17th Page

76 3 1
                                    

Last 3 chapters.

**

C h a p t e r 17 --

 "Anong nangyari?" Nagising nalang ako ng nasa paligid ko nanaman silang lahat. 

"Nag collapse ka nanaman kasi." 

Napabuntong hininga nalang ako. Lagi nalang ganito, mapagod lang ako magcocollapse agad ako. Onting kibot lang, isusugod nanaman ako sa ospital. Ayoko na dito, sobrang ayoko na. Palagi nalang. Napapagod narin kasi ako, physically and emotionally. 

Bakit kasi ako pa? Bakit ako pa yung magkakaroon ng hindi mawaring sakit na 'to? Bakit ako pa ang nag ka-taning sa buhay? Marami namang iba jan? Bakit ganun? May taning na nga buhay ko, may sakit pa ako. Sht, anong klaseng buhay 'to? Bakit sa lahat lahat ako pa?

Mabait naman ako ha? Wlaa naman akong ginawang kasalanan, hindi naman ako pasaway. Pero bakit kailangan ako pa? Ang dami daming tao dyan na ginagawang misirable ang buhay nila, pwede naman sila nalang diba? Bakit ako pa? Ako pa na gustong gusto mabuhay. 

Ang unfair naman ata nun?

"Labas muna kami." sabi nila Leo. Sila mommy at daddy nalang natira dito. Nilapitan ako nila mommy at daddy. 

"Anak, kamusta na ang pakiramdam mo?" napatingin ako kay mommy at daddy. Pinilit kong umupo sa kama.

"Mommy.. ang unfair po. Sobrang unfair po." sunod sunod na ang luha na pumatak sa mga mata ko.

"Bakit bakit po ganun? Bakit po ako pa? Mommy, hindi naman po ako pasaway nung bata ako diba? Lagi ko po kayong sinusunod. Pero mommy ang unfair unfair po talaga. Bakit po ako pa.." niyakap ako ni mommy.

"Mommy, ayoko po kayo iwan. Gusto ko dito lang ako, gusto ko makasama kayo ng matagal. Mommy, hindi ko po kayang iwan kayo. Mommy..." mas lalong hinigpitan ni mommy ang pagkakayakap sa akin.

"Kaya natin 'to anak, hindi mo kami iiwan. Diba?" 

Hindi ko kayang mangako, nararamdaman ko na kasi. Malapit na... sobrang lapit na. 

**

"Kumain na kayo, at pagabi narin." sabi ng mommy ni Yurika. Lumabas narin kasi sila sa ospital dahil ayaw na ni Yurika na mag stay pa duon. Agad namang tumayo si yurika aalalayan sana siya ni Jonathan at ni Hannah pero sinagi niya ang kamay neto. Nagulat silang lahat sa ginawa ni Yurika.

Habang kumakain sila, pinagsisilbihan nila si Yurika pero hindi ito tinatanggap ni Yurika.

"Eto, masarap din 'to." sabi ni Jonathan at akmang sasandukan na niya si Yurika pero sinagi niya ito. Nagulat silang lahat sa inaakto ni Yurika simula lumabas sila ng ospital. 

"Kaya ko ang sarili ko." Tumahimik sila sa mga katagang sinabi ni Yurika. Hindi nalang nila iyon pinansin at tumuloy nalang sa pagkain. After nila kumain, umupo si Yurika sa sofa at nagbasa muna ng mga books na nasa mini table nila.

'happy endings doesng't exists.' 

Napasinghap si Yurika sa nabasa niya, at naisip niya na totoo ngang wala talagang happy endings dahil sa kalagayan niya ngayon. 

Sa kabilang banda, naguusap usap sila Jonathan tungkol sa inaakto ni Yurika. Pati sila naguguluhan, hindi nila alam kung ano ang dahilan dahil bago sila lumabas sa ospital okay  naman silang lahat. Patu magulang ni Yurika nag tataka.

Napatingin nalang sila kay Yurika ng bigla itong lumabas ng bahay.

Naglakad si Yurika papunta sa garden nila, tulala at wala sa katinuan niyang kinuha ang pandilig. Inilabas niya ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Naisip niya na, siguro mas tamang layuan nalang niya silang lahat. Para hindi masakit kung sakali mang mawala siya sa mundo. Ayaw niya kasing may mga taong masasaktan dahil sakanya.

21 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon