Ako nga pala si Crystal Fate Arellano. A graduating student at one of the prestigious universities in the country. Maganda, mabait, at matalino. Sa edad na 19, nagka-boyfriend sa unang pagkakataon.
For my whole 19 years of existence, di ko inakalang mahuhulog ako ng ganun kadali. Simula pagkabata, pinangarap ko nang ligawan ako ng lalaking mamahalin ko sa loob ng mahabang panahon. Maybe a year at least won't be bad.
Gumraduate ako ng high school without entering into a romantic relationship. Hindi dahil sa ayaw ng mga magulang ko kundi dahil di ko pa nakikita ang lalaking magpapatibok ng puso ko.
I entered college, wala pa rin. Hanggang sa nag-third year ako.
Kasisimula lang ng second semester nung nanligaw siya. Di ko in-expect yung panliligaw niya.
Guwapo siya, matalino ngunit kilala sa school bilang suplado at walang interes sa babae.
To make the long story short, nakita ko sa kanya lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki. Yung tipong kinikilig ako kahit sa mga simpleng gestures niya. Yung tipong tila laging nakikipagkarera yung tibok ng puso ko tuwing nandiyan siya.
In that short span of time, I fell for him.
Sa una masaya, may kilig, may efforts. Ramdam ko naman na mahal niya ako.
But after a month of being in a relationship with him, may nagbago na.
Marami akong narinig na mga kwentong kesyo playboy naman daw talaga siya dati. Bumalik lang daw ang totoong siya ngayon.
Di ako naniwala sa tsismis. Sino ba naman ang paniniwalaan ko, sila o ang mismong mahal ko?
Pero napatunayan kong totoo nga yun. Isang araw, nakita ko na lang siya na nakikipaghalikan sa isang babae. To make it worst, she's the biggest slut in my school.
I was broken. For the first time in my life, I trusted my heart to someone else. I didn't know I will be taken for granted by that bastard ... by Elijah Joaquin Bustamante.
Entry # 1:
Everything ends.
Kahit gaano mo pa kagusto ang isang pagkakataon, matatapos at matatapos din iyon. It is the worlds nature.
Katulad na lang ng paglubog ng araw. Kahit gaano natin kagustong hindi na gumabi, wala tayong magagawa. We cannot pause the moments, we can't stop the time. Kung pwede lang sigurong tumigil ang oras sa mga pagkakataong gusto natin, malamang matutuwa tayo.
But we can't get all we want. We can't get all our whims. No matter how beautiful it is, it is meant to end; in any way possible.
#EverythingEnds
°°°°°°°°°°
A/N: Kung sino man ang magbabasa nito, thank you so much sayo. ❤❤❤
BINABASA MO ANG
Journal by a Broken Heart
De TodoNagmahal. Umasa. Nasaktan. Lahat ng hatred, frustrations, at angst ko sa buhay, inilalabas ko na lang sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang journal; ang journal ng isang broken hearted. Can it really help in easing my pains?