"Gabi Ng Misteryo"

56 4 0
                                    

hindi na tumigil ang malakas na ulan, may nakasinding 3 kandila, sa gilid, sa sulok, at sa lamesa. balakid sa kanilang mga mukha ang pangamba na baka kung anong mangyari sa kanila, sa gabing iyon, walang makakapagsabi kung ano ang mangyayari, tanging ang malakas na buhos ng ulan lang ang senyales kung mabubuhay pa sila sa loob ng misteryong bahay o hindi na. tanging ang mga kandila lang ang nagsisilbing liwanag, sa loob ng bahay, matatanaw mo naman mula sa labas na walang kailaw-ilaw, at lalong walang katao-tao sa paligid. minsan naisip nilang umalis nalang sa lugar na iyon at sa iba nalang mag-overnight, pero hindi nila magawa-gawa dahil sa tuwing babalakin nilang umalis ay tsaka naman magbabadya ang malakas na ulan, at minsan sasabayan pa ng kulog at kidlat. kay naisip nalang nila na manatili nalang sa loob ng bahay para sa kaligtasan nila. (alas siyete ng gabi) kasalukuyang nagluluto si lea ng kanilang hapunan. "mas maiging sabaw nalang ang ulam natin lalo na ngayong umuulan" banggit ni cris. sinigang pala ang niluluto ni lea. habang ang iba naman ay nakaupo at nagkwe-kwentuhan. malakas na tawanan at minsan seryoso, pero hindi talaga mawawala ang takutan na kung saan dito magsisimula ang kababalaghan at misteryo sa gabing iyon. (8:30) nakakain na ang lahat. at panandaliang nagpahinga, matapos nun ay naisip ni jake na mag-laro ng ouija. "sigurado ka ba sa desisyon mo jake?" tanong ni angie. "oo naman yayayain ko ba kayo kung hindi ko seryoso?" sagot nito. agad niyang kinuha ang ouija board at inilapag sa sahig, naglabas ng babasaging baso, at naghanda ng kandila sa gitna nito. "tara, simulan na natin" sambit ni jake. balakid pa sa mukha ni lea at sam ang gagawin dahil nga hindi sila sigurado kung ano ang mangyayari sa kanila kapag naglaro sila nun, pero hindi na din sila nakatanggi sa alok ni jake at agad silang puwesto kung san nila gusto. sa kabilang side magkatabi sila jake, angie at mateo, sa kabila naman sila lea, sam at cris. nagpatong-patong na sila ng mga daliri at inilagay sa pwetan ng baso kung titignan ang baso ay nakataob. "wait, wag muna nating kalimutang mag-dasal" sabi ni lea. pagkatapos magdasal, sinimulan na nila ang paglalaro. "MAGPARAMDAM KA KUNG NANDIYAN KA?! sabihin mo ang pangalan mo? magpakita ka samin, wag ka matakot kami ay mababait!" sigaw na sinasabi ni jake. ilang minuto ang nakalipas, wala pa ding nagpaparamdam sa kanila, tanging hangin lang na nagmumula sa labas dala ng malakas na ulan. "MAGPARAMDAM KA!!! nakikiusap kami sa iyo, kung sino ka man magpakita ka !" sigaw ulit ni jake. na sinabayan pa ng kulog at kidlat!. maya-maya'y mas lumakas pa ang hangin at dahan-dahang gumagalaw ang baso, sinasabi ng espiritu ang pangalan niya, na "FLORENTINO" "wag kayong didilat, magdasal lang kayo, wag niyong ibibitaw ang mga daliri niyo" paalala ni jake. pero hindi napigilan ni sam, siya ay napadilat at laking gulat niya ng makita niya si jake na katabi ang pari na may pangalang florentino. tumakbo siya at nagsisisigaw. namatay ang kandila at nagsitayuan ang iba pa para sundan si sam, naiwan si jake nakaupo at hawak-hawak ang kandila, pinuntahan siya ni angie upang tanungin kung ok lang siya, pero nang magsalita ito, kakaibang boses ang narinig niya at napansin niyang ang kuko nito ay itim gaya ng nakita niya dun sa tindero na binilhan niya ng kandila. hindi makagalaw si angie, dala ng sobrang takot at kaba na baka kung anong mangyari sa kanya. dumating na din ang iba pang kasama. "angie, anong nangyari? bakit nakatulala ka?" tanong ni lea. "si jake, si jake,"bulong nito habang nakaturo ang daliri nito kay jake. "anong si jake?" sagot ni lea, na wala namang nakitang kakaiba kay jake, bukod sa nakatayo ito, at parang kabado pa dahil nakaturo ang daliri ni angie sa kanya. "SIya si....." hindi na naituloy ni angie ang sasabihin dahil nawalan siya ng malay. pagkatapos nun, tumigil na ang malakas na ulan, manakanakang pag-ambon nalang. nang gabing iyon nabulabog nila ang kaluluwa ng mga patay mula sa bahay na iyon, at mukhang may darating pang unos na babago sa kanilang mga buhay.

Saan Ang Totoong Daan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon