Unfinished Business 1

1.3K 30 3
                                    

Nakikisabay ang buhos ng ulan sa bawat patak ng luha na umaagos mula sa aking mga mata.

Hindi sapat ang isang payong upang pigilan ang patuloy na pagbuhos ng malamig na ulan papunta sa aking katawan.

Wala na akong pakialam mabasa man ako, wala na akong pakialam kung nakita man ng karamihan ang kahinaan ko. At lalong wala na akong pakialam dahil ang nag iisang taong minahal ko ng lubusan ay nasa isang silid na hindi na maari pang buksan, nasa hukay kung saan pati ang puso ko ay kasamang lumisan.

Narito at nag iisa sa harap ng puntod ng kaisa isang babaeng nagbigay buhay sa magulob at walang kulay kong buhay.

Pilit iniintindi ang kanyang paglisan ngunit kahit anong lalim ng pag iisip hindi ko pa rin maunawaan.

Bakit nga ba? Bakit nga ba kung kailan ka sumaya sya ring sulpot ng kalungkutan na kahit kailan ay di mo inasahan at hiniling.

Bakit kung kailan nakita mo na ang taong inaakala mong makakasama mo hanggang sa pagtanda, sya namang babawiin sa iyo, tadhana nga naman sadyang nakakatampo. Biro ng kapalaran na talaga namang hindi nakakatuwa.

Hindi maiwasang magtanong, bakit nga ba? Bakit nga ba sa dinami raming tao sa mundo, bakit kami pa ang naging biktima ng isang birong ni hindi sumagi sa isipan ng sino man.

Tanging hiling sa maykapal, ibaling muli ang panahon kung kailan tayo nagkakilala, panahon na puno ng pag ibig at hindi ng pag hihinagpis.

Bakit sayo pa? Bakit hindi nalang sakin. Tanong ko sa aking isipan.

Siguro sa ngayon, paalam muna aking mahal, hanggang sa muli nating pagkikita.


Follow me.
+Queen_Hyacinth...

Unfinished Business (GonzAquis Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon