Chapter 7: Interview

5 1 0
                                    

Athena's POV

Pabalik na ako ngayon sa classroom nang nakatulala. Paano nangyari yon? Bakit ako pa? Can I just say no?

"Biez! Anong nangyari?"

Ang dami naman kasing iba dyan ehh! Bakit ako pa?! Mas lalo lang akong kasusuklaman ng mga tao nito ehh.

"Hoy Biez! Earth to Athena!"

Tila nabalik naman ako sa realidad nang kurutin ako ni Daniella.

"H-ha?!"

"Haay buti naman. Ano ba kasing nangyari at tila nakulong ka na sa sarili mong mundo?"

"B-biez long story kasi ehh. Don't worry i'll tell you later."

"Hmmm..... okay."

Pumunta na ako sa upuan ko.

Hindi ko man lang pinagtutuunan nang pansin ang teacher sa harap at iniisip pa rin ang nangyari kanina. Nagtaka naman ako nang marinig ko si Daniella na tinatawag ako.

"H-ha?"

"Tinatawag ka ni Ma'am. She wants you to answer the problem on the board."

Pag tingin ko sa harap ay nakatingin na pala silang lahat sa akin. Nang tiningnan ko naman si Ma'am ay naka taas pa ang kilay nyang tumitingin sa akin nang patanong.

"Hahahaha mukha talaga siyang tanga."

"Oh saan na ang pinagmamalaki niya na talino niya?"

"Bobo naman pala!"

Hindi ko na lamang sila pinansin at naglakad nalang papunta sa board. Nang tingnan ko naman ang problem solving sa harap ay nakahinga naman ako nang maluwag. Buti nga nakapag advance study ako.

*****

"WHAT!?"

Napatayong sigaw ni Daniella habang linakihan pa ang mata niya. Katatapos ko lang ikwento sa kanya lahat at sabi niya na kilala niya din daw si Danzle.

To answer all your questions, yes. Sinabihan lang naman ako nang President na instead of doing my duties as a scholar magiging PA nalang daw ako ni Danzle which is anak niya pala. Kaya naman pala may susi siya sa gate sa likod ng GFU.

"Did you agree?"

Shock paring tanong ni Daniella.

"Yeah. Alangan naman kasi sabihan ko si President na ayaw ko diba? Isa lang naman akong hamak na scholar at sila na ang nagpapaaral ng libre sa akin. Ang kapal naman ng mukha ko if aayawan ko diba?"

"But I'm still wondering Biez. Bakit kaya sayo lang nagpapakita si DJ? Well you know, tila iniilagan niya ang mga students dito pero nagpapakita siya sayo."

"Well di ko rin alam ehh."

Hayy di ko parin gustong iwan ang pag bro-broadcast. I also learned to love that job. Maybe mamaya na ang huli kong broadcast and I want it to be unforgettable.

Lunch nanamin ngayon at nagpaalam muna ako kay Daniella na may pupuntahan pa ako. Balak ko kasi munang pumunta sa likod ng school para makapag-isip mamaya na din ang huli kong pag bro-broadcast kaya gusto kong paghandaan to.

Pagdating ko ay wala paring pinagbago. Tahimik parin at walang katao-tao. Hindi kasi talaga napapagawi ang mga istudyante dito ehh. Nabigla nalang ako nang may tumakip nanaman sa mata ko. Haaaay nandito nanaman ang soon to be boss ko. Alam ko naman kasi na siya to ehh.

"Danzle alam kong ikaw yan."

"Bakit ba ang bilis mong nahulaan?"

Nagmamaktol na tanong niya. I didn't expect that he has this side of him.

"Ikaw lang naman kasi ang gumagawa niyan ehh."

"By the way, alam mo na ba?"

"Oo alam ko na. Bakit ba kasi ako pa? Ang dami naman dyang iba na nagkakandarapa sayo ahh."

"Well kaya nga ikaw ehh. Kakaiba ka kasi. Ikaw lang ang nakilala ko na hindi man lang nag react nang nakilala ako. Ayy mali pala! Nag react ka pala yon nga lang akala mo multo ako. Bwahahahaha!"

Bigla namang nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Bakit ba kasi naaalala niya pa yon? Yan tuloy sobrang nakakahiya.

"Wag mo na nga yong ipaalala! Alam mo bang dahil sa pag kuha mo sa akin na maging PA mo hindi na ako makaka broadcast?"

Nang tingnan ko siya ay may nakita akong guilt na dumaan sa mga mata niya. Ngunit nawala naman agad iyon nang bigla siyang ngumiti na tila ba may naisip na magandang ideya.

"Okay as a peace offering I will accompany you on your last broadcast. When is it?"

"Ano naman ang gagawin mo dun? Tutunganga?"

"Hmmm....... baka nakakalimutan mo Ms. Nerd na I'm one of the most famous celebrity in our generation."

"Ehh ano namang connection nun?"

"Well...... papayag lang naman ako na ma-interview mo."

"Seryoso ka ba!?"

"Yes." Sabay ngiti niya.

Nandito na kami ngayon sa broadcasting station ng GFU.

"Are you sure about this?"

Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Alam ko kasing ayaw niya na malaman ng mga students dito na pumupunta siya dito ehh. Yes I want this to be memorable for all the students but I'm not that desperate.

"I'm always sure Heirra. Don't worry. Di naman nila malalaman na pumupunta ako palagi dito sa GFU ehh."

"Okay."

Kinabahan naman akong humarap si microphone upang mag simula na.

"Good afternoon GFU! Good afternoon Green Fielders! This is Mystique at your service!"

Third Person's POV

"Good afternoon GFU! Good afternoon Green Fielders! This is Mystique at your service!"

Nag hiyawan nanaman ang mga istudyante nang marinig siya.

"Ano kaya ang activity niya ngayon?" -Student 1

"Balita ko ito na daw ang huli niya ehh. Di pa alam kung sino ang papalit sa kanya."

"Sana kasing galing niya din. Well honestly I'm going to miss her mysterious yet amazing voice."

"Today I'm going to have a face-to-face interview with one of the most famous celebrity in our generation."

"OHMYG! Who's that celebrity!?"

"Wth! Is it a he?"

"Gosh I'm so excited!"

"Are you guys excited? Then post your thoughts now in our page."

In that cue the students began to get their gadgets and post their thoughts in their schools page.

"Mystique's so lucky to interview him/her face-to-face!"

"I hope this mysterious celebrity is one of my idols."

"So what are we waiting for? Please help me welcome Danzle John Perez!"

Nang marinig ng mga istudyante kung sino ang artistang kausap ni Mystique ay halos mabingi ang mga ito dahil sa kanilang sigawan.

Well, no one can blame them. Danzle John Perez is a very famous celebrity not only in Philippines but also in other countries.

~~~~~

TBC

Hi guys! Here's the Chapter 7 I hope you guys like it. :-) :-*

~Mystique♥

She's A Nobody While He's SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon