************************************
Hindi ko namalayan ang biglaang pagtanggal ko ng aking kamay sa kulay asul at hugis parisukat na kristal na nakapatong sa maliit na mesa ng matandang babaeng akala ko ay hindi ko kilala--pero nagkamali ako. Kilalang kilala ko siya ngunit hindi na dapat sa panahong ito.
Agad na dumaloy ang mainit na likidong nabuo sa aking mga mata, halos hindi ako makahinga.
Ang sakit sakit..Bakit ko nakalimutan ang ganong klaseng ala-ala?
Halos hindi ko na alam ang gagawin.Nasa harapan ko ang Matandang babae.
Halos lumabas na ang sipon ko sa kaka-iyak ngunit hindi siya nagpakita ng kung anumang reaction.
Naguguluhan din ako ngunit nangingibabaw pa rin ang paghihinayang, galit, at pagsisisi ko sa aking sarili.Kasalanan ko ang lahat, napaka-walang kwenta kong tao!
Kung maibabalik ko lang ang lahat!
ang lahat,lahat na nangyayari noon ay sana hindi niya naranasan ang mapapait na sandaling iyon.
Sana may paraan pa..sana..