Epilogue

3.4K 56 27
                                    

Third Person's POV

Years later...

"You can't interfere with the law of death Mrs. Gorostiza" seryosong saad ng pinaka-head na scientist na kasalukuyang nasa main laboratory ng Empire University kasama ang iba pang mga magagaling at bigatin na scientist and doctors all around the world na nagtipon tipon sa Empire University.

"I don't care! Binayaran ko kayo ng malaki to revive my daughter! Siya lang ang nag-iisang anak ko! Buhayin niyo siya!" Sigaw ni Mrs. Gorostiza sa sobrang galit.

"You were hired to finish the formula to bring back someone from the dead years ago right?!" galit na saad ni Mr. Gorostiza na hawak hawak ang kanyang asawa.

"Y-yes but sir, hindi pa po 100% sure if that formula is going to work perfectly. The government also forbid us to use this for such transactions" sagot naman ng isa pang scientist.

"Hindi ko kayo binayaran ng malalaki para bigyan ako ng leksyon! I payed you to bring back my daughter. Wala akong paki sa gobyerno na yan. Kayang kaya ko silang patalsikin at ganon din kayo! So do your job kung ayaw niyong mawalan ng credibility!" sigaw niya kaya napayuko ang mga doctor at scientist.

"I'm asking this for the last time. Are you sure about this Mrs. and Mr. Gorostiza?" seryosong tanong ng pinaka head.

"I've waited years to fulfill this plan that me and my husband formed. Of course I'm sure!" sigaw ni Mrs. Gorostiza at napahawak sa kanyang noo sa sobrang stress. Naiirita siya dahil sa sobrang dami ng tanong mga mga scientist at doctor sa kanila.

"Very well" pilit na sabi ng scientist at umalis na ang mag-asawang may ari ng EU at naiwan na ang mga scientist at doctor sa loob ng laboratory.

"Sir gagawin po ba talaga natin 'to? This is illegal" nag-aalinlangan na tanong ng isang doctor.

"We have no choice" pagbuntong hininga niya. Wala na rin magawa ang iba.

"Ready the equipments and the corpse" pag utos niya at agad nag si galaw ang mga doctor at scientist.

Inayos na nila ang mga chemicals na gagamitin nila para magawa ang formula na muling makakabuhay sa isang patay. Delikado ang pinapagawa sakanila dahil wala silang kasiguraduhan kung ano ang kalalabasan nito.

The Gorostizas rushed them to make the formula years ago nung pagkamatay pa lamang ng nag-iisang anak nila na si Veronica. Ilang taon nilang trinabaho ang formula na yon, araw gabi ay pinag-aaralan nila lahat para mabuo ang formula.

They haven't tested it on an actual corpse until now. Hindi kasi ito legal para subukan sa isang patay na katawan. The Gorostizas are willing to break the rule just to see their daughter alive again. 

"Nasaan na yung isang chemical? It was here yesterday" kamot ulo na tanong ng isang scientist.

"Here, parang nag-iba yung kulay at texture ng mga chemicals 'no?" nagtatakang tanong ng isang doctor at inabot ang isang chemical na nakalagay pa sa tube.

"It all seems the same" the scientist shrugged at inayos na ang mga chemicals.

"Handa na po ang mga gagamitin" saad ng isang scientist.

"Bring out the corpse" he said with a raspy voice. Ayaw sana nilang gawin ito ngunit pare-parehas sila mawawalan ng trabaho at credibility kapag hindi nila sinunod ang mga Gorostiza.

They proceeded dun sa tube capsule, human storage. They froze the body for years. They entered the code at unti unting lumabas ang capsule at doon naaninagan nila ang bangkay ni Veronica that was frozen solid over the years.

Napatakip sila sakanilang ilong at bibig kahit may mga face mask na silang suot. Masangsang ang amoy dahil bangkay pa rin ito ngunit hindi na siya ganoon kabaho dahil prineserve ito. Umuusok pa ito sa sobrang lamig. Maingat nilang inilagay ang katawan ni Veronica sa operating table nila.


Napatingin sila sa orasan.

"Let's start. Be careful with what you put" seryosong sabi ng head scientist at sinimulan na nila. They ran a few test bago nila sinumulan ang operation.

Pinaghalo-halo na nila ang mga chemicals na dapat paghaluin tulad ng nakalagay sa formula ngunit nagtataka ang iba dahil parang nag-iba ang kinalabasan kaysa dati nung sinubukan nilang paghaluin ito. Hindi na lamang nila pinansin baka dahil lamang sa puyat at pagod ang kanilang napapansin.

Nakalipas ang ilang mga oras ay naiturok na nila ang ibang mga chemicals sa corpse at unti-unti nilang napapansin ang pagbalik sa dating kulay ng bangkay at ang pagpapakita ng positive signs ng mga organs at nervous system ni Veronica kaya tuwang tuwa sila na baka successful ang kanilang formula. Kung sakali ay yayaman sila ng sobra.

Isang chemical na lamang ang kulang.

Pinagpapawisan dahil sa sobrang kaba ang head scientist na siyang magtuturok ng pinaka huling chemical na mag didikta kung successful ba ang formula. 

He tried to even out his breathing bago siya lumapit sa bandang leeg ni Veronica para doon iturok ang huling chemical para mabilis itong mapunta sa puso ni Veronica.

Lahat ay nakatutok lamang sa kanya at sa kanyang gagawin. Ang ibang scientist na kanina ay may mga hawak na checkboards taking down notes ay ngayon ay napatigil na rin sa pagsulat.

He slowly buried the sharp needle at her flesh directly aiming at her vein. Parang ang bagal ng oras habang unti-unting nauubos ang chemical sa injection.

Nang maubos ito ay maingat niya itong inalis at lumayo ng kaunti para obserbahan ang mangyayari. Ramdam na ramdam ang tension sa buong paligid habang lahat sila ay nakatitig sa katawan ni Veronica.


Nakalipas na ang tatlong minuto at wala pa ring nangyayari. Nawalan na ng pag-asa ang iba at tinawag ng fail ang mission ngunit may napansin ang isang doctor.

"Wait! Her heart is beating! Systems are giving feedback!" sigaw ng doctor na nakatingin sa mga monitors at computers na nagpapakita ng kalagayan ni Veronica. Her heartbeat was slowly picking up its pace papunta sa normal na beat ng puso. 

Lahat inobserbahan muli si Veronica at lahat sila napasinghap nang bigla itong dumilat.

Ngunit may napansin silang kakaiba...

The End

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon