Secret 3: First Day

123 8 3
                                    

Rae's POV

Krriinngg! Kriiinngg! Krriiiinngg!

Nagising ako sa malakas na ring ng alarm clock ko na pororo. Haayyss, ano ba yan nang iistorbo! (Sabay talukbong ulit ng kumot)

Wait! As in wait! Monday ba ngayon? Ommaayghhadd! May pasok na! First day ko pa naman. Waaaaahhh pororo naman eh bat di mo ako ginising ng maaga. Huhuhu late na ako. Wait, asan sila Khazy, Siera at Nathalie?

Iniwan na nila ako? Waaahhh! Ano ba yan late na ako.*pout* Di man lang nila ako ginising. Punta na nga ako maligo. Di na ako kakain baka lalo pa akong malate.

Pumara na ako ng taxi. "Manong, sa Stevenson University po." Tumango naman yung driver. Habang nasa biyahe, tinignan ko na yung bag ko baka may nakalimutan ako. "Hmm, wala naman akong nakalimutan."

Nakarating na ako school. Kitang kita ang tatak ng school, 'STEVENSON UNIVERSITY'

"Haaayy ano ba yan, mag isa ko lang. Lonely tuloy ako."*pout* Bulong ko. "Di bale kasama ko naman si pororo ko."*smile*

Huhuhu ano bang klaseng school to bat ang laki? Ang haba pa ng daan. Sabi kasi nung guard, bawal daw pumasok ang taxi or public transportations. Kailangan daw ay sarili mo yung sasakyan, gaya ng kotse ganon. Ang saklap naman nito. Ang arte ah. Ayaw pa nila daddy at mommy na bigyan ako ng kotse kaya ito ako ngayon, takbo takbo takbo tapos biglang.....

"Waaahhh. Huhuhu." Nauntog ako sa malaking mama na ito. Bat kasi ang laki ni kuya.

"Ay sorry po kuya. Di ko po sinasadya." Pagpapaumanhin ko.

"Okay lang." Sagot niya. Waahh! Bat ang gwapo niya?! Ang cute niya pang ngumiti.

"Ako nga pala si Ziel Gio Howard." Ang gwapo din ng pangalan. Hihihi

"Ah ako rin pala si Ariah Rae Miller. Rae for short. Sige po ah alis na po ako, late na po ako eh. Bye bye po!"

Nginitian niya na lang ako bilang sagot. Waahh. Bat ang cute cute niyang ngumiti?

Ziel Gio's POV

I know that I really hate girls but with her smile, I feel complete. Her smile make my heart beats so fast. Ariah Rae, nice name*smirk* But wait, I think I saw her na before. Parang may kamukha siya eh.

Rae's POV

Naglalakad ako patungong room 413. Haayys, bakit ba kasi ang laki ng school nato? Yan tuloy di pa rin ako nakakarating sa room ko. Huhuhu. Super late na ako.*pout* Magtatanong na lang ako para madali kong mahanapan. Yun! May babae dun.

"Miss alam mo ba kung saan ang room 413?" Tanong ko.

"Ahh, room 413? Sakay ka lang sa elevator, sa 3rd floor yun." Yiee. Ang bait niya.

"Salamat po ate. Sige po ah, nagmamadali na po kasi ako."

"Ahh sige." Sagot ni ate bait.

Yes! Sa wakas! Nakita ko na rin yung elevator. Opo, narinig niyo, may elevator tong school na to. Sosyal noh?

Dali dali akong tumakbo papasok doon dahil pasara na. Hinarang ko ang kamay ko para matigil ang pagsara.

"Fuck" Ha may tao pala dito, lalaki pero infairness ang gwapo niya, matangos ang ilong, mahahaba ang mga pilikmata, mapupula yung lips niya pero blanko lang yung mukha niya. Huhuhu para siyang si..... si.....
si.......

PORORO ko! Di joke lang. Hehehe. Teka, bat siya nagmura? Haayss. Hayaan na nga. Pero bat parang ang tahimik naman. Hindi ba siya nahawaan ni Pororo sa kadaldalan? Aahhmm okay, tatanungin ko na lang siya*smile*

Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon