naglakad sila ng tatlong kilometro bago nila madtnan ang isang kubo na puro usok. sa kubo nakita nila ang matandang babae na nagwawalis. "tao po ?" si lea. "ANO ANG GINAGAWA NIYO DITO?" tanong ng matanda na halatang nagaalala, base kasi sa kanyang mukha, may pinagdaanan siya na parang kay bigat na problema. "mawalang galang na po, ALE, may alam po ba kayo na daan palabas sa lugar na to?" tanong ni mateo. "WALA! umalis na kayo! bumalik nalang kayo kung san kayo nanggaling! mas magiging ligtas pa kayo dun." sambit ng matanda. nagulat ang lahat sa mga sinabi niya, ngunit nagmakaawa sila na kung pwede matulungan sila. "Gusto niyo ba talaga ng tulong? alam niyo, may misteryo na bumabalot dito sa lugar namin, halika kayo sa loob, dun ko nalang ikukwento para mas ligtas dahil baka may nagmamasid na hindi natin nakikita" sagot ng matanda. pumasok na sila sa loob, ang linis ng bahay, walang kadumi-dumi at mukhang makaluma na ang mga kagamitan nila. "Ano to? bakit parang pinaglumaan na ng panahon?" tanong ni sam. na agad namang sinagot ng matanda. "wag na kayong magtaka kung bakit ganto ang mga nangyayari sa inyo, di ba kakasabi ko lang may kababalaghan dito!" "eh anong klasing kababalaghan naman po yan?" tanong ulit ni sam. "isang araw, may napakabait na paring namamahala sa lugar na to! siya ay si padre FLORENTINO, maawain, mapagmahal, mapagbigay, at parang nasa kanya na lahat ng katangian na inaasam ng isang tao, si padre florentino kasi ay nag-asawa sa kagustuhan niya, nakalimutan na niya ang paglilingkod sa diyos, at sa kalaunan pinarusahan siya ng bitay, tatlong araw matapos ang kanyang pagkamatay, may kwento-kwento na siya daw ay nakipag-sanib sa demonyo para mabuhay muli kapalit ang buhay ng mga taong kanyang bibiktimahin.
BINABASA MO ANG
Saan Ang Totoong Daan?
Mistério / SuspenseBOOK 1 of 3 "Saan Ang Totoong Daan?" yan ang sinasambit ng mga taong hindi alam ang daan o naliligaw. tuklasin natin ang bagong misteryo na magaganap sa loob at labas ng lugar kung saan walang buhay ang nakakatakas sa kababalaghan sa CAPIZ... basah...