Book Cover by: JohnLloyd Berzuela
ACE
STORY BY: AiTenshi
TEASER
Maraming na tayong nilakbay na mundo, ang bawat isa ay mahiwaga, walang hangganan at walang katapusang pakikipag sapalaran. Lumipad tayo sa himpapawid at ginapi ang kasamaan kasama si Narding (Ang Tadhana ni Narding 2016). Sumumpa ng wagas na pag mamahal saksi ang kalikasan kasama si Ibarra (Ang Sumpa ni Ibarra 2016). Nag lakad kasabay ni Seth sa ilalim ng mahiwagang sinag ng buwan at pinatunayan na hindi hadlang ang oras pag dating sa pag mamahal (Ang Lihim ni Seth 2016). Sumibat rin tayo sa kalawakan at sinuong ang pinaka malayong bituin kasama si Kuya Jorel (My Super Kuya 2015) at sumisid sa pinaka ilalim ng karagatan upang tuklasin na ang pag ibig ay sumasaklaw rin sa mundong hindi nararating ng ating isipan patungo sa kaharian ni Prinsipe Malik (Ang Alamat ni Prinsipe Malik 2015).
At ngayong 2017, ang kwentong mag dadala sa inyo sa hangganan ng inyong imahinasyon. Ang kwentong mag bubukas sa panibagong yugto ng naiibang mukha ng pag ibig. At ang kwento sasaklaw sa kapangyarihan ng oras, teknolohiya at walang hanggang kaisipan ng tao. Lumakad tayo patungo sa hinaharap kasabay si ACE.
SOON!
*******
Author's Note:
Ang kwento ito ay nabuo lamang ayon sa aking malikot na imahinasyon. Sa tingin ko ay masyado lamang ako mapangahas na gawin ang isang ito. Karaniwan sa mga akda ko ay kalikasan lang ang settings, baryo, siyudad, dagat, gubat at kung ano ano pa. Ang kwento ito ay pinasakit ang ulo ko dahil hindi ko na saklaw ang hinaharap, imposible na iyon lalo't hindi na ito nakikita ng aking mga mata. Ang pinagana ko lang dito ay ang aking imahinasyon at yung bawat idea na pinag aaralan ko para mas maging effective at makatotohanan.
Parati kong sinasabi sa inyo na hindi biro ang mag sulat at gumawa ng isang Fantasy na story lalo't ang hangarin mo pa ay may bigay ng inspirasyon at aral. Wala akong sweldo sa ganito, pass time lang talaga. Hindi ko na rin nakikita yung followers at dami ng reads sa bawat kwento na naka published sa page ko sa tingin ko hindi naman mahalaga yun. Hindi naman ako after sa maraming followers o comments o votes dahil balewala lang ang lahat ng iyan.. Alam mo ba ang gusto ko? Yung makita kang naka ngiti habang nag babasa ng gawa ko. Wag mo na akong ifollow, wag ka narin mag paramdam.. Basta ngumiti ka lang.. Masaya na rin ako.
-AiTenshi
BINABASA MO ANG
Ace (BXB Fantasy 2017)
Science FictionAt ang kwento sasaklaw sa kapangyarihan ng oras, teknolohiya at walang hanggang kaisipan ng tao.