Masyadong malaki ang dungeon dahil hanggang ngayon naglalakad parin kami patungo sa exit.
Halos butot balat ang mga tao dito, maliban nga lang sakin, Ang iba nakanga-nga at mukhang titirik na ang mata sa pagod. Nac-curious talaga ako sa sinapit nila dito. Ilang araw na kaya sila nakakulong sa dungeon? Bakit ganyan sila ngayon?"bilisan niyo.."
Puno ng pagod na sabi ng katabi ko. Nakakaawa, gusto ko siyang tulungan pero mukha siyang masungit, kaya shuttup nalang ako.Siksikan at mainit ang paligid, dagdagan pa ng masangsang na baho, And I don't want to know where that smell came from. 😐
Para kaming mga zombie, ang babagal naming kumilos.Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakaabot narin kami sa pinakamataas na pintuan. Gawa ito sa metal dahil kulay silver ang pinto. Napakatindi talaga ng security nila dahil may kuryente pang dumadaloy sa katawan ng pinto. At sigurado akong naka super duper high voltage ang kuryente. Paano ko nalaman? Maliban sa obvious na itsura ng kuryente ay nakompirma ko rin sa pamamagitan ng biglaang paghulog ng tuko mula sa kisame at naging abo pagkatapos lumangoy sa dumadaloy na kuryente.
"If someone here wants to die!..."
Biglaang sigaw ng isang lalaki sa unahan. Hindi ako sigurado kung sino dahil nasa unahan siya at nasa likuran ako. Pero isang tao lang ang nasa-isip ko na maaaring nagmamay-ari ng ganyang boses...
"..then you can freely touch the door. But if someone here still value their lives then you can distance your selves from that door"
..'ambushero' sarcastic palang niya, alam ko na agad na siya yun.
Hindi ko alam kung anong ginawa niya, basta bigla nalang nagsalita ang isang robotic voice na 'Scan Determinated' at pagkatapos bumukas agad ang malaking pinto at tumumbad saamin ang nakakasilaw na liwanag at ang nakakaginhawang hangin.
'Finally!'
Agad na nagsitakbuhan ang lahat palabas. Hindi ko talaga mame-measure ang saya nila. Para talagang kinulong sila ng ilang centuries kung makasigaw sa saya.
Nang tuluyan na akong makalabas, hindi ko rin maiwasang pumikit at huminga ng napakalalim.
Ilang oras rin ang lumipas ng hindi ako nakalanghap ng sariwang hangin--"Hi po Miss Vergara!"
Napatingin ako sa tumawag saakin at agad na kumunot ang noo ko. Paano nalaman ng dugyot nato ang last name ko?--atsaka, did he just said 'po?'. Kung maka-'Hi' rin parang hindi siya nag protesta sa kalayaan ko kagabi ah?
"Anong kailangan mo? at paano mo nalaman ang apelyido ko?"
Masungit kong tanong sakanya."Heto nga pala ang bag mo."
Anak ng tupa! may guts rin tong mang-ignore ng tanong ah?
Inabot niya saakin ang bag at pwersahan ko namang kinuha.
"As a soldier of this school. We are obliged to check the things of those who are imprisoned, So kahapon in-assigned po akong mangcheck, at nagkataon rin na ikaw lang ang nadakip namin simula kahapon. I checked all your things, and then nakita ko ang i.d mo, so... yeah doon ko po nalaman ang last name mo."
Pagkatapos niyang mag-explain ay agad siyang ngumiti ng napakatamis. Pinagt-tripan ba ako neto?
"Ge, makakaalis kana." Tipid kong sagot sakanya. Eh sa wala na akong masabi eh~ at plus nagugutom nako.
Sa susunod nalang siguro ako reresbak sa helmet boy nato."Nope! My work is not yet done Miss Vergara, I still need to lead you to your dorm."
Napakunot ang noo ko.
"Hindi na~!, magtatanong-tanong nalang ako."