Meeting my enemy

342 10 2
                                    

Hello! Ako si Monique Martinez. 17 yrs old, grade 10 sa school na St. Carrè isa ang school nato sa mayayaman sa lugar nato, if ur asking pano ako nakapagenroll dito syempre isa kami sa mga nagiinvest sa school nato, kung di niyo man maitatanong mama ko ay isa sa mga succesful na Fashion designer dito sa pinas kaya nga kumalat na ang mga boutique namin sa iba't ibang lugar! Yeheey. Hanga kaya ako sa lovelife nang parents ko even though na masyado silang lunod sa work nila di padin sila nawawalan nang time sa isa't isa pano naman kasi si dad araw araw nanliligaw kay mom kaya di nawawala ang love sakanila hays inggit much. :(

"Uy! Monica lalim nang iniisip mo dyan ah?" Francine said, siya nga pala ang bestfriend ko :) Francine Gracarma pinakagusto kong tao sa buong mundo! Warfreak, Maganda, confident, pilosopo at yes di siya ganun kayaman tulad namin dahil namatay ang parents niya sa car acciddent. Diko nga alam pano siya sumasaya araw araw habang hinaharap niya yung sadness, she's just a strong woman afterall kahit anong problema kaya niyang lagpasan i wish sana naging katulad ko siya.

"Ano ba monica!" Sabi niya saba'y batok sakin, aray naman sadista talaga tong babaeng to.

"Aray naman! Kahit kelan ba dimoko maiwasang saktan? Lahat nalang ba kayo sasaktan ako huhu" arte ko naman, syempre di ako kayang tiisin nang babaeng to hehe love ata ako neto.

"Ano ba kasi iniisip mo dyan? Habang tinititigan mo yang couple nayan! Ano papapuntahin moko dito sa mall para lang samahan ka tumitig sa couple dyan?" Pikon na sabi niya, lagot galit na siya haha sino ba namang hindi magagalit eh pinagmadali ko siya para samahan ako magshopping tutal one week nalang maguumpisa na ang school kaya namimili nako nang gamit ko.

"Ayan ka nanaman eh, sorry na samahan mo nalang ako mamili nang supplies ha? Tutal love mo naman ako eh" habang sinasabi koyun nakaPout ako syempre cuteness power on!

"Oona, tama nayang pagtitig mo sa couples dyan ikaw kasi e ayaw mo pang sagutin si Martin arte arte mo haha" Sabi niya habang naglalakad kami papuntang national bookstore.

"Eh bakit ba gusto mo ikaw sumagot dun e"

"Sus! Arte mo ano ba meron kay Martin na ayaw mo? Gwapo, mayaman, varsity nang basketball, school hott-"

"Na manyak" sabi ko sabay irap sakanya, ilang beses ko nayung nahuhuling may kahalikan na iba't ibang babae no..

"Sabihin mo maarte kalang talaga" at nauna siya sakin maglakad.

Tong babaeng to talaga! Super bilis maglakad may lahi ba nila flash to? Kaasar!!

*National Bookstore*

Nung nandito na kami tinignan ko na list ko syempre para sigurado hehe

Malapit na kami matapos mamili isang bagay nalang at favorite kong Color pencils nang faber castle haha! Oh diba parang bata lang, gusto ko kasi talaga magdrawing kaya bili ako nang bili nun.

Kukunin ko na sana yung faber castle na pencil kaso may biglang nakauna.. Nainis ako kasi yun nalang yung nagiisa dun! At ang nakakaasar pa nginitian pako bago siya tumalikod. Grrr. Oo na pogi nga kaso mayabang! Di porket pogi ka e kukunin mo nayung pencil ko!!

Hinabol ko siya at tinapik likod niya at humarap naman siya.

"What's ur problem miss?" Tanong niya. Obvious ba!! Kinuha mo pencil ko!!

"Whet nyoy nyenyenye" pangaasar ko. "Amin nanga yang pencil ko! Akin yan eh" hinablot ko pero di niya to binigay sakin.

"Excuse me miss ako ang nakauna neto, staka wala namang pangalan moto ah?" Sabi niya habang iniikot yung pencil na parang hinahanap yung pangalan ko.

"Una! Dimo alam pangalan ko, pangalawa ako ang unang nakakita niyan, kaya akin nayan!" Naiinis nako sa lalaking to ah? Tumataas na tono ko kaya pinagtitinginan na kami dito, bigla namang lumapit si francine samin.

"Anong nangyayari di-" di niya natapos yung sinasabi niya sabay titig dito kay Mr. Yabang.

"Ito lang namang lalaking to kinuha yung pencil ko!" Saba'y turo kay Mr. Yabang.

"Sorry po sir, ako na po nagsosorry sa mga sinabi sayo nang bestfriend ko." NakaPout na sabi ni francine haynako! I hate u francine!! I hate u!!

Hinila niyako papalabas sa national bookstore sabay batok sakin.

"Ano bang problema mong babae ka?" Pataray na sabi niya sakin. Hay francine kala ko pagtatanggol moko huhu.

"Eh kasi naman! Ako nauna dun eh! Akin yung color pencil nayun eh!!" Sagot ko naman, ako naman kasi talaga nauna dun eh T.T

"Dahil lang sa pencil nagkakaganyan ka? Dimo ba kilala yung lalaki na sinisigawan mo kanina ha?" Tanong niya sakin.

"Hindi" tipid na sagot ko.

"Pwes kilalanin mo, Cyriel Lauren" sabay hawak niya sa bewang niya.

Cyriel Lauren? Tekaa siya yung! Idol ni francine sa pagdradrawin ah!! Omg!!

"Kita nalang tayo sa first day of class bye monica" paalam niya sabay lakad papalayo sakin.

Naku poo!! Mukhang diko makakasama si Francine nang isang linggo :( ano ba naman tong nagawa ko huhu hirap kaya makipagbati sa babaeng yun lalo na't pagnagtatampo huuhu.. Uuwi nangalang ako pero daan muna ako sa supermarket para makabili nang IceCream^^

Pagkatapos ko bumili dumiretso nako sa condo ko, yes sa condo ako nakatira syempre kelangan ko nang matutong mamuhay magisa kasi maglelegal age nako.

Nang makarating nako sa condo ko e pumlakda agad ako sa couch at nanuod nang spongebob hihi favorite ko kasi si spongebob kaya kadalasan yellow ang furnitures ko^^

*Yawn* "Inaantok nako" I decided to sleep nalulungkot ako kasi magisa nanaman ako a whole week huhu.






-I hope naEnjoy niyo hehe ako kasi nageenjoy ako kakasulat :))

Accidentally Inlove With My Enemy (ON GOING)Where stories live. Discover now