Athena's POV
Sabado ngayon kaya nandito lang ako sa bahay nila Antie, naglilinis.
"Hoy Athena! Labhan mo tong mga damit namin pagkatapos mo dyan! Pagkatapos pumunta ka sa Mall para mag grocery!"
Sigaw ni Antie.
"Opo!"
Hmm.... kung nagtataka kayo kung bakit sa Mall ehh kasi hindi naman talaga mahirap sila Antie. May pera sila pero iyong parang sakto lang. Nang namatay kasi si Mama sa kanya naiwan ang pera na naipon ni Mama para sa bangko na para dapat sa pag-aaral ko. Iyong namatay naman na asawa ni Antie may pension kaya siya din ang nakakatanggap. Btw kailangan ko nang bilisan itong paglilinis ng CR para makapaglaba na ako baka kasi maabutan ako ng hapon pag di pa ako naglaba ehh. Mas maganda na maisampay ko pa ng may init pa.
Brush.
Brush.
Brush.
Banlaw.
Banlaw.
Banlaw.
Hayy natapos na rin.
Kaya kinuha ko na ang mga duming damit nila Antie na lalabhan ko.
"Hoy babae! Labhan mo din iyong dress na gagamitin ko mamaya sa party!"
Sigaw ni Claire habang nanonood ng TV.
"Ok Claire."
Sagot ko. As what I've said before, famous si Claire sa GFU kaya naman madami siyang kaibigan at syempre madami rin ang nag iinvite sa kanya sa mga parties. Total opposite kami ni Claire. Siya sikat ako nobody. Siya madaming kaibigan samantalang ako nag-iisa lang-or dalawa? Madaming may gusto sa kanya samantalang madami naman ang gusto na akong patayin. Diba?
Naglakad na lamang ako papunta sa mga kwarto nila para kunin na ang mga lalabhan ko. Inuna ko na kay Antie tas sinunod ko naman ang kay Claire.
Ngunit ng kunin ko ang dress ni Claire sa kama niya ay di ko inaasahan ang makikita ko.
Naiwan siguro ni Claire ang Cellphone niya and hindi niya man lang naiclose ang IG niya at sa ikinagulat ko ay nakita ko ang mukha ni, DANZLE?
Totoo pala talaga ang sinabi niya. Sobrang sikat niya pala talaga. Grabe ang dami ng likes ng picture niya.
"Hoy! Ano pang itinutunganga mo dyan ha?! Bilisan mo para matuyo pa yang dress ko kung di matutuyo yan, sa labas ka talaga matutulog!"
Kaya umalis na ako sa pwesto ko at kinuha na lamang ang iba niya pang damit.
"Haaaayyyy ang gwapo mo talaga DJ. Soon magiging akin ka rin."
'Di ko alam kung ano dapat ang magiging reaction ko. Ang pinsan ko ay patay na patay sa isang sikat na artista at ang artista na iyon ay nakausap at nakasama ko!? Paano nalang kaya pag nalaman to ni Claire sigurado ako na hindi talaga ako nito makakakain ng isang buwan. Haayy buhay. Bakit kasi ako pa?
******
Katatapos ko lang mag sampay kaya naman nag mamadali na akong mag bihis para makapag grocery na rin ako.
Nagbihis lang ako ng pants at shirt tas pumunta na rin sa sakayan ng jeep. Pagsakay ko ay 'di ko maiwasang marinig ang mga pinagsasabi nila.
"Ang pangit naman niya."
"Oo nga. Tingnan mo hindi man lang marunong mag ayos."
Etc. Napatingin naman ako sa suot ko. Hmmm maayos naman na to ahh? Simple lang at tsaka dito ako komportable ehh. Paki niyo ba?
BINABASA MO ANG
She's A Nobody While He's Somebody
Fiksi RemajaShe's a nobody. While he is somebody. Will there be any chance for their world to collide? Everyone despise her. While everyone adores him. But is there any chance for their heart to treat each other better? Is there any chance for a nobody to be s...