"Ang Kandilang Pula"

117 4 1
                                    

nakalipat na nga sila, tulad nga ng gusto ni mateo, maganda ang kanilang nalipatan, pero may hindi sila alam sa bahay na iyon. kinaumagahan nagluto si lea ng almusal, (chicken, egg , sinangag, at syempre may tinapay) nagsibangon na sila, at naupo sa hapag-kainan, nagsimulang kumain at nagkwentuhan ang magbabarkada. matapos nun nagpaalam sila sam, at lea na bibili ng mga kakailanganin nila sa loob ng isang linggo. tulad ng pagkain at kandila. dahil walang kuryente sa buong probinsya kaya kakailanganin nila ito. nakaalis na sila, at tanging natira nalang sila cris, jake, mateo at lea. na walang magawa kaya nag-movie marathon nalang sila. makulimlim ang langit at mukhang may nagbabadyang paparating na malakas na ulan. (THE GRUDGE) ang pinapanuod nila, halatang may takot na mababakas sa kanilang mga mukha, maging sa pagkilos, dahil wala kahit isa sa kanila ang kumikibo, tagaktak ng pawis ang buong mukha at sinabayan pa ng pagtayo ng balahibo. pumunta si lea sa kusina para uminom ng tubig upang mawala ang takot. madadaanan niya ang isang kwarto na naka-lock at may salaming naka-harap dito. kaya naman makikita mo mula sa kusina kung may tao ba o wala. kumuha siya ng malamig na tubig mula sa two door refrigerator na nagkakahalagang 15,000 php. kumuha siya ng basong babasaging mula sa kinalalagyan nitong aparador katabi lang ng lababo. pinuno niya ang baso at agad niyang ininom ito. pinatong niya ang baso sa lababo at agad niyang binalik ang pitchel ng tubig sa refrigerator. napatingin si lea sa salamin, laking gulat niya ng biglang nakabukas ang pintuan ng kwartong naka-lock kanina. at tila parang may ulong naka-silip mula dun. "namamalikmata lang siguro ako" bulong sa sarili. na dali-daling kinamot ang kanyang mga mata, at nang tumingin ulit siya sa salamin wala na ang ulong nakasilip dito. pinagpawisan at bumilis ang pintig ng puso ni lea, at mas lalo pang-bumilis ng makita niya ang salamin ay naka-harap sa kanya. sumigaw ng malakas si lea mula sa kusina abot hanggang sa sala, dinig ng mga kasama niya ang sigaw at agad-agad siyang pinuntahan. nawalan siya ng malay pagkatapos nun, at nagising nalang siya na nakahiga sa kama at mula sa tabi niya si angie at sam ang matatanaw. "anong nangyari? bakit nandito ako?" tanong ni lea. na agad namang sinagot ni sam. "ang sabi ni kuya mateo nagsisisigaw ka daw sa kusina at nawalan ng malay". "asan siya?" tanong ni lea. "andun naliligo, naiinitan daw siya eh" sagot ni sam. "halika, tumayo ka na jan at kakain na tayo!". (alas otso na ng gabi) kasalukuyang kumakain ang magbabarkada. bukod dun wala nang naghangas na magsalita pa. maya-maya'y nagparamdam ang saglit na lindol at malakas na ulan. "sam, kunin mo ang malaking kandila yung binili natin kanina, mukhang mas lalong didilim pagsapit mamayang hating gabi". utos ni angie. dalawang minuto ang nakalipas, dala na ni sam ang kandila pero laking gulat ni angie na hindi iyon ang kandilang binili nila, dahil sa pagkakatanda niya puti ang binili nila, pero ang hawak ngayon ni sam ay kulay PULA... nagtaasan ang mga balahibo nito sa sobrang takot. nagutos siya ulit kay sam na kunin lahat ng kandila na kanilang pinamili at titignan niya ulit ito, dahil hindi siya nagkamali ng binili. dali-daling kinuha ni sam ang supot at ipinakita kay angie ang laman. "bakit puro pulang kandila yan?" tanong ni angie na may pagtataka. "hindi ko alam kasi di ba nung binili mo yan hindi mo ko kasama" sagot naman nitong si sam, na nagtataka din. "hindi kaya, tama, tama ganyang-ganyan din yung kandilang hawak ng KURA sa panaginip ko!" banggit ni angie. "pero, papaano? nangyari yun?" singit nitong si cris. "teka! may natatandaan ako, mula sa tindero, hindi ko siya namukhaan dahil nakabalot ng balabal ang buo niyang katawan, pagkabigay ko ng bayad, nakita ko ang kuko niya, kulay itim, napansin ko din yung isa pang tindera sa kabila ng pwesto, umiiling-iling habang nakatingin ato sa akin, na para bang may sinesenyas ng hindi pag-sangayon, ewan ko kung san, siguro dito sa binili kong kandila" kwento ni angie. umeksena naman itong si lea na mahilig sa kuro-kuro. "alam ko kung ano ang ibig ipahiwatig niyan, yung pagbili mo ng kandila ay senyales ng "EXHANCIA" o pagpapalit ng isang bagay sa mahalagang elemento, tulad nga nun, parang binenta mo na din ang kaluluwa mo sa tindero na yun kapalit ang kandila". matalino din itong si lea, madaming alam tungkol sa mga bagay na tulad nun. "baka... yung tindero na yun, ay siya yung PARI sa panaginip mo, may posibilidad na mangyari yun" sambit ni jake. "teka! bakit ba mas naniniwala kayo sa mga bagay na walang kinalaman sa problema natin? ano bang mas mahalaga? itong buhay natin o iyang kwentong probinsya niyo!" galit na pagkakasabi ni mateo. nagsitahimik ang lahat, pag tuwing si mateo ang magsasalita, lahat sila hindi nalang kumikibo, pala-isipan pa din sa kanila ang mga kababalaghang nangyayari, at mukhang hindi sila titigilan ng kung ano man yan o sino, hangga't walang buhay na kapalit...

Saan Ang Totoong Daan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon