"Ang Kwento-Kwento"

120 4 0
                                    

Tulad nga ng sabi ni lea, may mga kwento-kwento tungkol sa CAPIZ, na may kababalghang nangyayari... tulad ng iniisip niya malamang ito ay aswang, multo, lamang lupa at iba pa. sa paniniwala kasi ng pamilya ni lea, na nanggaling sa probinsya, ay may paring pinatay at dahil hindi tanggap ng pari, ito daw ay naghihiganti, sa mga taong dayo lang sa lugar na iyon. at madalas may dala itong kandila na kulay pula, sumisimbolo ng paghihiganti. kinaumagahan maagang nagising si mateo para maghanap ng malilipatan, gaya nga ng sabi niya kagabi. lumabas muna siya, sa kanyang paglalakad balakid sa mukha ng mga taong matagal nang naninirahan duon, ay bago lang itong si mateo kaya pansin siya ng mga tao, bawat paglakad niya, habang may nakakasalubong siya ay iniiwasan siya nito at pinapaunang maglakad bago ang iba. nagtataka niyang tanong sa sarili "baliw siguro ang mga tao dito? parang artista naman ako kung tignan nila ako akala mo mamamatay tao ako eh, parang takot sila na ewan, basta, ang hirap ipaliwanag". patuloy siyang naglakad hanggang sa mapadaan siya sa isang bahay na ubod ng ganda, di siya mag-aakilang mayaman ang nakatira dito, agad niya itong pinuntahan at nag-doorbell, makaraan ang ilang minuto, may lumabas mula sa likod ng bahay, panigurado ito yung may-ari. "ah! ma'am kayo po ba ang may-ari nitong bahay?" tanong ni mateo sa matabang babae, may kagandahan at may hawak na pamaypay kung susuriin mo ang presyo ay tigisang libo ang halaga. "mawalang galang na, pero hindi ako ang may-ari ng bahay na ito, isa lamang akong katulong, ano ba ang pakay mo at naparito ka?" sagot ng matabang babae. "ay! pasensya na po talaga! akala ko po kasi kayo ang may-ari, dahil sa ganda niyo, yung pananamit eh aakalain ho talagang kayo ang may-ari, kaya naparito po ako, naghahanap kasi ako ng magandang bahay na malilipatan namin ng mga kaibigan ko, maaari niyo po bang matulungan kami? kung may alam lang po kayo?" sambit ni mateo."iho, may alam ako na malilipatan niyo, pero hindi ito masyadong kagandahan, teka, may ibibigay ako na address para malaman niyo kung saan". makalipas ang 2 minuto, lumabas ulit ang matanda, ngunit hindi lang pala address ang dala nito mayroon ding rosario. "oh. eto itago mo itong rosario at ingatan mo iyang address, iyan ang daan patungo sa pupuntahan niyo" paalala ng matanda. "sige, po salamat." aalis na sana si mateo ng biglang sumigaw ang matandang babae. "IHO, MAG-IINGAT KAYO!" agad namang nilingon ito ni mateo ngunit wala na ang matanda. nagpatuloy na siya sa paglalakad, hanggang sa napansin niyang wala na ang mga tao, tumingin siya sa kanyang orasan at mag-aalas sais na pala ng gabi,"parang sandali lang naman ako nagikot-ikot ah!" pagtataka niya. nang makauwi agad niyang sinabi sa mga kasama na magimpake na at bibiyahe ulit sila, bago tuluyang kainin ng dilim ang kakaunting liwanag. gaya ng dati isa-isa nilang kinuha ang bagahe at isinakay sa sasakyan. siguro mahigit kumulang 4 na oras silang bibiyahe batay kasi sa address na ibinigay malayo-layo ang daan at mukha ngang maliligaw ka kapag wala ka nito. tulog na ang iba at gising pa si jake, cris at mateo na kasalukuyang nagkwe-kwentuhan tungkol sa mga plano nila pagdating sa malilipatan. 3 oras manaka-nakang yuyuko-yuko na din itong si mateo, kinausap niya si jake, na siya na muna ang magmaneho dahil inaantok na siya, dahilan pa niya baka sila ay maaksidente. (10:46) nakarating na sila sa kanilang malilipatan, ibinaba ang mga gamit at naupo muna sila sa kalye sa harap ng bahay, may kagandahan din naman itong bahay, ang kaso walang katabing kahit isa man lang na bahay, tanging iyon lang ang matatanaw mo sa hinaba-haba ng kalsada ito lang ang bahay. agad naman ipinagtaka ito ng mga kasama, malaking palaisipan pa din para sa kanila ang mga nakikita sa kapaligiran at maging sa nangyayari ngayon sa kanila.

Saan Ang Totoong Daan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon