Unfinished Business 39

316 15 3
                                    


Den POV

Walang araw na hindi kami dumadalaw kay Kuya, napapansin rin namin na tila lumalala na rin ang kalagayan nya, kaya naman nababahala na kami...

Kapansin pansin na rin ang pangangayayat ni Kuya...

Naaawa na rin ako kila Tito at Tita dahil apektadong apektado sila sa nangyayari sa anak nila

"Tit---" rinig kong sabi ng kung sino man at pumasok sa loob ng silid ni Kuya

Nang makilala ko na kung sino ang taong pumasok binati ko naman sya

"Hi, Royse" tanging ngiti at tango naman ang iginanti nya

Binati din nya si Aly na nasatabi ko

"ahh, ayan ka na pala Royse, ano kayo muna dito ha, pupuntahan ko lang ang Tito nyo" pagpapaalam samin ni Tita at umalis na

Napansin kong may tiningnan si Royse sa braso ni Kuya

Kaya naman nilapitan ko sya

"napansin mo rin?" tanong ko sa kanya

Napatango naman sya

"ang dalas nilang saksakan ng gamot si Kuya pero walang improvement" napakamot naman sya sa batok nya at napabuga nalang ng hangin

Maya maya ay napansin ko si Aly na tumayo at nilock ang pinto

"may sinabi sakin si Tito" mahinang sabi nya samin

Nagkatinginan naman kami bago sya tumuloy

"may hinala sila na may mali sa nangyayari"

Napakunot naman ang aking noo

"mali?" tanging nasabi ko nalang

Tumango naman si Aly at nagpatuloy sa pagsasalita

"diba dapat ang may concent sa lahat ng nangyayari ay sila Tito, bakit sa iba pa nila nalaman na ganito ang kalagayan nya, at ang alam nila pupunta si Kuya ng Germany at ngayon nag conduct na sila ng investigation, basta ang gulo may mga missing parts." Halatang pati si Aly ay naguguluhan sa sinasabi nya
"injection" biglang sabi ni Royse kaya napatingin naman kami sa kanya

"huh?" tanong ni Aly

"ang dalas ng pag i-inject sa kanya ng kung ano ano, tas parang after a minute iba ang epekto kay kuya" seryoso nyang sabi

"yan, yan naalala mo pa ba nung unang beses nating dalaw kay Kuya, nung nakita nya yung nurse, parang nabalisa si Kuya... di kaya may something sa gamot?" halos pabulong na turan ni Aly

Kaya napatango naman ako

"kasi kung iisipin nyo talaga parang may something eh" dugtong ni Aly

"may nakasalubong akong nurse nung nakaraan, galing sa room na to... iba ang kilos nya... tas meron pang isa na tinanong ko, para syang kinakabahan na ewan" - Royse

"di kaya may kinalaman yung gamot?" tanging nasabi ko nalang

"ayyy! May napulot akong syringe na nahulog nung isang nurse baka magamit natin yun, kaparehas iyon ng mga isinasaksak kay Kuya"

"nasan na?" tanong ko sa kanya

"nasa bahay namin, teka uuwi ako saglit, kayo muna bahala kay Kuya" nag paalam sya na uuwi muna para kunin yung syringe

Royse POV

"teka asan na ba iyon?" naka ilang drawer na ako pero di ko parin makita

"dito lang yun eh" nasabi ko nalang at napakamot nalang ng ulo

Unfinished Business (GonzAquis Fanfic.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon