayo ngunit hindi ko kayo makita, kaya sa sobrang takot ko naupo nalang ako sa sofa na puro alikabok at may kasama pang dugo, habang nakaupo ako, may kumatok mula sa pintuan, akala ko kayo na yun, pero pagkakita ko isang matanda na uugod-ugod ang pumasok at tila parang may binanggit siyang mga salita, biglang bumuhos ang malakas na ulan sinabayan pa ng kulog at kidlat, at sa sobrang lakas ay hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinasabi niya, hanggang sa siya ay maglaho din na parang usok, pagkatapos nun inalala ko ang mga sinabi niya, hanggang sa may natandaan ako na ang pagkakasabi niya ay "KURA, kuHA ka!" yun lang ang natandaan ko at wala na bukod pa dun. naglakad ako papunta sa upuan ng may naka-ipit na sobre sa gilid nito, agad ko namang kinuha ang sukbit at binasa, may nakalagay na "IKAW, siya AT ako ang matitira, magingat kayo!" kasabay nun ang unti-unting paghina ng ulan, gusto ko sanang lumabas, nang malapit na ko sa pinto, at halos hawak ko na ang doorknob nito, nang iniikot ko ayaw bumukas ng pinto, pauli-ulit ko iyong ginagawa hanggang sa mabuksan ko ito, pero mas lalo akong natakot nang makita ko ang paligid nag-iba, nangitim, na halos wala na akong makita sinubukan kong tapakan, pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko na para bagang may nakahawak nito at ayaw akong paalisin, hanggang sa may parang naka PARI na suot, at di nga ako nagkakamali, isang KURA/PARI ang nakatayo at tila may hawak na kulay pulang kandila, papalapit ito sa akin, sa gusto kong tumakbo, eh hindi ko magawa dahil nga na parang may nakahawak sa paa ko, hanggang sa nasa harap ko na ang pari at tila susunugin ako, sigaw ako ng sigaw pero walang lumalabas sa bibig ko, hanggang sa napaso ako ng kanyang kandila at duon na ako nagsimulang umiyak at sumigaw ng pagkalakas-lakas hanggang sa nagising nalang ako ng pawis-na-pawis". mangiyak-ngiyak na kwento ni angie. pagkatapos ng dalawang oras na pagpapakalma sa kanya sa tulong ng mga kasama, tuluyan na nga siyang nakatulog ng mahimbing at hindi na muling binangungot pa.
BINABASA MO ANG
Saan Ang Totoong Daan?
Mystery / ThrillerBOOK 1 of 3 "Saan Ang Totoong Daan?" yan ang sinasambit ng mga taong hindi alam ang daan o naliligaw. tuklasin natin ang bagong misteryo na magaganap sa loob at labas ng lugar kung saan walang buhay ang nakakatakas sa kababalaghan sa CAPIZ... basah...