12th Page

67 4 1
                                    

C h a p t e r 12 -- 

          Halos dalawang araw na ako dito sa Ospital sa Maynila. Dito nalang daw ako para daw mas safe talaga, sa probinsya kasi malayo ang Ospital. Ang last ko nalang kasing naaalala ay bigla nalang ako nahirapan huminga at sumikip ang dibdib ko nung gabing dumating si Mommy at Daddy kila Manang Gina. 

          Sa buong dalawang araw ko, isang napakaboring na araw yun. Sila manang gina kasi at kuya nestor nanduon sa probinsya at kahapon daw sila dumalaw pero tulog ako. Sila mommy at daddy naman, may inaasikaso. Sila Jonathan naman, nasa probinsya syempre hindi sila pwedeng lumuwas nalang dito ng sila lang.

          Kaya e'to, wala nanaman akong kasama dito sa loob ng kwarto ko, nakaprivate room kasi ako eh. Pero dito sa room ng ospital na 'to ay may transparent salamin so nakikita ko yung pasyente sa kabilang room.

          Napatingin ako dun ng may pumasok na nurse at alaalaay ang isang babaeng siguro kaedad ko lang at mukha itong nanghihina. Inalalayan siyang humiga at umalis na yung nurse. Nakita ko siyang pumikit, at ramdam ko yung paghihirap niya. 

          Tumayo ako ng dahan dahan at lumabas ng room ko saka pumasok saka room niya, malakas pa naman ako e.. physically. 

          "Hi." nakangiti kong sabi, medyo nagulat pa siya pero gumanti rin siya ng ngiti. 

          "Pwede ba kitang malapitan?" medyo nag-isip pa siya pero tumango rin siya kaya lumapit ako sakanya.

          "B-bakit ka andito?" tanong niya.

          "Nakita ko kasing lagi kang mag-isa dito at walang makausap, kaya ako nandito para malibang ka naman. Ano nga pala ang sakit mo? No offense ha. Parehas lang naman tayo e." napangiti siya.

         "Meron akong leukemia, kita mo oh. Ang payat payat ko na. Pero kahit papaano pinipilit kong maging malakas." sagot nya.

          "Ah, sorry." sabi ko.

          "Salamat ha?" ginantihan ko siya ng expression ng nagtataka kung para saan ang salamat na yon.

          "Ngayon lang kasi may kumausap sa akin simula nung nagkasakit ako, alam mo? Ang dami kong kaibigan dati.. pero ng nalaman nila ang sakit ko. Naglaho sila ng parang bula. Kahit nga mga parents ko, hindi ako binibisita dito. Lagi nalang daw ako pabigat sa pamilya namin." nakita ko siyang lumuluha, medyo apektado rin ako kasi hindi ko maiwasan maawa sakanya.

          "Hayaan mo, nandito naman ako diba? Nandyan lang ako sa kabilang room o! Bibisitahin kita araw araw. Promise." nakangiti kong sabi sakanya. Ngumiti rin siya, at may kinuha siya sa side table niya na star na gawa sa papel.

          "Eto ang lagi kong ginagawa pag bored ako dito, gumagawa ako ng stars." Kumuha siya ng ilang strips ng papel at binigyan ako.

          "Tuturuan kita, gusto mo?" nakangiti akong tumango.

          Tinuran niya ako medyo mahirap pero sa huli na perfect ko rin.

          "Wow. Marunong na ako--ano nga pala pangalan mo? haha" Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya.

          "Ako si Eunice Sy, ikaw?" sabi niya. 

          "Akin--Uhm. Yurika Miyazaki nga pala." Napangiti ako dahil kahit papano, pwede ko nang masabi ang dati kong pangalan.

          "Wow. Ang ganda naman ng pangalan mo, parang ikaw yurika." Napangiti ako.

          "Ano kaba? Ikaw rin kaya!" medyo nalungkot siya.

          "Hindi ah. Kita mo ba 'tong itsura ko? Ang payat payat ko na. Tingin mo ba maganda parin ako?" 

          "Kita sayo na maganda ka talaga dati, pero ngayon? maganda ka parin Eunice. Ano naman kung pumayat ka? Saka hindi lang naman sa labas nakikita ang kagandahan, sa kalooban din." Napangiti siya sa akin. 

          "Uhm.. Yurika. Gusto ko na magpahinga." Nagulumihanan ako sa sinabi niya, pero iba naman siguro ang gusto niyang ipahiwatig diba?

          "Hmm. Sige, magpahinga ka na. Bibisitahin nalang kita mamaya." sabi ko sakanya, tumango lang siya at lumabas na ako saka bumalik sa room ko.

          Pagbalik ko, nakita ko siyang nakapikit na. Ako naman, gumawa lang ulit ng mga stars na gawa sa papel.

          *

          Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, pagkagising ko 7:30PM na pala. Napatingin ako sa room ni Eunice. Pero nagulat ako ng malinis na ito..

          Agad akong lumabas hawak hawak ang dextrose ko at agad akong lumapit sa nurse.

          "Miss, asan na po yung Leukemia patient sa room 203?" tanong ko.

          "Sorry to say ma'am, pero wala na po siya. 1 hour ago lang po." Nanghina ako sa narinig ko.

          Nag jelly ace ang mag tuhod ko at bigla nalang ako nanghina. Pero naramdaman ko na may sumalo sa akin. Nakita ko si Jonathan, kasama sila Hannah.

          Agad nila akong dinala sa room ko.

          "Anong nangyari, akina?" tanong nila sa akin.

          At kwinento ko nga yung tungkol kay Eunice, kinikilabutan ako habang kwinekwento ko yun. Sinabi ko pa nga kanina sa kanya na bibisitahin ko pa siya diba? Pero iba na nga ata talaga ang meaning ng 'gusto ko na magpahinga' nya. 

          Napatingin ako sa kabilang room, room ni Eunice. Nakita kong umiiyak ang parents niya kundi ako nagkakamali. Naluha ako sa nakita ko. 

          Sayang Eunice, sumuko ka kasi agad e. Sayang, kung kelan naman nanjan na ang parents mo. 

         "Hayaan mo, siguro masaya na siya ngayon kung nasaan man siya." sabi ni Leo, napaisip ako. Oo nga, siguro masaya na siya ngayon at wala na ang mga paghihirap niya.

          "Oo nga pala, nagdala kami ng mga prutas." sabi ni Jonathan.

          "Sabi rin pala ng mommy mo, mamaya daw sila dadalaw." dagdag niya.

          "Oo nga pala, parang familiar yung mommy mo Akina." sabi nila sa akin, napatingin ako kay Jonathan.

          "Ah, baka may kamukha lang. Hehe." sabi ko, napaisip naman sila at sinabing 'siguro nga' 

          Napatingin naman ako sa room ni Eunice, at nagulat ako ng nakita ko siyang kumakaway sa akin. Napangiti ako. And i mouthed 'bye bye' at bigla nalang siyang naglaho.

          Napaisip ako.. ako kaya? Kelan kaya? 

          Pero hindi pa ako handa.. Ayoko pa. 

-

21 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon