Chapter 3

40 0 0
                                    

Isa lang talaga ang masasabi ko sa School nato.

UBOD NG ARTE!!!!
Papasok na nga lang ako sa gate, ipinapahanap pa ang V-codechuchu na card daw! Yun daw ang gagamitin namin upang makapasok kami sa loob. Tapos may bag scanner pa sa gilid. Halatang walang tiwala ang school nato sa mga istudyante,

  "Please swipe your v-code in that Blue rectangular box, then kindly step forward so that malalaman ng scanner kung ikaw ba talaga ang nagmamay-ari ng v-code"

taena, ngayon lang ako nakakita ng englisherang gwardya at ubod ng arte.
Maka-instruct din wagas!

Pagkatapos ng ilang oras na inspection ay sawakaas!!! nakapasok narin ako sa loob.
Walang gana kong pinuntahan ang kulay black kong bag na nasa scanner parin.

May naunang pink at halatang mamahaling bag sa panglalaki at butas-butas kong bag.
May nakasulat pa na 'pradda'.
Pradda? anong klaseng pangalan yun?.

Pagkatapos ng checkup, kukunin ko na sana ang bag ko ng bigla akong tinabig ng isang payat at nakacocktail dress na babae. Muntik pa akong maout balance!
Ang ayaw ko talaga sa lahat ay ang binabanga ako eh!

"hoy," tawag ko sakanya pero hindi niya ako pinansin

"hoy! babaeng nasa tabi ko, tinatawag kita"
ang hinayupak hindi man lang siya nag-abalang tumingin saakin at agad na lang umalis.

Hinabol ko siya at malakas na hinila ang bag niya, napa-ouch siya instead na aray ang sabihin. Taena! kay-arte arte!! maooverdose na ako sa kaartehan ng mga tao dito!

"Wah is ye problehm?"

slung siya bes! slung!

"YOU! kanina pa kita tinatawag! mayaman kanaman diba!?"

tumingin siya saakin na parang nagsasabing 'isn't it obvious!?'

"wha meyks yo think that Ahm nuht rich? ofcooos ahm Rich! noh layk yoo~, poor biych!"

Ilong, ilong! kalma lang, huwag ka sanang reglahin ngayon.

"Eh~! yan naman pala eh! mayaman ka naman,pero sobra kapa sa walang pambili ng cottonbuds. Ang bingi bingi mo! kunin mo na yang nakabara sa tenga mo ng marinig mo ang mga taong tumatawag sayo! pambihira"

"Huuwaaaaat?!"

U.TANG.NA.loob naman oh! kinarir ang pagiging bingi!

"AY SAID! YOU'RE DEAF AND YOU NEED TO PUT SOME S-SOLUTION T-THERE DER IN YER EARS! AND YOU NEED B-BUDS--COTTON BUDS! DID YOU HEAR MEH???"

napaform ng 'O' ang bibig niya hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hihirit pa sana siya ng biglang nag-ingay ang malaking kampana. Nabigla naman ako ng mapa'oh my god' siya at agad na tumakbo paalis. Pero labis akong nagtaka ng halos lahat ng istudyante sa loob ay nagsipagtakbuhan narin. Anong meron? may misa ba?

Imbis na pansinin ay umirap nalang ako sa kawalan at kinuha ang sariling bag na sa ngayon ay nag-iisa nalang. kawawa naman ang bag ko, wala ng kalandian.

sinabit ko sa kanang balikat ang bag, habang ang isang kamay ko naman ay nasa loob ng bulsa ng maong pants ko. Nakakailang hakbang palang ako ng magsalita ang maarteng guard
"I think you have to run miss" nakangiti niyang sabi saakin. Kunot noo ko naman siyang tinignan at magtatanong pa sana ako ng biglang..

"ATENCIÓN ESCUADRA!!"

sigaw nang medyo may katandaan na lalaki. Naka suot siya ng black fitted T-shirt at military pants. Anong trip nito?

"SALIDA SU OBLIGACIÓN!"

Nasa gitna siya ng field at nag-iisang nakatayo doon. Mukhang buang.
"ADELANTE!!" sigaw niya pa.
tss! Ako ang mapapaos sakanya eh, wala ba siyang mic?

OBSCUREWhere stories live. Discover now