ang init,...
ang init-init!
AMPUCHAAAAAA ANG INEEET!!!!
pinatay nanaman siguro ni grandma ang electric fan! kainis naman oh! natutulog yung tao eh~!Unti-unti kong minulat ang mata ko.
Tumingin ako sa paligid at pumikit ulit,
"AAAAAAAAH!!!!" Labis akong na-alarma ng magsink-in sa utak ko na wala ako sa bahay.
Umatras ako ng umatras hanggang sa umabot na ako sa dulo ng selda––teka ano kamo?! selda!?Napatayo ako at mahigpit na hinawakan ang malaking metal. Anong ginagawa ko dito!? ba't ako nakakulong?!
"*cough!**cough!**cough!*"
May narinig akong umubo sa likuran ko. Saktong paglingon ko ay nagsitayuan agad ang balahibo ko.
Muntik pa akong mapasigaw sa bigla ng makita ko ang mga itsura ng mga taong nasa loob ng selda rin kagaya ko. Mukha silang hindi nakakain ng isang taon, ang papangit nila, mukha silang matanda dahil sa pangangayat ng katawan nila. Ang dudumi nilang tignan! sobra pa sa pulubi ang itsura nila!, nakaka-awa!, pero anong ginagawa nila dito!? Ba't rin ako nandito!!?
Ano nang mangyayari saakin? Gagaya rin ba ako sakanila!?
Nagsimula ng manginig ang kamay ko, natataranta na rin ako. Kahit na palabugbog akong klaseng babae ay kahit kailan hindi ko naimagine ang sarili kong makulong sa ganitong klaseng selda!
Ang dumi!, masangsang ang baho!, nilalangawan!, nilalamok!, at ang masama pa ay malapit kami sa apoy!! Masakit sa balat ang buga ng apoy, para kaming nasa impyerno! buyset!Unfair to! hindi nila dapat gawin saakin to! Malaking halaga ang binayad namin dito, tapos dito lang kami mapupunta!? pwede ng ireklamo ang lintek na school nato!"you're awake"
lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kumunot ang noo ko at agad na nanalaytay ang matinding galit sa aking ulo. Nasa harapan ko lang naman ang lalaking nag-ambush saakin kanina. Kapal ng mukha nito, may guts pa talagang kausapin ako sa kabila ng ginawa niya kanina.
" So this is my penalty?"
Mapait pa sa ampalaya ang mukhang pinapakita ko sakanya ngayon.Lumitaw bigla ang isa pang lalaki na nakasuot ng cap. Tumayo siya sa likod ni 'ambushero' at tumingin ng napakasama saakin.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay bigla nalamang nabura ng konti ang init ng ulo ko ng mapansin kong malamya at maamo ang mukha ng lalaking kakarating lang. Ngunit nagtataka ako kung bakit pinipilit niya ang sariling maging tense kahit halata naman na hindi niya talaga maitatago ang maamo niyang mukha."You deserve that for being too lazy to read the rules!.
Amo, you caught her, then its your privilege to give her the rightful punishment."Bumalik bigla ang init ng ulo ko, Okay, Joke lang, Nakakagigil na si Tsong na nakacap. T-Teka lang, ba't ba pumuputok ang mga butse nila dahil lang sa nalate ako!? at isa pa, (*hinga ng malalim*)
FRESHMEN AKO! FRESHMEN PO AKOOOOO~~!!
ATSAKA, MAKAKAIN KO BA ANG RULES NA IPINAGMAMALAKI NIYO HA!!?
UTANG NA LABAS PO! MAKAKALIMUTAN KO PARIN YAN KAHIT IPAMEMORIZE NIYO PA SAAKIN NG ILANG BESES!
IME-MEMORIZE KO LANG YANG RULES NIYO KAPAG NAWALA NA WRINGKLES NI GRANDMAAAAAA!!!
Gustuhin ko mang isigaw sakanila ang lahat na nasa-isip ko ay hindi ko magawa. Parang may pumipigil saakin na sigawan sila. Ang weirdo ko ata ngayon?