Madilim ang paligid at tanging ilaw galing sa isang poste ang nagbibigay liwanag saamin.
Malakas ang daloy ng hangin na tila ba ay parang galit ito sa'min.
Kumukulog ang langit, senyales na ano mang oras ay bubuhos ang malakas na ulan. Ngunit hindi kami nagbigay ng anumang atensyon sa ipinaparamdam ng panahon.Matapos lamang ang larong ito..
Hindi na nakapagtiis ang langit kung kaya't bumuhos ang ulan at binasa kaming lahat. Agad namang sumugod si Miguel papunta saakin. Ba't ngayon lang kumilos kung kailan umulan na? tch!..
Ilang takbo nalang ay mararating na niya ako.
nilabas ko ang aking kamay mula sa bulsa ng leather jacket ko at nag one step backward.Tinaas naman niya ang isang kamao at buong pwersang sumigaw habang tumatakbo. Hindi ko alam kung matatakot ba ako or matatawa sa panget ng expression na ipinapakita niya.
Lumilitaw ang mga ugat sa kanyang leeg at wagas makakunot ang kilay niya. Ano mang oras ay mukha siyang malalagutan ng hininga.
Hindi ko na siguro kailangang salubungin ang isang to. Mukhang mamamatay siya sa katangahang ginagawa niya.."PAPATAYIN KITAAAAAH!!" sigaw pa niya
aish,...
Bago pa lumanding ang kamao niya sa akin ay sinipa ko na agad ang mukha niya--Buong pwersa! sigurado akong basag ang ilong niya lalo na't sa heels tumama. Gusto kong maawa, pero wala.. hindi ko kayang magpakita ng awa kapag galit ako kaya't pasensya na lang.
Sunod na sumugod ang dalawa pa niyang kasama. Hinawakan nila ako sa braso ngunit walang kahirap hirap kong tinanggal ang kamay nila at tinuhod silang dalawa.
Bigla akong sinakal ng isang mala-bieber ang buhok . Mahigpit ang pagpiga niya sa leeg ko, kung kaya't agad akong tumalon at binigyan siya ng buong pwersang sipa sa dibdib.Nakarecover na ang dalawa sa sakit at agad nila akong nilapitan at binuhusan ng mga suntok.
Panay naman ang ilag ko at hinayaan silang ibuhos ang lakas nila saakin.
Hindi nagtagal ay nawawalan na sila ng focus.
Walang thrill ang laban na to. Akala mo kung sinong mga hambog. Punyeta puro satsat lang ang mga binatang to!*BOOOGGSSSHH!!!*
Isang malutong na suntok ang ibinigay ko sa kanilang dalawa, ayown! tulog!'*cough!**cough!**cough*'
panay ang masahe sa dibdib ng lalakeng sinipa ko kanina lang, susuntukin ko na sana ngunit nabigla ako ng umubo siya ng dugo.
Pucha! baka may TB ang isang to!?
Maslalo akong na alerto ng hindi siya tumigil sa pag-ubo.'Urrgh!'
Napunta ang atensyon ko kay miguel na sa ngayon ay pinupunasan ang dugo sa kanyang ilong.
Bilib rin naman ako sa batang to, tibay ng buto ah? wala atang epekto ang takon ng sapatos ko sa ilong niya.Tumingin siya saakin ng masama at itinuro ako
'Pagbabayaran mo to!'I smirked. 😏
"Oh!"
I throw a coin to him, kuno't noo naman niyang pinulot'A-anhin ko to!?' pasigaw niyang tanong.
Napakamot ako ng ulo, ke-bata bata, ulyanin na?! commonsense dre! gamitin mo naman kahit ngayon lang!
"Diba't sabi mo pagbabayaran ko ang lahat?, oh ayan, sobra na nga ata ang binayad ko diyan sa tinamo niyo."
Biglang namula ang mukha niya at kumunot din ang kanyang noo. Grabe makawrinkles ang isang to, Lubos-lubos?
'WALA KANG MODO!'
and again, I smirked..😏
"Off mode ako ngayon eh.."
Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro noon pa ako namatay.
I've received a tons of death glare since i was 8, inshort--warfreak akong klaseng tao.
So if this stupid miguel thinks that he can threaten me with that kind of stare, well then, diyan siya nagkakamali.
Akala niya madadala niya ako sa ganyan lang?
SUS! makapal pa sa dictionary tong mukha ko! Wa-epek na yan~