15th Page

50 3 2
                                    

C h a p t e r  15 ---

"Mommy, para saan naman po ito?" Kanina pa kasi nila ako inaayusan, hindi ko alam kung bakit. Basta pinagsuot nila ako ng dress, formal dress lang na color pink na beige then mine-makeupan nila ako. 

"Basta, may importante lang tayong pupuntahan." Nakangiting sabi ni Mommy, pero kahit papaano masaya ako na inaayusan niya ako. Ngayon lang kasi siya naging ganito sa akin e. Ngayon ko lang naramdaman ang presensya niya na pagiging mommy slash bestfriend.

*

"Ayan! Ang ganda ganda mo na!" tuwang tuwa si Mommy ng matapos niya akong ayusan, itinapat niya ako sa salamin. Seryoso? Ako ba 'to? Ang galing galing naman ni mommy mag ayos, para akong ikakasal. 

"Salamat mommy." sabi ko sakanya at hinalikan siya sa pisngi. Minsan lang naman ako maging sweet kay mommy, pagbigyan niyo na ako. Ngumiti lang siya sa akin at lumabas na kami sa kwarto ko.

Natanaw ko si Daddy sa baba ng hagdan, naglakad kami ni Mommy pababa ng hagdan. Para akong nasa isang simbahan, tapos ihahatid ako ni Mommy at Daddy sa altar. Ang saya naman isipin nun. 

"Come on?" ngumiti lang ako kay daddy, kahit wala akong idea kung saan kami pupunta. 

*

"Mommy, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko, medyo naiinip narin kasi ako. Pero ngumiti lang sa akin si Mommy. Nacurious tuloy ako lalo. 

Pero nagulat ako ng nadaanan namin yung pinuntahan namin ni Jonathan kahapon, at mas ikinagulat ko ng bumaba kami sa tapat ng simbahan. Simbahan kung saan gusto ko ako ikasal.  

Ngumiti lang sa akin si Mommy at Daddy, agad akong lumabas sa kotse at naglakad papasok sa loob ng simbahan. Nagulat ako ng may maglagay sa ulo ko ng belo. Napatingin ako kung sino, si Cyrus at Bogart. Ano ba talagang meron? 

Habang naglalakad ako sa mahabang red carpet na 'to, may mga naghahagis sa akin ng rose petals. Napatingin ako kung sino, si Jerol at Hannah at Leo.

Naglakad parin ako ng naglakad, nang may matanaw ako sa di kalayuan..

Si jonathan..

Napangiti ako, tuloy tuloy parin ang paglakad ko papalapit sakanya. Para akong nasa isang movie at para talaga akong totoong ikakasal. 

 "Ano 'to?" tanong ko kay Jonathan ng nasa harapan ko na siya. Naguguluhan kasi ako, wala namang mga tao.. wala rin pari... wala rin design 'tong simbahan. Kaya hindi pwedeng maging kasal ko 'to.

"Diba sabi mo, gusto mo ikasal dito?" tumango lang naman ako at ngumiti lang siya. Kumapit ako sa balikat niya at nagumpisa na kami umakyat sa altar. 

"Naguguluhan ka naba?" tanong niya sa akin ng magkaharap na kami. Tumango ako.

"Sabi mo kasi, gusto mo ikasal dito. Gusto ko, maramdaman mo kung pano ikasal at dito yun. Kaso.. palpak. Wala kasi yung pari dito ngayon eh." napakamot siya ng ulo, napangiti lang ako.

Okay lang, basta ikaw ang kasama ko ngayon. :)

"Pero ayos lang yun kahit wala, basta kasama ko naman ang taong mahal ko ngayon. At ang gusto ko lang ay magsumpaan kami sa harap ng altar." sabi niya, kinuha nya yung flower crown at isinuot sa ulo ko.

Natawa naman ako kasi napakamot nanaman siya sa ulo niya.

"Ikaw nga talaga ang pinakamagandang bulaklak." Ngumiti siya.

"At dahil biglaan 'to, eto nalang ang singsing mo." natawa ako kasi sinuotan niya ako ng singsing na gawa sa bulaklak. Simple pero natuwa ako.

"Una palang kitang nakita, ikaw na agad ang nakapagpatibok sa puso ko. At alam ko ikaw na ang nakalaan para sa akin."

21 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon