Chapter 17: Protective brother

3K 90 5
                                    

Sky's POV

"Sky! Ano sabi ng bicycle kaya ayaw niyang umandar?" natatawang tanong ni Shaun kaya napataas kilay ko habang nakangiti. Nakakahawa tawa neto eh. Pa-cornyhan kasi kami ng joke ni Shaun. Don't even ask why.

"Oh ano?" tanong ko

"It was TWO TIRED! AHAHAHAHAHAHA!" Sabi niya at humalagpak sa sarili niyang joke. Yung tawa niya yung tipong mamatay na.

Napailing na lang ako habang nakangiti. Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog. It's him.

From: Unknown

I'm glad I'm taller than you, so when I hug you, you can hear my heartbeat that only beats for you

Napangiti ako at napairap sa hindi malamang dahilan dahil sa message niya. This mysterious guys never fails to make me smile with his text kahit madalas akong mag-cringe dahil sa mga pinagsasabi niya. Mukhang nakikisali 'to sa pa-cornyhan namin ng kapatid ko.

But I have to admit. It made me smile. I wonder who he is at kelan ko siya makikilala.

Tinago ko na ang phone ko at tumingin kay Shaun na tawa pa rin nang tawa at hindi napansin kung anong ginawa ko. Napairap na lang ako bago ngumisi. Ako naman!

"Sus basic. Anong tawag sayo kapag nag-reply ka lang ng 'Oo haha' " natatawa ko ring tanong.
Tumigil na siya kakatawa bago sumagot.

"Sige nga. Ano?"

"Edi unggoy! HAHAHAHAHA!" Ako naman ngayon ang humalagpak sa sarili kong joke habang siya ay naka poker face pero maya-maya ay natawa na lang din.

Aba di ako magpapatalo. Ganyan kami ng kapatid ko, sasabayan ka sa trip mo. Buhatan ng sariling joke dre!

"Anong ipinangalan ng isang high class na lalaki sa anak niya?" tanong niya kaya napangisi ako.

"Ano?" natatawa kong tanong, preparing myself for the upcoming cringe.

"Lucas. Kapag may high class may Lucas" Sabi niya at at hindi ko mapigilang matawa kahit ang corny namin mag-joke. Mukha kaming tanga dito sa restaurant tawa nang tawa. Buti na lang nasa dulo kami kaya walang masyadong nakakapansin. Baka pinalayas na kami rito kapag narinig yung mga corny jokes namin.

We went out for dinner kasi tinamad siyang magluto. At wag na wag mo akong paglulutuin kung ayaw mong sumabog yung kusina o malason ka.

"Ang corny langhiya. O eto last one!" tawa ko. I think it's best to end our crazy corny contest dahil baka matuluyan na kami kapag pinagpatuloy pa namin 'to.

"Game!"

"Anong tawag sa bubble na hindi kapani-paniwala?" natatawa kong tanong.

"Sige ano?"

"UnbeliBUBBLE! AHAHAHA!" Sabay kaming napahalagpak nang tawa at lalo akong natawa nang takpan niya yung mukha niya at yumuko tila nahihiya sa kagaguhan namin.

Sa sobrang tawa namin ay wala nang lumalabas na ingay mula sa bibig namin which made us look like retarded seals na pumapalakpak habang hinahampas ang lamesa. We were both out of breath hindi dahil sa nakakatawa yung mga jokes namin kundi dahil sa itsura ng isa't isa.

We kept on bursting into laughter tuwing titingin kami sa isa't isa kahit wala namang nakakatawa. Sumasakit na ang tagiliran ko dahil parang tambutso yung tawa ni Shaun na pahinto-hinto kasi hindi na makahinga.

"Magkapatid nga kayo" napatingin kami bigla ni Shaun sa nagsalita at agad lumiwanag mukha ko.

"Avery!" natutuwa kong sabi nang makita ko ang pamilyar na magandang babae na nakatayo sa tapat ng table namin. Doon lang kami tuluyang kumalma sa pagtawa.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon