5th Page

79 5 3
                                    

C h a p t e r  5 --- Going back to the first stage?

         "Lalalalala~" kanina pa ako nakaupo dito sa batuhan, wala kasi akong magawa sa bahay, si Leo naman hindi ko makita kung saan nagpunta yung kulogo na yun, napakalakwatsero talaga, hindi na nagbago. 

         Naalala ko pa dati nung bata kami, tuwing papayagan kami maglaro sa labas until 5PM, siya ang laging hindi sumusunod. Paano kasi, kung saan saan nagpupupunta. Masyadong gala yung paa e. 

         "Uhugin!" napatingin naman ako sa gilid ko ng umupo si Leo, binatukan ko nga siya. Sinabi nang wag niya akong tawagin na uhugin kasi matanda na ako at hindi na kami bata at isa pa.. baka may makarinig pa sakanya.

         "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya, ako naman sinabi ko na bored ako sa bahay at kanina ko pa siya hinahanap pero wala siya. Siya naman sabi nakipagkita daw siya sa mga old friends namin.. hayy gusto ko rin sila ulit makasama. 

       "LEO! Andito ka lang pala!" may isang grupo ng magkakaibigan ang nakita kong tumawag kay Leo, 5 sila, kasama dun si Jonathan. 

        "Woah. Sino siya? Napakachickboy mo talaga Leo! Nakabingwit ka pa ng napakagandang bulak---este isda!" bulaklak? ugh. i really miss them. 

         "Ano ka ba Cyrus? Mukhang hindi naman yan taga dito eh." Si Cyrus pala yun, hindi ko siya nakilala. Ang payat na niya! Samantalang dati siya yung pinakamataba sa amin. Hahaha! At yung nagsalita naman ay si Hannah, alam kong siya yun kasi hindi ko makakalimutan yung nunal nya sa tabi ng mata.

         "Ah, bakasyonista lang siya. Siya si Akina Mayizaki." pagpapakilala saakin ni Leo. Bigla naman silang umupo sa tabi ko.

         "Woah! Japanese ka? Wow! Ang galing!" Tumango naman ako. Akina, act like you dont know them.

          "Ako nga pala si Hannah." 

          "Ako naman si Cyrus at siya naman si Bogart." Wow? Ang tangkad na ni Bogart! Woaah.

          "At ako naman si Jerol." Si Jerol, yung dating clumsy.. hangang ngayon parin kaya? Hahaha!

          "O pre?  Hindi ka ba magpapakilala?" sabi ni Jerol kay Jonathan habang sinisiko ito.

          "Ah. Hindi na, kilala ko na siya. Nasabi lang sa akin ni Leo." pagpapaliwanag ko sila naman nag 'ahh' nalang.

          "Tara? Gusto mo ipasyal ka naman dito Akina?" sabi nila. Tumango naman kami, habang naglalakad na kami, sila Jonathan, Leo, Bogart, Cyrus at Jerol ang nauuna. Nag-aasaran pa sila. Kami naman ni Hannah nahuhuli, naka hawak pa nga siya sa kamay ko eh.

          "Alam mo Akina, familiar ka sa akin." napalunok naman ako dun. 

          "T-talaga? Pano nangyari yun, e n-ngayon palang ako nakadayo dito?" tanong ko naman ng hindi nakatingin sakanya. 

          "Kung sabagay, pero kasi nakikita ko lang yung old friend ko sayo. I mean namin." napatingin naman ako sakanya, mukhang may lungkot sa mukha niya.

          "Bakit? Pano mo nasabi?" tanong ko sakanya, siya naman biglang ngumiti ng pilit.

         "Wala yun! Basta, wag mo nalang ako intindihin. Hahaha! Mageenjoy tayo dito!" sabi naman niya bigla, napangiti naman ako. 

          "GUYS! Tara mag bangka tayo?" Parang lumiwanag ang mukha ko, gusto ko ulit yung matry. Sumang-ayon naman kaming lahat, kaya kinuha nila yung isang bangka dun. 

          "Syempre, paunahin muna natin sumakay ang isang magandang dilag." natawa naman ako dun, tapos umupo na ako sa bangka sa bandang dulo, napatingin naman ako kay Jonathan, pokerface lang siya.

21 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon