(A/N: Vote and comment! It's highly appreciated)
Veronica's POV
"Like girl you're so talino talaga! Buti naman at break na sila nung bitch na Sky na yon" tawa ni Gwen na hindi ko naman pinansin.
"Totally. Tayo kasi yung binabangga eh. Come on! We should go shopping para ma-seduce mo si Zafier" kinikilig na sabi ni Janine. Kanina pa sila daldal nang daldal about them breaking up. Oo alam ko na, nandun nga ako eh.
"Umalis nga muna kayo. Ang iingay niyo!" I shouted at them at agad naman silang tumayo at umalis
Napabuntong hininga na lang ako at napahilamos sa mukha ko nang mawala na sila. Ano bang nangyayari sakin?!
Kasalukuyan akong nasa isa sa mga rooftop ng university ko. Nakatingin lamang ako sa baba at tinatanaw ko ang mga kakaibang students na nag-aaral dito sa EU.
"May iniisip ka yata ah." Natigilan ako nang may nagsalita sa gawing kaliwa ko. Si Jake. My heart instantly went on haywire.
"Marami. So kamusta naman ang pagpapakilig mo kay Sky?" Nanatili pa rin akong nakatingin sa mga estudyante. My voice sounded cold and bitter.
"Mahirap siyang kausapin ngayon dahil kaka-break lang nila ni Zafier." Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan nung sinabi niya 'yon hindi man lang ako sumaya o kahit ano.
Ibinaling ko ang aking tingin kay Jake na ngayon ay nakangisi na para bang nanalo sa lotto. He's really happy that he can make a move at Sky now.
Pero bakit ako hindi ko magawang maging masaya?
"How about you and Zafier?" Biglang tanong ni Jake.
Bago ko sagutin ang kanyang tanong umupo ako sa isang upuan atsaka umupo rin siya sa aking tabi.
"Ayon di niya naman ako sinisisi dahil sa nangyari. He didn't even talked to anyone after nung nangyari. He's back, Jake. The demon is back. " Mahinahon kong sabi. Biglang nagseryoso si Jake dahil sa mga sinabi ko.
"That's what he really is Veronica. You should be happy. That's the guy you fell for right?" tanong niya pero hindi agad ako nakasagot.
Nakakawalan talaga ng gana. Mukhang napansin ni Jake na wala man lang akong reaction na pinapakita na masaya ako simula nung pagdating niya.
"I thought na magiging masaya ka kasi break na sila?" Tumigil siya sa pagngiti at biglang naging seryoso.
"Of course I'm happy!" Pagsisinungaling ko.
"Halata nga." Sarcastic niyang sagot.
"Alam mo I'm very thankful na nakilala kita." Dagdag pa niya, at medyo nabuhayan rin ako ng sinabi niya yon. Ito na naman. Aasa nanaman ako.
Did I kill a whole fucking nation sa past life ko? Bakit sobrang malas ko? Why does destiny hates me so much?
"Talaga?" Sagot ko sa kanya. I'm still hoping. Ano pa ba ang iba kong pwedeng gawin bukod sa umasa?
"Yes. You know why? Kasi dahil sayo napaghiwalay si Sky at Zafier, kaya naman pwede na mapasaakin si Sky." Diretso akong tumigin sa kanya ng seryoso habang siya ay nakangisi. I knew it. Dati kay Zafier ko nararamdaman yung ganitong klase ng sakit. Ngayon sa kanya naman. Talo nanaman ako. Mapagbiro talaga yung tadhana pagdating sa akin. Ang daya.
BINABASA MO ANG
I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]
Teen Fiction[HR: #1 in Boyish ✨] "Even the demon was once an angel" -Sky A/N: Sorry for the mistakes ahead. This was written ages ago out of boredom.