Ace Part 1: Combot

9.9K 286 33
                                    

Mula sa direksyon ng Alamat ni Prinsipe Malik, My Super Kuya, Ang Lihim ni Seth, Ang Sumpa ni Ibarra at Ang Tadhana ni Narding..

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ace

AiTenshi

Jan 9, 2017

"Hindi ko alam kung anong nag hihintay sa akin pag katapos nito. Minsan ay ayoko na rin isipin pa dahil wala rin namang mag babago. Marahil ay ito ang itinakda para sa akin at hindi ko na iyon matatakasan pa. Sa kabila nito alam kong hindi ako nag iisa dahil nandito ka.." Ito ang mga katagang nabubuo sa aking isipan habang patuloy sa pag lubog sa pinaka madalim na parte ng kawalan.

Patuloy pa rin sa pag liliwanag ang aking dibdib..

Hanggang sa maya maya ay kusang huminto ito..

"Salamat.."

Part 1: Combot

"MGA KAIBIGAN!! Sino kaya sa ating dalawang finalist ang mananalo sa taunang tournament na ito? Si Mirai kaya na dating champion o ang Super Rookie na si Ace?!!!" ang malakas na wika ng Host habang patuloy sa sigawan ang mga taong nanonood sa buong arena.

Ito ang unang paligsahan na aking nilahukan, ang "COMBOT" o "Combat Robot". Ang contest na ito ay tagisan ng mga makina na kung tawagin ay "mecha" o machine. Iba't ibang bayan ang lumalaban dito at sa huli ay tanging isa lamang ang umuuwing tagumpay. Ngayong tao ay maswerte akong nakapasok bilang challenger kaya ginagawa ko ang lahat upang manalo.

"Ace! Ace!! Go Ace!!" ang sigaw ng mga manonood na siyang nag bigay ng ibayong saya sa aking dibdib. Pumipintig ito ng malakas na siyang nag bibigay ng kakaibang enerhiya sa aking katawan.

"Muling tumayo ang batang challenger na si Ace! Ano kaya ang gagawin niya upang matalo ang champion?" ang wika ng host.

Itinukod ko ang aking kamay sa aking mga tuhod ay buong tikas na tumayo. Dito ay nakita ko kung paano mag sigawan at mag saya ang mga tao na nanais manalo ako sa naturang contest. Gumuhit ang ngiti sa aking labi.

"Ang saya dito!!!!" ang sigaw ko na punong puno ng sigla bagamat ilang beses na akong nasubsob at sumadsad sa lupa. Gayon pa man ay hindi pa rin nabura ang kaaya ayang ngiti sa aking labi. Dito ay tuwang tuwang tumakbo patungo sa kinalalagyan ng kalaban habang pinapaikot ikot ng mabilis ang aking kamay.

Lumundag ako ng malakas at sumigaw ng "Super Punchh!!!"

"KABOOOOMMMMM!" isang malakas na pag sabog ang umalingawngaw sa buong arena kasabay rin nito ang malakas na pag yanig sa paligid habang pinabalot ito ng makapal na usok na siyang nag mula sa mga nabasag na sahig.

Hiyawan ng mga tao!

Ang iba sa kanila ay napatayo pa sa sobrang pag kamangha..

Tahimik ang lahat..

Maya maya ay isang malakas na palakpak at sigawan ang isinukli sa akin ng mga manonood noong itaas ko ang aking tropeyo bilang champion ng Combot tournament. Tuwang tuwa ako habang kumakaway sa aking paligid. Halos mayanig ang buong arena sa pag tawag nila sa aking pangalan kaya naman para itong isang magandang musika sa aking pandinig. "Ayos tol! Ang husay mo Ace!! Kapatid ko yan!! Yan ang baby bro kooo!!" ang sigaw ni Kuya habang lumulundag sa tuwa.

Ace (BXB Fantasy 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon