Ace Part 3: Halik

4.3K 208 18
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ace

AiTenshi

Jan 11, 2017

Part 3: Halik

Lumipas ang mga ordinaryong araw sa aking buhay. Maraming ring nag bago mag buhat noong lumabas ako sa publiko upang labanan ang isang depektong robot na aamok sa buong bayan. Mag buhat noon ay marami nang nag nanais na suriin ako at pag aralan, kakaiba raw kasi ang pag kakagawa sa akin, may emosyon at hindi naiiba sa mga ordinaryong binatilyo. Marami rin ang media na gustong i cover ako sa mga pahayagan o kaya ay sa mga magasin lalo na sa mga technology at appliciances sa mga katalogo. Iyon ang dahilan kaya mas lalo pang naging overprotective sa akin si kuya Sam, ngayon ay inilipat na nya ako sa kanyang kwarto upang mas mabantayan daw niya ako, bumili rin siya ng mas malaking higaan dahil malikot raw akong matulog at madalas nalalaglag sa kama.

Isang gabi, pag pasok ko sa aming silid ay naabutan ko si kuya Sam na nakahiga sa kama habang nanonood ng telebisyon. Syempre tulad ng dati ay agad akong lumundag sa kanyang tabi at saka yumakap dito. "Bakit aber?" ang tanong nito habang inililipat ang chanel.

"Bakit agad? Masama bang mag lambing?" ang tanong ko naman habang naka subsob sa kanyang tiyan. "Eh kasi pag ganyan parang may kalokohan kana namang ginawa eh. Katulad na lamang kagabi, kaya ka pala yakap ng yakap sa akin ay natapunan mo ng orange juice yung notebook ko. Noong isang araw naman ay napatay mo yung mga gold fish doon sa aquarium. Hmmm, eh ngayon kaya anong kasalanan mo aber?" ang tanong ni kuya habang naka taas ang kilay.

"Wala naman po kuya eh. Para nag lalambing lang ako." ang sagot ko naman. "Sigurado ka?" ang tanong ulit niya.

"Oo naman kuya. Ako pa.. Honest yata ito!" pag mamalaki ko sabay halik sa kanyang labi. "Ummm tsuppp!"

Parang ikinagulat ni kuya ang aking ginawa kaya medyo lumayo ito sa akin. Nag karoon ng kaunting distansya sa pagitan naming dalawa. Pakiwari ko tuloy ay may malaking pag kakamali akong nagawa. "Bakit kuya may problema ba?" pag tataka ko naman.

Tahimik..

Tumingin sa akin si kuya Sam at napa buntong hininga ito. "Tol, hindi dapat nag hahalikan ang mag kapatid sa labi. Lalo na ang dalawang lalaki. Bawal iyon." ang paliwanag niya.

"Eh bakit doon sa tv? Nakita kong nag kikiss yung dalawa sa lips at sinasabing mahal nila ang isa't isa. Eh love din kasi kita kuya kaya hinalikan kita sa labi. Saka sabi sa books ay ang pag halik sa labi ang pinaka mahusay na pag papakita ng pag mamahal sa isang tao. Kaya iyon ang ginawa ko." ang katwiran ko.

"Tol, ibang pag mamahal ang sinasabi doon sa telebisyon at sa libro. Ang pag mamahal na iyon ay sa pagitan ng lalaki at babae lamang. Nag hahalikan sila sa labi para ipakita ang pag mamahal nila sa isa't isa bilang mag kasintahan. Bata ka pa kasi tol kaya't hindi mo ito agad mauunawaan. Maraming uri ng pag halik, ang pag halik sa pisngi ay para sa mag kaibigan at mag kakapatid, ang pag halik naman sa noo ay tanda ng pag mamalasakit at pag galang sa isang tao. Ang halik sa labi naman ay pag papakita apeksyon ng dalawang taong mag kasintahan. Sana ay naunawaan mo tol." ang paliwanag ni kuya dahilan para matahimik ako at makaramdam ng kalungkutan.

"M-mali ba ang ginawa ko?" ang tanong ko naman.

"Mag kapatid tayo tol, dapat ay sa pisngi mo lang ako hahalikan at hindi sa labi. Hindi naman ako galit, nais ko lang malaman mo ang ganoon mga bagay na naka gisnan naming mga tao." ang naka ngiting wika ni Kuya sabay gusot sa aking buhok.

Ace (BXB Fantasy 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon