Chapter 19

782 16 1
                                    

#FATWRNineteen

Iniabot sa akin ni Earl ang chocolate ice cream na binili niya kanina sa isang convenience store. Tahimik kong kinuha 'yon at sinimulang kainin.

Wala ni isa sa'ming dalawa ang nagsasalita. May distansya din sa pagitan naming dalawa, ni hindi ako nakilos o hindi ako nage-effort na magsalita para siya'y kausapin.

Tumikhim siya at mabilis akong sumulyap sa kanya bago ako palihim na umirap, bakit nga ba sumama pa ako sa'yo? Psh. Lumayo pa ako ng onti at mas pinagtuunan ang pagkain ko sa ice cream, napansin kong lumapit siya kaunti at mabilis na gumalaw para makalapit sa akin.

"Ang init naman." bulong ko na sapat na ang lakas para marinig niya. Napatingin siya sa'kin at luminga-linga, ano na namang problema ng lalakeng 'to?

"S-Sorry wala akong pamaypay..." sabi pa nito sa akin. Nanliliit ang mga mata kong tumingin sa kanya bago ko siya tinaasan ng isang kilay.

"Bakit? Kailangan ba na may pamaypay ka?" mataray kong tanong sa kanya bago bumuntong hininga.

Napakamot siya sa kanyang batok at bahagyang ngumiwi, "Eh ang sabi mo kasi ay mainit eh. Gusto sana kitang paypayan ang kaso wala nga lang akong dala."

"Ah." tumango-tango na lamang ako at nang cone na lang na maliit ang natira mula sa pagkain ko ng ice cream ay isinubo ko na lahat 'yon.

"Masarap ba yung ice cream?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko, "Malamang. Kaya nga doon mo binili kasi masarap diba?"

Bumuka ang kanyang bibig pero agad din naman itong sumara, bumuka ulit pero ganoon din naman ang nangyari. Ilang minuto kaming nag-tagal na ganoon hanggang sa tumikhim siya ng ilang beses.

"May plema ka ba o ano? Pwede mong idura 'yan." puna ko sa kanya bago ko pinagkrus ang dalawa kong braso sa ibabaw ng aking dibdib.

"H-Hindi. Wala naman..." tanging nasagot na lamang niya bago niya paglapatin ang kanyang mga labi.

Muli na naman kaming natahimik, pinapakiramdaman ang isa't-isa, hindi alam kung sino ang unang magsasalita sa aming dalawa. Ilang beses na nga akong umirap at nagtataka na ako kung bakit hindi pa rin nalalaglag ang mga mata ko.

Bumuntong hininga ako bago hinawi ang aking buhok, ano ba talagang kailangan niya at dinala niya ako dito? Sa tapat ng isang convenience store na isa hanggang sampung tao lang naman ang pumapasok? Pinaglaruan ko na lamang ang aking mga daliri at pingmasdan ang aking mga kuko, medyo mahaba na rin pala.

Hindi ko kaya ang mahabang kuko dahil nangangati ang mga 'yon kapag humahaba na. Isa pa, 'di rin naman ako komportable.

"I'm sorry..." panimula niya. Hindi pa rin ako tumingin sa kanya at nanatili lamang akong tahimik sa aking kinauupuan. Malapit na ako sa kanya dahil kahit naman anong gawin kong paglayo sa kanya ay usod siya ng usod.

"Alexia," kinulbit niya ako sa balikat pero 'di pa rin akong lumingan. "Xia, sorry na..."

Paulit-ulit niya iyong sinabi ngunit 'di ko pa rin siya pinansin. Bakit, pinansin niya ba ako kanina? Hah! Nagkunwari pa nga siyang hindi niya ako kilala para lamang doon sa bruhilda - ay mali - mistulang mangkukulam niyang girlfriend na si Christine.

Pumunta siya sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at kumunot ang noo ko nang makita ang isang malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha, ano bang ginagawa niya? Siya din naman kasi ang nagsimula eh. Tumitig siya direkta sa mga mata ko bago napaiwas ulit ng tingin.

Luh. Ang komplikado naman ng lalakeng 'to.

Ako na lamang ang umiwas ng tingin, matagal siyang nakatayo sa harapan ko pero wala rin namang ginagawa. Ilang beses na akong bumuntong hininga at ginawa ko na lamang ulit ang ginagawa ko kanina - ang ilang beses na pag-irap ngunit wala pa rin talaga siyang ginagawa at hindi pa nakilos ni isang galaw.

For All The Wrong Reasons (COMPLETED)Where stories live. Discover now