Chapter 5

28 3 4
                                    

CHAPTER 5

Luna’s POV

“Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo!

Isa…

Dalawa…

Tatlo!”

Nakita ko yung sarili ko. Pero ang bata ko pa. Siguro mga 8 years old. Naka-dress na pink na madaming bulaklak, medyas na puti, black shoes… Naka-pigtails pa yung buhok ko.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Pero mukha naming masaya ako kahit ako yung taya.

“Tipaklong! Asan ka na ba? Binuburot mo naman ako e!” sabi nung batang ako.

...

“Tipaklong!”

....

Wala pa rin. Nakakainis. Naiinis na yung batang ako e. Unupo ako sa ilalim ng punong manga, tapos umiyak.

“Uy.”

May tumawag na batang lalaki sa likod ko. Pero di ko daw pinansin.

“Uy, palaka. Di mo lang ako mahanap, umiiyak ka na.”

“Uy. Luna. Pansinin mo naman ako.” Tumabi na sakin yung batang lalaki.

Tumingin ako sa kanya. Pero di ko maaninag yung mukha nya.

“Nakakainis ka e. Ang galing galing mong magtago. Lagi tuloy akong burot.” Sabi ko.

“Hehe. Parang nasa likod mo lang naman ako e. Ganyan talaga pag palaka. Kokak! Hehe.”

“Bahala ka dyan. Uuwi na ‘ko.”

“Uy. Luna naman e. Inaasar lang naman kita e.”

“Umiiyak na nga ako e. Tapos inaasar mo pa ko e.”

Kinurot nya ako sa pisngi. Tapos pinunasan yung mga mata ko.

“Paano, ang cute cute ng palaka ko! Wag ka kasing tamad maghanap. Pano na lang pag mawala ako?”

“Mawawala ka ba, Tipaklong? Wag a. Wala na akong kalaro. Ikaw lang kaibigan ko dito satin.”

“Hindi ako mawawala. Pag di mo ako mahanap, sabihin mo lang, burot ka na. Hehe, tapos magpapakita na ko sayo. Palagi lang akong nasa likod mo.

O, tayo na dyan. Ako naman taya. Pano, burot ka na, palaka. Hahaha! Kokak!”

At nagising na ako. Hapon na pala. Bakit ang pangit ng body clock ko? Time to sleep na naman maya-maya.

Weird dream, eh? Sino kaya yung batang tipaklong nay un? Hehehe. Pero parang ang saya saya namin…

Wala akong maalala tungkol sa batang lalaking yun..

Ang sakit sa ulo. Ts, hayaan na. Panaginip lang naman yun, imposibleng past ko yun. Naalala ko sana diba?

When you say you love me

No, I love you more…

When you say you need me

No, I need you more…

I adore you.

Uy, cellphone. May tumatawag.

Pinalitan ko na yung mga minions ko. Matagal-tagal ko na ring ginagamit yun e. Baka pagod na sila. Etong kay Miley naman, nakaka-LSS e.

“Oh, Blair? Ano?”

“Wow naman, kung maka-Blair ano ka naman dyan. Dati Bee pa yung tawag mo sakin e. At excited ka pa nun pag tumatawag ako. Ngayon… Naku. Porket may Babz ka na a. Tsk.”

“Nagtatampo k aba, Bee?”

Hehe. Nakakatuwa pag si Blair yung nagtatampo. Ang genuine kasi nyan. Pinapakita talaga pag namimiss nya yung magandang supertwin nya. Hahaha.

“Konti lang naman.”

“Haha, nagseselos ka na ba kay Aljun? Aaminin mo na bang may gusto ka sakin, at matagal na?”

“Lul ka ba. Ikaw pa ba papatusin ko, e alam ko yung mga dirtiest secrets mo. Jusko, Bee a. Di tayo talo.”

“Haha, ano ba kasing gusto mo?”

“Wala naman. Gusto ko lang sabihin sayo na pupunta dyan ang gwapo at cool mong twin.”

Loading…

“SERYOSO KA!? WOW, BEE! AASA NA KO A. HINDI DAPAT TO JOKE A. UMAYOS KA A!”

“Grabe ka naman. Kailangan caps lock? Hindi ka rin naman masyadong excited no?”

“Haha, well, a bit. Kelangan caps lock para dama. Kelan ba dating mo dito?”

“Bukas.”

“Sure?”

“Yep. Ow, I gotta go. Btw, parang gumaganda si Anzel a. Hehehe.”

“Maganda talaga yun, flip ka. Kelan ba ako nakipagkaibigan sa panget? O siya. Hintayin kita a. Ingat Bee. I L Y!”

“Woki dokz. I L Y 2!!”

Ayyyy! Wala. Wala akong ibang sound na magawa. Basta excited ako. To the max! Dadating bukas si Bee. Yehey!

Beep! (Sound effects ulet :D)

May nagtext!

One new message

090********

Hoy palaka.

At kelan pa ko naging palaka???

Create message.

To: GandaWENG; GandaANZEL

Girls, kilala nyo to?

091********

Beep!

Nagreply na sila.

Ewan e..

Tsk. Malas naman. Di rin nila kilala. Sino kaya to.

Beep!

One new message.

091********

Dream of me, again. Goodnight. :)

Wait. Yun yung tawag sakin nung batang lalaki sa panaginip ko a. Sino kaya tong nagtext sakin?

Those messages were sort of creepy. Lalo na yung sender. Malalaman ko rin kung sino ka. For now, I guess I have to see those dreams again.

I have no choice. I can’t resist my eyes from closing, and then I’ve dozed off.  

Sino ang lalaking nasa panaginip ni Luna?

Bakit pupunta si Blair sa lugar nila?

Alin ang mas mataas lumundag, tipaklong o palaka?

Sino gustong magpa-dedicate?

ABANGAAAAAN ulet sa istoryang putol-putol! HAHA. -_-

VOTES AND COMMENTS!!!!!! J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FRAGMENTS (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon