Chapter 4

20 2 6
                                    

CHAPTER 4

Anzel’s POV

I've known you all my life

You are a friend of mine

I know this is how it's gonna be

I've loved you then and I love you still

You're a friend of mine

Now I know friends

are all we ever could be..

Medyo paepal din tong player ni Kuya Aaron e. Hiniram ko kasi, baka sakaling maaliw ako sa nakakamatay sa boring na araw na to. Kaso parang nananadya e. Unang kanta pa lang, nakakaletse na.

But then again, then again..

then again I'm glad..

Ewan ko ba. Halos isang taon na yung huling relasyon ko. At magpasahanggang ngayon, single pa rin ang lola niyo. Baka naman may kakilala ka dyan? Baka pwedeng ipakilala sakin.  De joke lang. May mga nanliligaw naman. Mawawalan ba ‘ko? (Malakas na ihip ng hangin.)

Seriously. I can’t still find the right one that will make me change my status.

Bah. Who I am kidding? Tutal, tayo-tayo lang naman, aamin na ako.

Yung totoo?

I have already found the man I really really really like. Pero taken na siya. May girlfriend na e. Halos tatlong taon na nga sila e. pagkatibay-tibay.

I know what you are thinking. Sulutin ko? Sabagay, yung mag-asawa nga napaghihiwalay, yung magjowa pa lang kaya?

Pero, no, thank you. Hindi kasi basta- basta yung girlfriend niya. Maganda, mabait, matalino… And worst, she is my bestfriend.

Oo. Si Aljun yung lalaking gusto ko. Simula pa nung unang makilala ko siya, bago pa maging sila ni Luna. Gusto ko na siya. Gustong-gusto. Pero walang nakakaalam.

*Flashback*

“Miss, pwedeng makisilong?”

Natulala ako sa lalaking nakatunghay ang mga mata sa akin at nagtatanong.

“Ay, s-si-sige!”

Malakas ang ulan at ihip ng hangin, pero wala yung sinabi sa lakas ng hatak sakin ng lalaking to. Matangkad, medyo maputi at singkit yung mga mata. Kamukha niya si Xian Lim, yung artista na katambal ni Kim Chiu.

Grabe lang. I can’t breathe.

“Anzel! Bilis! Late na tayo sa klase natin!”

Si Luna yun. Medyo nauna siya sakin sa paglalakad e. Pano, talagang mabagal akong maglakad, kahit na bumabaliktad na yung mundo, mabagal pa rin akong kumilos.

Pero thankful ako sa pagiging slowpoke ko ngayon. Kitams naman, nakasabay ko si Papa Xian Kalokalike. Kaya hahayaan ko munang mauna si Luna. Susulitin ko ang mga segundong kasama ko si Xian ko. Haha, oo akin siya. Siya at ako, sa ilalim ng isang payong, nakangiti (ako), umulan o bumagyo ayos langgg…

“Miss. Kaibigan mo ba yun? Pwede ko bang makuha yung number niya? Eh, hehehe. Crush na crush ko kasi sya e. Antagal ko na kaya siyang sinusulyap-sulyapan. Pleeeeaaasssee!” –Si Xian Kalokalike.

Lechugas. Ayos diba. Nangangarap pa lang ako, si Luna pala yung bet nito. Ays, matitiis ko ba yung please nya?

Tss. SYEMPRE!

Bakit ko naman ibibigay yung number ng bestfriend ko sa kakakilala ko pa lang na lalaki na nakisilong lang atkamukha ni Xian Lim?

What are you, crazy?!

Kung number ko pa yung hiningi, syempre ibibigay ko. Hahaha.

Pero, di naman sa nagpapakaimpokrita ako, no. Magpapaalam muna ako kay Luna, syempre, bago ko ibigay yung number niya.

Pero gwapo talaga a. Ang ganda pa ng boses. Crush ko siya. Sure na.

*end of flashback*

Yep, ako ang unang nakilala ni Aljun. Pero hindi siya napunta saken. Hindi ako galit sa kanya, kung bakit hindi ako yung nagustuhan nya, gayong ako yung una nyang nakilala. Beyond reasoning yun. Napakaimpokrita ko naman. Saka, mahal nya si Luna. Hindi ako lisensyadong sirain yung relasyon nila, at gawing miserable si Luna. Oo, nasasaktan ako at nagseselos. Kasi gusto ko si Aljun. Pero mahal ko si Luna. No further explanations.

So ayun. Ngangabels muna yung lovelife ko. Makapag-internet na nga lang. Tsk.

Facebook, twitter, tumblr, etcetera, etcetera. Andaming ek-ek. Halos iikot na lang ng mga tao yung mga buhay nila dyan sa mga yan.

I read a post in a social media site from a girl my age saying how miserable she is today because she does not have someone to hug and spend the day with. Then she added, looking for a boyfriend. And I was like, dumbfounded. Seriously?

I have to admit that it is sort of lonely whenever you see couples feeding each other, walking hand in hand, attending Simbang Gabi, and taking pictures that display their affection for each other.

It is sort of embarrassing when people ask you who is your partner and you can’t come up with a name that may hide your little secret.

It is frustrating when you and your friends are having a girls’ talk and it’s about your partners and you don’t have anything to share and all you can do is to sip your tea and constantly nod your head, or you and your ex-lover accidentally meet in a fastfood chain and he is with his current girlfriend and all you can do is to show that practised smile and silently pray that the earth will just swallow you up.

…And that worse feeling when all of your girl friends are unavailable because they are with their boyfriends and you are all alone.

But I understand that, I really do. I am one of those single ladies. What I do not understand is that young people today wanted to be in a relationship so desperately.

Why be in a hurry? We are still young. There are so many beautiful reasons to be happy.

Minsan, eto yung nakakastress sa social media e. Lahat na lang may freedom of expression. Wagas na freedom of expression. Jeez, kay lawsi.

May nag-message.

*tut* (Sound effects yan. Mayaman yung author e, may budget. :P)

Hi, misis! :)

Ay nako. Siya na naman. Sisimulan na naman ako. Nakakatuwa naman siya, actually. Medyo pa-cool nga lang. Nasobrahan, kaya minsan, ang sarap pektusan.

Tinignan ko yung profile niya. Binasa ko yung isang status.

Nakakainis naman. Ako na ata ang may pinakamadaming pogi problems. XD

Haha. Nakakaletse diba po? Sabagay, gwapo nga naman talaga siya. Gwapo talaga, at grabe ang appeal. Magaling pumorma, magaling sumayaw, magaling kumanta, magaling sa lahat. Lalo na sa pambobola.

Pati ako nauto. Ha ha ha. Asar.

Siya yung pinakaunang boyfriend ko. At siya pa rin lang naman yung nagiging boyfriend ko. Siya yung sinasabi ni Luna na supertwin bestfriend nya. Ang dakilang chickboy.

My ex-boyfriend.

Blair Stephen Floralde.

--------

Sasabihin kaya ni Anzel ang nararamdaman niya?

Me nainis ba kay Anzel sa chapter na to?

May nagbabasa pa ba sa storyang to? -__-

De joke. :)

Abangaaaaaan ang susunod na chapter sa storyang pagkatagal-tagal ng updates. Hohoho. Pasensorrryyyy!!!! 

FRAGMENTS (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon