Unfinished Business 7

513 17 4
                                    

Joven POV

"arrrrrggghhh" napasabunot na lamang ako sa buhok ko sa sobrang inis

Ano bang gagawin ko sayong babae ka

"ano ba kailangan mo ha?" tanong ko sa kanya,at mababakas mo ang inis sa tono ng aking pagsasalita.

Naalala ko kasi yung mga palabas na pag ang isang kaluluwa ay di pa makatawid sa kabilang mundo maaaring may bagay pa syang di natatapos o kaya ay di nya pa tanggap na patay na sya

Kumbaga eh Unfinished Business

Lumapit ako sa kanya at naupo rin sa sofa na inuupuan rin nya ngunit may malaking distansya sa pagitan namin

"bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya

"nandito ako dahil alam kong matutulungan mo ako at saka nauna ako sayo dito," sagot nya sakin "at saka kahit anong gawin ko dito parin ang bagsak ko sa bwisit na bahay mo" dagdag pa nya

"sigurado ka? Kala mo naman tutulungan kita, may sarili akong problema bakit ko naman po-problemahin ang problema mo, sayo yan eh bahala ka dyan" sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

"napaka sungit mo rin ano" tanging naging sagot nya sakin "di ako aalis dito hanggat di mo ako natutulungan" pagmamatigas nya

"teka nga, anong nauna ka dito ha?" tanong ko sa kanya na naguguluhan

"basta nauna ako sayo dito, ang pagkakaalam ko nakatira ako dito dati, yun lang ang alam ko" sabi nya sakin

"kung nauna ka sakin dito, eh bakit ngayon lang kita nakita at naramdaman ang presensya mo ha?" muling naging tanong ko sa kanya

Kung matagal na sya sa bahay na ito, eh bakit ngayon ko lang sya nakita? Eh halos 2 taon na ako sa bahay na ito nangungupahan..

Ito ang napili kong upahan dahil malapit lapit sa office na pinapasukan ko

"sa totoo lang mr. yabang wala ako matandaan ha.. at saka nag taka nga rin ako sayo bigla mo nalang ako nakita eh.. maniniwala na nga ako dun sa pinsan mo na adik ka hahah" tingnan mo to, sya na nga may kailangan sakin sya pa malakas mang lait eh..

Tiningnan ko na lamang sya at kung nahahawakan ko lang to, sasabunutan ko talaga to eh, sarap kalbuhin wag nyang sabihing babae sya papatulan ko talaga to, pasalamat sya isa syang abnormal na ghost

"tulungan mo ko ha" sabi nya sabay kindat pa na dahilan kung bakit nabalik ang pag iisip ko mula sa pagpaplanong pag kalbo sa kanya nang marinig ko na naman ang mala ipis nyang boses na matinis.


Bigla naman akong kinilabutan sa ginawa nyang pagkindat.


"sabi ng nanay ko wag ako makikipag usap sa mga tao na di ko kilala, pano pa yan isa kang di malamang elemento hahah, malay ko ba baka mamaya kung saan mo ako dalhin o kaya may kasabwat ka o kaya isa ka sa mga kawatan." Sabi ko sa kanya na natatawa.

"HA-HA ako member ng kawatan? Sa ganda kong to?" sabi nya sakin sabay flip ng hair.

"hahahahah pinapatawa mo ba ako? Ikaw maganda?" tanong ko sa kanya at ginaya ang pag flip ng hair nya.


"OO" sagot nya sakin na tila naiinis


Oo aaminin ko maganda sya, matangos ang ilong, red lips, matangkad at sexy

Luh? Pinagnanasaan ko ba itong abnormal na ghost na ito

"hoy Ab-ghost" tawag ko sa kanya

"Ab-ghost ka dyan, may pangalan ako" naiinis na sigaw nya sakin

"oh? Ano nga pangalan mo" tanong ko sa kanya

Tila napaisip pa sya..

Hanggang sa nakakunot na ang noo nya

"ano saang bundok ka ba nanggaling at pati pangalan mo eh di mo alam" pagputol ko sa pag iisip nya

"teka lang kasi, nag iisip ako" sagot nya sakin

"ano bang tulong ang hinihingi mo ha?" tanong ko ulit sa kanya, dahil mukhang di nya alam pangalan nya.

Di kaya May chance na nabura ang memory nya ang gulo,

"gusto ko tulungan mo ako kung ano ba talaga nangyari sakin, gusto ko malaman kung bakit ako nag kaganito, di ko alam kung multo ba ako o kaluluwa lang na pagala gala, malay mo comatose lang ako o kaya -" di na nya natapos ang sasabihin nya dahil bigla syang natigil at tila nalungkot




Alam ko na takot syang malaman na isa na lamang syang ghost at pagala gala na nalamang

"sa tingin mo gaano ka na katagal na pagala gala?" tanong ko sa kanya

"ang huli kong natatandaan pupunta ako sa birthday ng isa kong kaibigan, pero di ko matandaan kung sino at kung kailan.." sabi nya


Mukhang mahihirapan ako nito ahhh

..

Follow me
+Queen_Hyacinth...

Unfinished Business (GonzAquis Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon