Chapter 17

857 18 0
                                    

#FATWRSeventeen

Ang minsan na sinabi ni Vaughn ay ngayong araw. Linggo at alas dos pa lamang ng hapon ay tapos na akong mag-ayos ng aking sarili. Nakapag-paalam na rin ako kay mama kagabi at umalis sila ni Tita Joy ngayon. Naisip ni tita na dapat ipasyal si mama kahit minsan sa mga lugar na mage-enjoy siya at hindi pa niya napupuntahan.

Kinuha ko ang cellphone ko at ang ine-expect ko na text o tawag man lang mula kay Earl ay wala akong natanggap. Alam ko namang nakita niya ako kahapon na nakita sila ni Christine na magkasama pero ni isang paraan lamang upang malinawan ako at makausap niya ako ay wala naman siyang ginawa.

Ganon niya ba kamahal si Christine? Pero ang sabi niya ay mahal niya rin naman ako hindi ba?

Ini-text ko na lamang sila Angeline at sila Sheena upang mangamusta kung paano ang linggo nila. Angeline replied within three minutes, ang sabi niya ay pupunta sila ng mall ng family niya at pagkatapos non ay magsisimbasa Baclaran.

Si Sheena naman ay nasa bahay lang at tinatamad lumabas kaya naman kahit anong aya ko sa kanya na sumama sa'kin mag-simba ay 'di ko siya mapapayag.

Si Francesca naman ay nasa mall rin kasama ang pamilya at mukhang next week pa sila uuwi. Ibigsabihin ay absent siya for one whole week?

Napaisip ako, wala rin naman masyadong gagawin next week - hindi na nga rin kami nagdi-discuss o kahit ano pang lecture. Hindi rin naman ata kasali si Francesca sa practice ng mga sayaw sa prom sa pagkaka-alam ko kaya siguro ay okay naman na um-absent siya.

'Yun nga lang, kailangan niyang sabihin sa mga teacher kung bakit talaga siya absent. 'Di pinapaburan ng mga teachers ang excuse na family gatherings dahil alam naman nila na pwedeng gawin 'yon sa ibang araw o sa bakasyon.

Muli akong tumayo sa harap ng salamin at tinignan ang aking itsura. Suut-suot ko ang baby blue dress na ibinigay sa akin ni mama noon at yung sandals na ibinili sa akin noon ni papa noong buhay pa siya. Matipid akong napangiti, sobrang nami-miss ko na si papa.

Naaalala ko noon kapag umiiyak ako ay bibigyan ako ni papa ng band-aid kahit wala naman akong nakuhang sugat mula sa paglalaro o sa kahit anong dahilan kung bakit ako biglaang umiyak.

Nagtataka ako noon kung bakit niya ako laging binibigyan ng band-aid samantalang hindi ko naman 'yon magagamit sa kadahilanang wala nga akong sugat.

Sa tuwing magkukulong ako sa kwarto at magmumukmok ay kakatukin niya ako, aaluin bago ibibigay ang band-aid na may cute na design at kulay pa.

"Bakit mo ako laging binibigyan ng band-aid kapag naiyak ako pa? Wala naman po akong sugat..." taka kong tanong habang nasa gitna ako ng kanyang mga hita.

Napatawa si papa noon bago sinuklay ang isang side ng aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"Kasi anak pwede mo 'yang gamitin lahat sa oras na magkasugat ka. E di mas mabilis na maghihilom ang sugat mo, binibigyan kita para magkaroon ka ng koleksyon..."

Kumunot ang noo ko, "Eh hanggang ngayon po kapag umiiyak ako ay 'di naman po dahil sa sugat. Baka masayang lang po ang mga band-aids na 'yon..."

"Kasi habang bata ka pa magagamot pa ng band-aids ang mga sugat mo pero kapag lumaki ka na, hindi na gagana ang mga iyan. Dahil ang sakit na mararamdaman mo kapag lumaki ka ay 'di na pisikal, madalas ay emosyonal na..."

At noon ay wala akong maintidihan sa sinabing iyon ni papa pero ngayong lumaki na ako ay mayroon na.

Naiintindihan ko na talaga.

Noong bata ako ay nilalakasan ko talaga ang pag-iyak para malaman nila na may nang-away sa'kin at i-comfort nila ako hanggang sa maging masaya na ulit ako. Ngayon namang malaki na ako ay 'di na ganoon, sobrang dami na ang nagbago.

For All The Wrong Reasons (COMPLETED)Where stories live. Discover now