Unfinished Business 35

317 15 0
                                    

Joven POV

Ramdam na ramdam ko ang sakit ng tusok ng karayom sakin

Di ko akalain na aabot sa ganito ang galit nya sakin, nung una alam kong galit sya dahil sakin napunta si Cha at hindi sa kanya

Dahil lang sa isang opportunity na yun nag kagulo na, wala naman sa isip ko ang lintik na trabaho na yun sa ibang bansa, kung gusto nya dapat he’s fair enough.

“hoy” tawag sakin ng isang lalaki na sa tansya ko ay nagtatrabaho sa mental hospital base na rin sa narinig kong usapan nila kanina

Napaungol na lamang ako sa sakit nang sabunutan nya ako

“kami na ang bahala sayo, magiging masaya doon” sabi nya habang nakangisi

Wala na akong sapat na lakas pa para lumaban, ramdam ko na rin ang hapdi ng pagkakatali sakin

Ramdam ko din ang kakaibang pakiramdam na dulot siguro nung sinaksak nila sakin kanina

Ang init sa pakiramdam parang sinusunog ang laman ko at nakakahilo

Asan ka na ba Rachel

Napapikit na lang ako dahil umiikot na ang paligid ko

At sa pag pikit ko, di ko na namalayang nakatulog na ako

..
Tina Salak POV

Di ako makapaniwala sa mga nakita ko kanina

Pero imposibleng hindi sya yun..

Napahawak nalang ako sa baba ko at sumandal sa swivel chair ko...

Paanong nangyari yun? Tanong ko sa isipan ko

Naririnig ko pa ang mga bulungan ng mga kasamahan ko sa office.

Sigurado akong pati sila ay nagtataka

*Flashback*

Napakamot na lamang ako ng ulo nang may biglaang meeting na pinatawag ang aming head officer kaya naman kahit na may tinatapos pa akong article ay no choice kundi pumunta sa meeting na iyon

Pagpasok ko naupo agad ako at nag start na mag umpisa ang meeting kunno.

“good afternoon, everyone” bati samin ng isa sa mga head officer namin dito

“aware naman kayo na we’re looking for someone na maaring ipadala abroad to undergo a training and eventually have a work there.” Dugtong nya

Napatingin naman ako sa paligid ko nang may ilang bulungan akong naririnig

‘tss,’ nasabi ko nalang sa utak ko

“may mga ilan na kaming napili, at isa sa pinaka pabor kaming lahat na ipadala doon ay si Joven, diba all in all naman may napatunayan na sya” seryosong sabi nya

“kaya ngayon we decided na sya nalang ang ipadala doon” marami ang nag react sa sinabi nya

Nakita kong nag taas ng kamay si Chris kaya naman sinenyasan sya na magsalita
“sir, di naman sa kinokontra ko kayo, but sir till now nga wala pa rin sya, bakit naman ho ganun, sya pa ang napili nyo” sabi nito at mababakas mo talaga na may tono ng pag kontra sa kanyang boses

“tulad nga ng sinabi ko kanina, may napatunayan na, isa sya sa mga maituturing na pundasyon ng ating organisasyon at higit sa lahat maraming pabor sa kanya” natahimik naman si Chris sa naging sagot ni Sir

Natuon ang pansin namin sa presentation ni Sir nang mag umpisa na ito, ngunit makaraan lang ang ilang slides naiba na ito at isang video compilation ang nag play.

Unfinished Business (GonzAquis Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon