Secret 6

89 5 0
                                    

Rae's POV

"Okay Chris. How to find your special someone?" Tanong ko sakanya.

"Maybe I can meet her here in school, canteen or maybe in hallway. Maybe I can meet her in a stupid way because she's stupid yet clumsy." -Chris

Huh? Diba yun yung tinatawag nila sa akin? Yung stupid? Eh kahit hindi naman ako si Stupid. Bakit ba lagi nilang hinahanap si Stupid? Sino ba siya?

"Aaahhh okay. Ang galing ng sagot mo! Pero pwede bang magtanong?" Sabi ko. Tumango na lamang siya at nagtanong na ako.



Alexander's POV

"Sino ba si Stupid?" Tanong ni Rae kay Chris. Nagtaka naman kami. Si Chris ay lumukot ang mukha at tiningnan niya si Rae ng nagtatakang tingin. Pati si Boss ay lumukot ang mukha niya. At nung narealize na namin,

"HAHAHAHAHA" Di naming mapigilan na tumawa. Pati na rin sila JB at Third ay tumatawa. Napatingin ako sa mga kaibigan ni Rae ay umiiling lamang sila. Si Chris at Boss lang ata ang hindi tumatawa.

Napatingin ako kay Boss at ang sama ng tingin niya sa amin. Napatigil ako sa pagtawa. Pati na rin sila JB. Siguro napansin nila kung bakit ako tumigil. Damn! Wrong move. Sumipol na lang ako na parang walang nangyari. At nagsalita na ako.


"Sige na guys. Start na tayo ulit." Sabi ko at ngumiti ng tipid. Kinakabahan nanaman ako kung anong mangyayari mamaya. Help me please!

Rae's POV

Pagkatanong ko doon ay bigla silang tumawa. Anong problema sa tanong ko? Ang ayos ayos eh. Kaya hinayaan ko na lang silang tumawa. Bahala sila diyan! Mamatay sila sa kakatawa. Hanggang sa huminto na sila. Kita mo? Bakit sila huminto? Mga baliw talaga! Kung hindi lang ako mabait baka nasa mental na yang mga yan!

"Sige na guys. Start na tayo ulit." Haaayy salamat naman at naisipan nilang tumigil na. Bago ulit ako magtanong ay.................

"Mga baliw." Pabulong na sabi ko pero sapat na yun para marinig nila. Sinadya ko talaga yun para marinig nila at para magpa check up na rin sila. Nakakatakot pa naman ang mga baliw.

Bago pa sila magreact ay nagsalita na ako.

"Aahhmm okay. Si Siera na tatanungin ko ah?" Pagpaparinig ko sa kanila. Hindi na sila sumagot at parang napahiya. Kita mo na? Kanina ang ingay ingay tapos ngayon ang tahimik na.

"Siera. How to find your special someone? Tanong ko.



Siera's POV

Ang topic na ito ang pinaka ayaw ko sa lahat! Bakit ito pa kasi?


Sa hindi ko inaasahan ay bigla kong naalala yung past ko. Naman kasi! Well... Bakit ba kasi kailangang mamili ng makakasama habang buhay kung nasa gitna pa lamang kayo ng kasiyahan ay iiwan ka rin nito?! I hate them! I hate that man! Wala na akong tiwala sa mga lalaki because the one that I treated as our king ay sinira ako! Akala ko siya ang lalaking magmamahal at magproprotekta sa amin but I was wrong! Siya ang sumira sa akin. He's the one who broke my heart. Kung sino pa ang mahal ko, siya pa ang magsisira sa akin.


Flashback: (When I was Grade 6)

"Daddy! Daddy look oh here's my grade." Masayang sabi ko kay daddy. Confident na confident pa ako niyan.

"Wow! Ang galing mo naman anak. We're very proud of you iha." Proud na sagot ni Daddy sa akin.

I am happy that time because I have a king that protects to his princess and his queen. Ang saya saya namin even though only child lang ako. Bonding dito bonding doon. Tawa dito tawa doon. I am very happy kasi love na love nila ako.


But one time, noong palabas na ako galing ng school, nakita ko si Daddy na may kasamang babae ang masama pa doon ay naghahalikan sila. I thought si Mommy yun pero iba pala! Di ko napigilan na mapaluha. Ni hindi nga napansin ni Daddy ang presensya ko noon. Pagkatapos pa nilang maghalikan ay sumakay na sila sa kotse ni daddy at umalis na. At doon ay mas lalo pa akong naiyak. Akala ko ba susunduin ako ni daddy? Talagang mas inuna niya pa yung babae niya? Di ko napigilan na humagulgol. Then bigla nalang nag ring ang phone ko. Pagkakita ko ay si Daddy ang caller. Sinagot ko naman ito kaagad.



"Iha sorry kung hindi kita nasundo ngayon. Nandito pa kasi ako sa opisina at marami pang inaasikaso si Daddy." That time ay nagsisi ako na sinagot ko pa ang tawag niya.


"Okay po." Sagot ko na lang. At that time parang gusto ko ng maglaho. Bakit ganon? Hindi pa ba kami sapat ni Mommy para sakanya? Bakit niya kami linoko? I hate him! He's arrogant ang liar and heartless daddy that I ever had!! And with that, I hate man! I hate boys! I hate liars! And because of that, hindi na ako umass at ayaw ko nang magmahal. Lalo na't hindi pa rin nawawala yung sakit na binigay sa amin ni daddy ow erase, that man.

End of Flashback


Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Tiningnan ko yung mga kasama ko, lahat sila ay nag aalala. Naalala ko nanaman kasi.*sigh* Pilit kong pinipigilan yung luha ko. Breath in, breath out. Naalala ko naman yung sinabi sa akin ni Khazy one time.





"Its hard to forget someone who gave you so much to remember."





A/N:

Hi guys! Short update lang po. By the way, si Siera po yung nasa picture! At don't forget to vote. Muuwwahh😘
























Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon