16th Page

42 4 0
                                    

C h a p t e r 16 -- 

"Jonathan, saan mo ba ako dadalhin?" 

Nakapiring kasi ako ngayon, sabi niya magugustuhan ko daw kung saan kami pupunta. Well, he never fails to make me happy. 

Nandito na nga pala ulit kami sa probinsya nila Manang Gina, sabi ko kasi kila mommy at daddy gusto ko ulit bumalik dito.

"Basta, malapit na tayo." 

Hindi nalang ako sumagot at hinayaan nalang siya kung saan niya ako dadalhin, nararamdaman ko ang malakas na hangin habang naglalakad kami. Ang presko sa pakiramdam.

"Andito na tayo." 

Nang sinabi niya yun tinanggal ko na ang piring ko, nagulat ako ng nakita ko sila Hannah, Bogart, Cyrus, Leo, at Jerol. Nandito pala kami sa bukid na pinuntahan namin dati. Yung madaming bulaklak. 

"Yurika." sabi nila. Tumingin naman sila sa akin.

"Sabi ko na nga ba, ikaw si Yurika e!" sabi ni Hannah tapos tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako.

"Oo nga, umpisa palang nararamdaman na namin yun." sabi naman ni Cyrus. 

"Ang daya mo, bakit di mo manlang sinabi yan sa amin?" sabi ni Hannah. Napatingin naman ako kay Leo. 

"Teka, alam na ba 'to ni Leo?" nakapamewang na tanong ni Hannah.

Tumango ako.

"UNFAIR!!" sabi nila. Natawa naman ako. 

"Pero ayos lang yun, basta ngayon magkakasama na ulit tayo. Forever and ever friends right?" sabi ni Hannah.

"OO NGA!" sabi naman ni Bogart at Jerol. Napatingin naman ako kay Jonathan.

"Bakit, ano meron?" sabi ni Leo. 

"May sasabihin siya." sabi ni Jonathan.

"A-ano yun?" nakikita ko ang kaba sa boses nila. 

"Sorry." yan ang una kong sinabi.

"Sorry? Kung para yan sa nangyari dati okay na yun." sabi ni Hannah.

"Hindi dun." sabi ko naman sakanila, napatingin naman ako kay Jonathan at tumango siya.

"May sakit kasi ako." Napayuko nalang ako.

"Sakit? Ha ha ha. Ano ka ba, sipon at ubo lang yan diba? Ha ha." Umiling iling ako. 

"Hindi. I already have a short life span." halata naman sa itsura nila ang pagkagulat.  

"B-bakit? P-paano?" nauutal nilang tanong.

"Kahit ako, hindi ko rin alam eh kung bakit ako pa." ngumiti nalang ako ng pilit, pagod na ako umiyak. Ayoko na rin magdrama. Nanditona 'to eh. 

"Bakit ngayon mo lang sa amin 'to sinabi? Ang daya daya mo talaga!" nakita kong umiiyak na si Hannah.

"Hannah, wag ka nang umiyak. Sorry talaga." tumingin naman siya sa akin.

"Bakit naman hindi ako iiyak? Nakakainis ka naman yurika!" sabi nya at patuloy parin sa pagmumukmok.

"Minsan kasi kahit mahirap, kailangan natin tanggapin. Eto ang naka destined sa akin, wag nalang tayo kumontra. Hindi naman 'to mangyayari kung walang dahilan, everything has a reason. One day, you'll find out what is the reason behind this." 

*

"Una mo palang sinabi ang pangalan mo, na-feel ko na na ikaw talaga si Yurika e." sabi ni Hannah sa akin. Nandito kami ngayon sa batuhan, ulit. 

"Oo nga, lukso ng dugo!" natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Jerol. 

"Saka tanda mo pa nung sinabi ko sayo na parang familiar ka? Yun, yung araw na yun nafeel ko na talaga! Kaso, syempre ayoko naman mag assume na ikaw talaga yun. Kahit galit ako sayo, pero atleast ngayon alam ko na ang reason."

Inexplain ko kasi sakanya kung bakit ako umalis, nagkadramahan nga nanaman ulit kami dito kanina e. Buti nalang anjan ang boys para awatin kami. Haha. 

"Naalala mo pa ba yurika nandito tayo nun lagi at nagtatanungan tungkol sayo? Tapos impress na impress kami kasi taga Japan ka?" Tumango naman ako.

"Tapos tinanong niyo pa yung ibigsabihin ng name ko." sabi ko.

"Tapos sabi mo lagi kang binubully dati kahit ang bait bait mo naman." -Jerol.

"Tapos tinawag ka naming pinakamagandang bulaklak." -Cyrus.

"At lagi tayo namamasyal dito sa ilong."-Bogart.

"At simula nun naging friends na tayo." sabi ko.

"At simula nun, nung nagustuhan kita." -Jonathan.

"YIEEE!" sabay sabay nilang sabi. Ngumiti nalang ako. Para kasing gusto ko nang umuwi, napapagod na ako. 

"At nagpromise ka sa amin ng walang iwanan. Diba?" sabi ni Leo. Napayuko naman ako.

"PEKSMAN DIBA?" sabi ni Hannah.

"Hannah naman.." pilit parin kasi nilang iniiwasan ang sakit ko.

"Sabihin mo nalang please?" medyo malungkot na pagsabi niya.

"PEKSMAN!" sabay sabay naming sabi.

Habang lumalalim na ang araw, nandito parin kami naglalakad lakad gusto namin manuod ng sunset. 

"J-jonathan.. ang sakit--sakit ng dibdib ko.."

*

"Yurika! Yurika naman e!" 

"Wag muna ngayon please?"

"YURIKA!!!"

"Anak.." 

"Hindi pa naman ngayon diba? Gumising ka.."

"Yurika.. ako 'to si Jonathan."

"Yurika naman.."

Bakit ganun? Bakit ganyan ang mga naririnig kong salita? Gusto kong idilat ang mga mata ko, pero hindi ko magawa. Bakit ganito? Bakit parang hindi ko maigalaw ang katawan ko? Kahit ang mga daliri ko hindi ko maigalaw? Ahhh! Ano bang nangyayari?

"Peksman ha? Hindi mo kami iiwan?" 

Peksman... 

-

21 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon