Athena's POV
~kring*kring*kring~
"Ok, you may take your brake now."
Naghiyawan naman halos lahat ng mga kaklase ko. Habang ako ay inayos ko na muna ang mga gamit ko. I always bring my things with me, baka kasi pag iniwan ko ito ay maulit nanaman iyong nangyari noon na hindi ko na mahanap ang mga gamit ko dahil nilagay na pala nila sa Comfort Room ng mga lalaki. Habang nag-aayos ay may nakita naman ako na pares ng mga paa palapit sa akin.
"Let's go Athena? "
"Uhmm..... honestly Daniella, pwede namang sumama ka nalang sa mga kaklase natin na gusto mong maging kaibigan. You don't really have to go with me. Pinasabay mo ako kanina so siguro naman sapat na iyon para sa pag hatid ko sayo diba? And we're in the same section, kaya parang wala naman akong nagawa para sayo. I'm ok Daniella. I don't want them to hate you too. But still, thank you."
Ngumiti ako sa kanya at pumunta na. Honestly I really want her to be my friend pero ayaw ko lang kasi na iwasan din siya ng mga istudyante dahil lang sa akin. I'm not that selfish. I can sacrifice my own happiness for others sake. It's not because I don't like them. It's because I don't want them to feel the pain that I've been holding. One more thing is that, I dont want to experience losing someone again. Maybe they'll be there for me. But until when? Time will come that one day they'll wake up realizing that they don't need me anymore so they'll just leave me alone................hanging alone. Just like what he did.
I'm on my way to the garden when the campus cheer leader block my way. Yes. Si Claire, kasama niya din iyong mga members niya.
"Hey bitch! Where are you going?"
"S-sa Garden."
"Ohh-sorry to tell you nerd but ugly duckling like you is not allowed at the garden. So go!"
Hindi naman agad ako naka galaw kaya sumigaw nanaman siya.
"What are you waiting for? Pangit na nga bingi pa. Such a loser. GO NERD GO!!!"
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at agad na kumilos paalis.
Yes. Nababaliwala ko yong sakit na dulot nang mga sinasabi ng iba. Pero yong sariling kadugo mo na yong magtaboy sayo na parang laruan? Masakit. Sobrang sakit. I keep on asking myself kung ano ang nagawa ko kay Claire. Ever since bata palang kami ay galit na siya sakin.
Napag desisyonan ko na lamang na pumunta na sa school library para gawin na ang duty ko as a scholar. Actually madami naman talaga akong duty as a scholar. Every time na kailangan ng isang teacher ng assistant eh ako ang nagiging assistant nito. Every after 30 minutes nang lunch break ay nasa broadcasting room ako, I need to broadcast for one hour since I am the anchor. I also need to maintain a 90+ grades with all of my subjects. Lastly iyong sa library. Yes. I have so many duties, but it's still worth it since full scholar naman na ako. Lahat lahat libre. Si Claire kasi may kailangan parin siyang bayaran.
Habang naglalakad ako ay 'di ko maiwasang marinig ang mga bulong-bulongan ng mga studyante.
"Eww. Nandito parin pala yang only campus nerd na yan. Tsk. Disgusting."
"Akala ko pa naman wala na akong makikitang nakakasuka na mukha dito sa GFU. She's so so eww."
Nasaktan man pero binalewala ko nalang at nag patuloy na. In our journey, there will always be an intruder to discourage us to continue. But we should always put in our mind that it's just an obstacle, where we need to survive in order to reach our destinations.
Sobrang laki naman nang pasalamat ko nang matiwasay akong nakarating sa school library.
"Good morning Ms. Anne!"
I greeted the campus librarian gracefully. I'm very close sa faculty and staffs nitong school. Kasi nga nakikisalamuha ako sa kanila.
"Good morning din Athena!"
Nakangiti ring bati ni Ms. Anne.
"Ano po ba ang pwede kong gawin ngayon Ms. Anne? "
"Hmmm.... Since wala pa namang masyadong istudyante na napapagawi dito, siguro ayusin mo nalang iyong ibang books na naka-kalat."
"Sige po. Salamat po."
Pumanhik narin naman ako papunta sa first shelf. Since sinabi ni Ms. Anne na wala pa namang napapagawi dito ay nag hu-hum naman ako habang nag-aayos.
After nang ilang minuto ay malapit narin akong matapos. Pag-review ko sa fourth layer ng book shelf ay may nakita ako na Greek Mythology book na nasali sa Math books. Haay sigurado ako na maaabutan pa ako ng syam-syam bago ko yan maabot. Habang sinusubukan ko paring abutin ang libro ay napuwing ako kaya napapikit muna ako para mawala ang hapdi. Dinilat ko naman agad yong isa kong mata. Ngunit pag tingin ko sa pwesto ng libro ay wala na ito. Kaya naidilat ko naman agad ang isa kong mata.
0.0
'Minumulto ba ako? Bat nawal na? Huhuhu'Bulong ko. Napa talon naman ako nang may nag fake cough sa likod ko.
"Ay baklangmulto!"
May narinig naman ako na tumawa sa likod ko kaya napatingin ako dun. May nakita naman akong isang lalaki.
"Hahahahaha! Seriously? Hahaha sa gwapo kong to mukha akong baklang multo? Hahaha!"
Namula naman agad ako sa hiya. Hindi naman porke' nerd ako ay'di na ako marunong mamula sa hiya noh. Kaya niyuko ko nalang ang ulo ko. Bigla naman siyang nag salita nung nahimasmasan na ata siya.
"Haha you're so funny nerd."
"So-sorry po. I didn't mean to say those words. I was just startled that's why those words came out from my mouth."
"No no. No need to say sorry. It's fine, and it's my fault that's why ako dapat ang mag sorry."
"N-no ok-okay lang po."
Medyo nag stu-stutter pa na sabi ko.
"By tha way, I just wanna clear things out. Hindi ka minumulto ok? Nag hahanap kasi ako ng greek mythology at sakto naman na nakita kita na pilit inaabot itong greek mythology book na to kaya kinuha ko nalang para sayo. Most importantly ay hindi ako multo tao ako. Mas lalo namang hindi ako bakla, lalaki ako. Hahaha"
Automatic namang namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Ngunit at the same time ay nakahinga rin nang maluwag nang nalaman ko na hindi pala ako minumulto.
"U-uhmm thanks po."
"Your welcome nerd."
Sabay ngiti niya. Ngayon ko lang napansin, sobrang gwapo pala ni kuyang akala ko multo.
"Uhmm kuyang akala ko multo, hihiramin niyo po ba yan?"
Tila nabigla naman siya sa tanong ko ngunit nang marealize niya siguro yong tinawag ko sa kanya ay tumawa nanaman siya.
"Hahahaha! Your really funny Ms. Nerd. But you don't know me?"
"Uhmm.... hindi po ehh. Sino po ba kayo?"
"O-ok. I'm DJ. Danzle John Perez. How about you Ms. Nerd? What's your name?"
"I-im Heirra Athena Legazpi. Just call me Athena."
"Nice name."
~kring*kring*kring~
"Sorry DJ pero kailangan ko nang pumunta. Thanks ulit."
Sabay takbo. 'Di ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko kay DJ. Maybe kasi mukha talaga siyang approachable. Pala ngiti kasi siya, at siguro din kasi hindi siya nandiri sa akin even though he is really good looking. Napa ngiti naman ako nang 'di ko namamalayan.
~¤~¤~
Bakit kaya natanong ni DJ kay Athena kung 'di ba siya nito kilala?
Sino kaya yong mysterious guy na nababanggit ni Athena?
'Di na ba talaga magiging kaibigan ni Athena si Daniella?
May masasagot po diyan next chapter, kaya go lang ng go! (^.^)
Kamsahamnida!
BINABASA MO ANG
She's A Nobody While He's Somebody
Roman pour AdolescentsShe's a nobody. While he is somebody. Will there be any chance for their world to collide? Everyone despise her. While everyone adores him. But is there any chance for their heart to treat each other better? Is there any chance for a nobody to be s...