Unfinished Business 26

366 14 2
                                    


Joven POV

Boyfriend?

Boyfriend?

Boyfriend?

Wala namang nabanggit si Aileen na boyfriend nya ahh

“Rachel!!!” tawag ko sa babaeng abno na yun

Pero walang sumasagot kaya hinanap ko sya,
Naikot ko na yung buong bahay pero walang Rachel na lumalabas, nasaan na kaya yung elementong yun???

Maya maya may naramdaman akong parang may presensya sa likod ko, kaya dali dali akong lumingon, dun ko sya nakita na naka upo na sa sofa at may kinakain

“teka” nasabi ko nalang habang nakakunot ang aking noo

“hmmm?” sagot nya at sabay subo ulit ng kinakain nya

“nakakakain ka?” tanong ko sa kanya

“obvious ba?” mapang asar na sagot nya sakin

Akala ko ba di ito kumakain

“hoy, Joven tara dito” utos nya sakin kaya lumapit naman ako sa kanya

“I will show you something” sabi nya pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya

Ibinababa nya ang kinakain nya sa sofa at inabot nya ang remote at binuhay ang TV.
Napanganga nalang ako sa ginawa nya

Di naman na bago sakin na makita syang may hinahawakang bagay eh, pero ang ipinagtataka ko lang bakit nya nagagawa ito na para bang sanay na sanay na...

“eto pa!” sabi nya at tumayo sya at sinimulang itulak ang sofa

Di ako nakapagsalita sa pinaggagagawa nya

“galing ko no?” pagmamagaling nya sakin, nag flex pa sya ng braso na para bang sinasabing ang lakas nya

“ay nalimutan ko tong gawin” sabi nya at lumapit sakin

Naramdaman ko ang forefinger nya at ring finger nya sa noo ko na nakapatong dito, hanggang sa hinatak nya ang middle finger nya na dahilan kung bakit ako napahawak sa sakit

“arayyyy ko naman” sabi ko sa kanya

Sya naman napahagalpak sa tawa “matagal ko nang gustong gawin sayo yan, kung tutuusin nga kulang na kulang pa yan sa bawat panglalait na natanggap ko sayo eh”

Napasimangot naman ako at napatanong nalang sa kanya

“pano mo nagagawa yun?” tanong ko

“simple lang just because of determination and eagerness” mapagmalaking sagot nya sakin

Siguro narealize nya ang sinabi nya at napatakip sa bibig nya

Napangisi naman ako ng nakakaloko  ‘determination and eagerness pala ahh’ napaisip naman ako sa bagay na yun.

Hmmm. Ma try nga

“si-sinabi ko ba yun?” tanong nya sakin na nanlalaki pa ang mga mata

Napailing nalang ako at dahan dahan na lumapit sa pwesto nya, tatakbo na sana sya kaso nahawakan ko sya at marahas na pinaupo sa sofa

“huy Joven, bitawan mo ko” pag poprotesta nya

“so ito pala ang determination and eagerness ha?” tanong ko sa kanya na ang tinutukoy ko ang pagkakahawak ko sa kanya

Napailing na napatango naman sya ng alanganin

“may regalo ako sayo”nakangiti kong sabi sa kanya “na for sure ikakatawa mo” dugtong ko

Unfinished Business (GonzAquis Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon