Unfinished Business 40

362 18 2
                                    

Den POV

Dali dali akong tumawag kay Aly na sunduin ako dahil kailangan naming mapuntahan si Joven at mailayo sa lugar na iyon. Alam ko na ang ibig sabihin nyang tulungan sya

Di naman nagtagal ay dumating na rin sya

“ano nalaman mo?” pangbungad na tanong sakin ni Aly pagkasakay na pagkasakay ko ng kotse nya

“yung ini-inject nila, di iyon gamot, drugs yun. Nag reresulta ito sa pagkatulala at pagkawala sa sarili at pag tumagal ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay

Tila naman nagulat si Aly sa narinig nya kaya bigla nyang inapakan ang break

“ano? “teka alam ba to nila Tita?” tarantang tanong nya

Napiling naman ako

“eto kunin mo phone ko tawagan mo sila Tita” utos nya sakin kaya kinuha ko ang phone nya at sinimulang tawagan si Tita

Kaso nakailang ring na di ko macontact si Tita

At nung sinubukan kong tawagan si Tito

Busy naman ang line nya

“bilisan mo nalang ang pag d-drive, kailangan nating makarating agad kay Kuya Joven” kinakabahang sabi ko kay Aly

Kaya naman mas binilisan pa nya

Kaso sa kasamaang palad naipit pa kami sa traffic

Nahampas naman ni Aly ang steering wheel

Habang ako ay napakagat naman sa labi ko sa sobrang inis at kaba

“may number ka ba ni Royse?” tanong ko agad kay Aly nang pumasok sa isipan ko si Royse

Tumango naman si Aly kaya naman hinanap ko agad ito sa contact list nya

Nang makita ko ang name nay tinawagan ko agad sya

Makaraan lang ang ilang ring sinagot na rin  nya ang tawag ko

“hello, Royse, puntahan mo si Kuya Joven ngayon na” sabi ko agad pagkasagot na pagkasagot nya sa tawag ko

“bakit anong nangyari?” mababakas ang kaba sa boses nya

“puntahan mo sya nalaman ko na kung ano ang gamot na sinasaksak sa kanya.. di yun gamot drugs yun, pigilan mo ang mga nurse sa pag inject sa kanya nun, ilayo mo si Joven sa kanila, di sila mapagkakatiwalaan” mahabang sabi ko

Narinig ko naman na tumakbo si Royse

“sige papunta na ako” at i-end call na nya

Hayyyyyzztt

Chris POV

“Peter itigil na natin to, nakokonsensya na ako sa pinaggagagawa natin” pangungumbinsi ko kay Peter

Pero imbis na sumagot ay tumawa lang sya

“tama na, okay na yung paghihiganti mo” muling usal ko pero di sya nakikinig sakin

“aantayin  mo pa ba na makulong ka ha? Tigilan na natin to,” naramdaman ko na kinuwelyuhan nya ako at pagdilat ko nang mata ko.. galit na mukha ni Peter ang nakita ko

“nakokonsensya ka? Eh diba kasama kasa nagplano nito” bakas ang galit sa tono ng pagsasalita nya

“eto tandaan mo, wag mo akong pakialaman, malilintikan ka sakin” galit nyang sabi at dahan dahan nya akong binitawan

Napahawak naman ako sa leeg ko

“bahala ka” tanging nasabi ko nalang at nilisan ang lugar na iyon

Unfinished Business (GonzAquis Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon