Sky's POV
"Guys announcement! May meeting yung teachers natin kaya free time tayo" pag-announce ng isa sa mga kaklase namin na kakapasok lang. Agad naghiyawan ang buong klase sa tuwa.
Nagsilabasan naman ang mga students. I shrugged at lumabas na rin ako at pumunta muna sa locker room. I need my guitar. Walang masyadong tao sa hallway nang binuksan ko yung locker ko.
Napangiti ako kasi may nakita akong maraming chocolate at bulaklak. Wala naman talaga akong gagawin diyan sa mga bulaklak na yan. Yung pagkain lang talaga iniintindi ko.
Surprisingly enough, I have tons of admirers from my school kahit boyish ako at walang hilig sa mga ganitong bagay. I don't entertain them pero tinatanggap ko pa rin ang mga regalo nila gaya nito.
I mean, it's practically free food? Bakit ako tatanggi sa grasya?
I grabbed one of the chocolate bars na nakalagay sa locker ko at sinimulang kainin. Perks of having admirers. May note pa siya actually along with some other gifts na ganon din
I love you Sky❤
Napairap ako sa nakasulat. Love is such a deep word to use.
Kinuha ko na lang yon at ang gitara ko. I started walking towards the Forbidden Forest pero napapalingon ako dahil pakiramdam ko ay may matang nakamasid sa akin.
I looked around ngunit wala naman.
I just ignored it at napatingin sa Forbidden Forest. Talagang madilim dito, tahimik at nakakatakot. But I didn't mind at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok. I feel like someone is following me. O guni-guni ko lang yon?
The Forbidden Forest looks like it popped out straight from a dark fairytale. Gigantic trees, stray shrubs and flowers filled with thorns, even the gloomy atmosphere can make anyone quiver in fear.
But somehow, I found beauty in this dark fairytale. Mas lalo lang akong na-eenganyo na hindi lahat nakikita ang kagandahan nito dahil napapangunahan ng takot.
Dahil sa curiosity ko noon ay mahilig akong mag-explore at habang naglalakad ako sa Forbidden Forest ay nakita ko ang lugar na ito kung saan malayong-malayo sa totoong itsura ng Forbidden Forest.
In the heart of this dark fairytale, I found paradise.
Dito mabulaklak, maaliwalas, at may fountain pa nga, it's somewhat like a hidden garden inside the Forbidden Forest. I call this my paradise. Kasi dito ako nakakapagtugtog ng guitar ng walang istorbo, dito ako nakakapag-isip, nakakapagrelax, at higit sa lahat. Ako lang ang may alam dito. Nasa pinakadulo kasi ito ng Forbidden Forest at nasa likod pa ng mataas na shrub.
Napangiti ako at huminga nang malalim. Umupo ako sa gilid ng fountain at hinawakan ang guitar. I started strumming it and I found myself playing a song. Nadadala ako sa pagtugtog ko and next thing I know, I was already singing the lyrics softly
Pakiramdam ko ay may mga matang nakamatyag sa akin pero hindi ko mawari kung guni-guni ko lang ba yon.
Patuloy lang ako sa pag-strum ng gitara ko. This guitar is very important to me. This holds a lot of memories.
Binigay saakin ito ng daddy ko. I used to play my guitar in front of my family habang kumakanta kami. We were always jamming. I was happy that time. Was. Past tense.
Ngayon? Wag na nating pag-usapan pa, di ko rin alam kung anong nangyari sa dating masaya naming pamilya. Nagkandaletse-letse na.
Napailing na lang ako. Drama. I have low fucking tolerance for that.
BINABASA MO ANG
I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]
Teen Fiction[HR: #1 in Boyish ✨] "Even the demon was once an angel" -Sky A/N: Sorry for the mistakes ahead. This was written ages ago out of boredom.