nagsimula nang lumakad ang magkakaibigan subalit bago yun may paalala ang matanda. "mga hijo at hija, kung may madaanan man kayong lugar na kakaiba wag niyo nang subuking pasukin ito dahil mas lalo lang kayong malalagay sa panganib". umalis na ang mga ito at nagsimula nang maglakbay tungo sa daan na walang patutunguhan. (alas otso) na ng gabi, hindi pa sila nakakapag hapunan at kasalukuyang naglalakad pa din. "Teka, parang may lagusan dun oh' sa bandang dulo ng kalsadang iyon, tara magbakasakali tayo baka iyon na ang tamang daan" banggit ni angie. makalipas ang isang oras na paglalakad ay madilim at napaka-tahimik pa din ng kanilang nilalakaran. "o' akala ko ba may lagusan palabas ? asan na?" tanong ni sam. "di ko alam eh basta may nakita lang akong liwanag sa bandang dulo" sagot naman ni angie. "hay' nako! gutom lang yan, kumain na nga lang muna tayo!" si mateo. "pero, saan?" tanong ni cris. "dito sa gilid" si mateo. nagayos na sila ng kanilang mga pagkain. "mukhang paubos na tong pagkain natin ah?" si lea. "oo nga eh, baka bukas wala na yan" sagot naman ni jake. (alas nuebe) muling naglakad ang magkakaibigan at ipinagpatuloy ang paghahanap ng daan.
BINABASA MO ANG
Saan Ang Totoong Daan?
Mystery / ThrillerBOOK 1 of 3 "Saan Ang Totoong Daan?" yan ang sinasambit ng mga taong hindi alam ang daan o naliligaw. tuklasin natin ang bagong misteryo na magaganap sa loob at labas ng lugar kung saan walang buhay ang nakakatakas sa kababalaghan sa CAPIZ... basah...