14th page

54 1 0
                                    

C h a p t e r 14 -- 

 "Jonathan, wag na kasi." napailing nalang ako sa plano nya, napakatigas talaga ng ulo.

"Yurika, wag kang mawalan ng pag-asa." Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil may taong hindi parin bumibitiw sa kondisyon ko. Hindi ko rin alam kung maiinis ako, dahil sa ginagawa naming 'to parang pinapaasa niya lang ako. 

"Sige, ikaw bahala." yun nalang ang nasabi ko, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tuluyan na kaming pumasok sa ospital. Hinanap niya ang doktor ko.

"Excuse me miss, nasaan si Dr. Olivo?" tanong nya sa isang nurse.

"Nasa pedia room po." sagot nito, tumango nalang siya at naglakad na kami papunta duon. 

"Dito ka lang, ako nalang kakausap sakanya." sabi niya ng makarating kami sa tapat ng pedia room, tumango lang ako. 

Naupo lang ako sa labas malapit sa pinto at naghintay. Pero hindi ako mapakali dito, lumapit ako sa pinto at nilagyan ito ng onting uwang at itinapat ko ang tenga ko.

"Doc please, wala na ba talagang paraan?" -Jonathan.

"Iho, wala na talaga. Sa kalagayan niyang iyon, ang dapat nalang nating gawin ay maghintay." -Doc. Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko ata kaya ang mga susunod na maririnig ko. 

"Maghintay?! Ng alin?! Ng araw na yon?! Yung ba ang gusto mong gawin ko ha? Hintayin nalang ang araw na yon?!" -Jonathan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Jonathan naman eh.. tama na. 

"Siguro ganun na nga." pagkatapos sabihin yan ng doctor nasuntok ni Jonathan ang lamesa dun.

"Doctor ba talaga kayo?! HA?! Walang kang kwentang doctor alam mo yun? Wala lang kwenta!" sumilip ako ng kaunti at nakita kong onti onti nang dumadaloy ang luha niya sa kanyang mga mukha.

Hindi ko narin napigilan mapaluha. 

Ayokong nakikita siyang ganyan. Dapat pala hindi ko na tinuloy ang pagpunta dun sa probinsya, para tuluyan nalang niya akong makalimutan. Para hindi siya nagkakaganito ngayon.

"Doc please.." Jonathan, wag kang luluhod please. Wag. 

"Doc... lahat gagawin ko. Please lang doc, magkano bang pera ang kailangan sa kondisyon nya? Doc, pakihabaan pa ang lifespan niya. Doc please.." Tuluyan na siyang lumuhod. Jonathan, TAMA NA PLEASE? Ayokong ganyan ka, mas lalo akong nahihirapan na iwanan kayo. 

"Kung ako sayo iho, lubusin mo nalang ang mga natitirang araw niya. Yun nalang siguro ang magagawa mo para sakanya. Meron ka pang 1 week." Nakita kong tinap ng doctor ang ulo ni Jonathan. Agad akong umpo sa upuan bago pa man makalabas si Jonathan.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko at saktong paglabas ni Jonathan ay hinawakan niya ang kamay ko. 

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya.

"Kahit saan, yung tayong dalawa lang." Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Ngumiti lang ako at tumango. 

*

"Sakay na dali." Nag-aalangan pa akong sumakay sa bike, andito kasi kami sa isang lugar na napakatahimik at parang kami ngalang talagang dalawa ang nandito. Para siyang paradise. Sabi niya magbibike daw kaming dalawa, pero baka daw mapagod ako kaya umangkas nalang daw ako.

At ayun na nga, sumakay na nga ako. Pinaandar na nya ito at kung saan saan kami dumaan. Kumapit ako sa bewang niya at inihiga ang ulo ko. Ang sarap ng ganitong feeling, na kasama ko siya. Sana ganito nalang lagi, sana habang buhay ganito nalang.

"Jonathan?" 

"Hmm?" 

"Pwede mo bang sabihin ng paulit ulit ang pangalan ko?" Gusto ko kasi hindi darating yung panahon na makakalimutan ko ako, pero gusto ko rin na magsawa ka na sa pangalan ko bago pa matapos 'to. Para hindi na masakit.

"Yurika... Yurirka... Miyazaki.."

*

"Tignan mo yun,  jonathan!" Sigaw ko kay jonathan sabay hila sa damit niya habang nakaupo kami dito sa isang mataas na bundok na tanaw ang syudad.

"Alam mo ba? Sa contrata lang kasal ang mommy at daddy ko? At ayaw ko mangyari sa akin yun. Pero hindi naman talaga mangyayari sa akin yun, di naman na ako aabot eh. *chuckles* Pero alam mo, dyan. Dyan sa simabahan na yan gusto ko ako ikasal. Kahit hindi na bongga at engrandeng kasal basta kasama ko sa altar yung taong mahal ko." Dinantay ko ang ulo ko sa balikat ni Jonathan.

"Tapos gusto ko rin, magkakaroon ako ng anak. Yung kambal! Girl and boy, para fair lang sila. Tapos aalagaan ko sila ng mabuti. Gusto ko kasi maranasan yung may tatawag sa aking mommy." Mangyayari pa kaya yun? Siguro hindi na. Sobrang impossible.

"Tapos yung magiging asawa ko paglulutuan ko ng pagkain tuwing umaga, tapos aayusin ko ang necktie niya bago siya pumasok at babaunan ko siya ng masarap na pagkain." Hindi ko alam, pero hindi na ako nasasaktan sa mga sinasabi ko. Siguro dahil okay na talaga ang lahat para sa akin.

"Posible naman mangyari yang mga yan eh." Hindi ko siya magets, pero natuon nalang ang atensyon ko sa bangkang papel na umaagos dito sa mababaw at maliit na ilong sa harap namin.

"Jonathan, kung parehas tayo nasa bangkang yan, at kailangan ko nang bumaba sa dagat. Anong gagawin mo?" 

"Syempre, susundan kita." 

"Papano kung hindi pwede?" 

"Hihintayin ko nalang yung araw na kailangan ko narin bumaba, para muli tayong magkasama.." 

-

21 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon