Chapter 28

836 18 0
                                    

#FATWRTwentyEight

Tatlong araw na ang nakalipas nang magsimula akong mag-stay sa bahay ni Vaughn. Wala ang nanay niya at dalawang linggo pa 'yung mananatili sa probinsya kaya naman ang sabi ni Earl ay ayos lang na magtagal ako.

Maaga akong gumising para tuluyan na akong makapasok sa school. Pasalamat na lamang ako at nasama sa inihagis na mga damit ang uniform ko, 'yun nga lang wala ang mga gamit ko.

Galak na nga lang din ako dahil ibinigay sa akin ni Tita Joy nang minsang maabutan niya ako sa palengke. Alam niya kung saan ako nananatili ngayon at hindi ayos 'yon sa kanya, gusto niya ay manatili ako sa bahay pero si mama na mismo ang nagsabi na lumayas ako.

At alam ko na kapag pinilit ko pang manatili doon ay malaking gulo lamang ang mangyayari.

Sinuot ko na yung uniform ko at bumaba. Hiyang hiya din naman ako kay Vaughn dahil dito pa ako sa kanila tumira pero wala na akong magagawa. Nung isang beses nga ay sinubukan kong umalis at nagpaalam pa ako sa kanya pero ayaw niya akong payagan. Dito na lamang daw muna ako mag-stay habang hindi pa naaayos ang lahat.

"Sabay na tayong pumasok?" tanong sa akin ni Vaughn nang makita niya akong bumaba.

Tipid akong ngumiti at tumango. Alam ko naman na kahit sabihin kong ayaw kong sumabay ay pipilitin pa rin niya. Nahihiya akong sabihin ang rason ko, yun kasi ay baka pati sa issue sa school ay madamay siya.

Vaughn has been really nice to me. Pakiramdam ko kapag kasama ko siya ay respetado ako at safe ko - different from the things I felt when I was with Earl before. Hindi ko nga alam kung paano susuklian si Vaughn, basta ang naiisip ko lang ay kapag kailangan niya ako - naandito lang ako para lagi sa kanya.

"Akin na 'yang bag mo." ani Vaughn bago kinuha ang bag ko. Kumunot ang aking noo.

"Anong gagawin mo diyan?" tanong ko.

Ngumiti siya, "Ako na ang magdadala. Mabigat eh..."

Lalong lumalim ang gatla sa aking noo. "Hindi naman mabig-"

"Shh... Lumabas ka na. Ilo-lock ko na din 'yung gate. Tara na, male-late na tayong dalawa niyan eh."

Hindi na ako nakapagreklamo nang sinukbit niya ang bag ko sa kanyang harapan. Hinila niya pa ako papalabas kaya naman mas lalo akong walang nagawa.

"Gusto mo ng fries? Ibibili kita mamaya..."

Kumunot na naman ang aking noo, "Bakit sobrang bait mo na ata sa'kin ngayon?"

Ngumiti siya ng matamis sa akin at kinurot ang aking ilong.

"Mahal kasi kita."

Lumamlam ang aking mga mata dahil sa narinig mula sa kanya. Natahimik din ako. Marahil ay naramdaman niya 'yon kaya siya mabilis na lumayo sa'kin at biglang iniba ang topic.

"Tara na nga kasi! Sakay na tayong jeep! Kulit mo naman Alexia eh."

Mahina akong napatawa dahil sa kanyang sinabi. Ako pa talaga ang sinisi? Mabilis at tahimik lamang akong sumunod sa kanya pasakay sa jeep.

Pagdating namin ni Vaughn sa school ay agad naming nakuha ang atensyon ng ibang estudyante. Noong sabay kaming pumasok sa gate ay 'di kami nilubayan ng tingin galing sa iba't-ibang mga estudyante.

Naalala ko ang nangyari noong nag-suntukan silang dalawa ni Earl. Marahil hanggang ngayon ay hindi pa humuhupa ang issue -- hindi ko nga lang alam kung bakit.

"Maiwan na kita, Alexia ha? Time na namin eh." ani Vaughn sa akin bago ginulo ang aking buhok.

"Hmm." mabilis lang akong tumango sa kanya at pilit na ngumiti. Hindi naman sa ayaw kong iwan ako ni Vaughn pero ewan ko ba dahil may naramdaman akong lungkot nang magpaalam siya sa'kin.

For All The Wrong Reasons (COMPLETED)Where stories live. Discover now